Chapter 5

72 4 0
                                    




Maaga akong Nagising dahil susunduin ko si Aiko today. Hindi naman halatang excited ako.

I know this is not me. Ibang iba ako ngayon. Dapat ako ang sinusundo eh, sa arte kong to at babaeng babae ako pero bat ako nanliligaw ngayon?

Umiling iling na nagtungo na ako sa banyo

"Mom, dad" bati ko ng abutan ko sila sa dining table

"Eat first, aga mo?" ani dad habang nagbabasa ng magazine

"Sa labas na dad" nakangiting sagot ko

"Okay take care" naka ngiting ani mommy

"Ahm can I ask for some money? Hehehe" Hindi ko ugali humingi talaga after nila ibigay ang allowance ko unless May project na mahal

"For date?" Nang Aasar si daddy

"No daddy" mabilis akong umiling iling tumawa naman sila ni mommy

Now kampante na akong tanggap nila Kung ano man ang maging kasarian ko

"Bibili po ako ng new helmet dad" nahihiyang ani ko

"Ayaw mo ba talaga mag kotse anak" ayan na naman si mommy

Alam Kong iniisip lang nila ang kaligtasan ko pero baka may ibang hindi makakaligtas sa ikli ng pasensya ko at makabangga pa ako sa kalsada

"Mom alam nyo naman na maiksi ang pasensya ko" nakangusong sagot ko

"Fine pero please wag kaskasera" bilin nito
Ngumiti at tumango naman ako sa kanya

"I'll just transfer it to your account" ani ni dad kaya ngumiti na ako at aalis na sana

"Wag ka na ulit maglihim sa amin anak" naramdaman ko ang lungkot sa boses ni daddy

I'm so sorry for keeping it from you mom, dad.

Agad akong umalis ng bahay dahil quarter to seven na Baka di ko abutan si Aiko mamaya

Napaka bilis ng takbo ko ngayon dala na nga siguro ng excitement

Mabilis akong nakahanap ng magandang motor shop, naagaw agad ng kulay Black and gray na couple helmet Yung atensyon ko. One piece helmet Lang talaga ang balak kong bilhin pero maganda yung design ng helmet

"Good morning ma'am" bati ng guard at binuksan pa yung pinto para sa akin

"Good morning ma'am, ano po hinahanap nila?" Ngiting ngiti na ngayon sa harap ko ang isang sales lady

"That one" naka ngiting turo ko sa helmet na nagustuhan ko

"9600 ma'am" agad Kong inabot sa cashier yung card ko

Buti na Lang at na transfer na agad ni daddy

Hindi ko na kinuha yung mga box at ang tangin laman lang at papel ang kinuha ko. Wala pang 20 mins ay narating ko na ang subdivision Dinaan ko muna sa bahay yung dati Kong helmet dahil wala naman top box storage ang motor ko na pwede pag lagyan.

Agad akong pumunta sa bahay nila

I dialed her name

"Hello" nagulat ako dahil parang kagigising Lang nya.

I check the time at 7:25 na

"Malelate ka na" ani ko at narinig ko pa syang napamura at namalayan ko na Lang na naka end na pala yung call

Almost 20 mins akong nag antay at lumabas na rin sya

She's so freaking sexy. She's wearing a black trouser and a sexy tank top at naka long suit sya habang nakalugay ang brown nyang buhok.

I'm not straight anymore because of you (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon