Nang Maiabot na lahat ni Aiko sa maid ay lumapit na ulit ito sa akin"Done checking me out?" Sabay irap nito
"I did not" pag tanggi ko
"Talaga Lang ha" iiling iling ito at isinuot na ulit yung helmet
Sasampa na sana ako sa motor ko ng hinila nya ako
"I'll drive Ms" Nakangisi ito tsaka ako inusog at tsaka sya sumakay
Wala na akong nagawa kaya umangkas na Lang ako at yumakap sa kanya
"What the fuck Aiko" halos mapiga ko na yung tiyan nya sa sobrang bilis namin
"Now you know how it feels" sigaw nya para marinig ko sya
"Shit Aesaiko, ako na Lang ang mag dadrive" sigaw ko na lalo pang yumakap dahil pinihit pa nya ulit yung silinyador
"Wang wang wang" agad akong nakaramdam ng kaba ng biglang may sumusunod ng mobile
"Jesus Christ please Aiko" sigaw ko
Lord wag nyo hayaan na mahuli kami, limited edition tong motor ko
"Hold on tighter babe" sigaw nya at bigla nyang minaobra at halos Dumikit na sa lupa yung mga tuhod ko sa biglaang liko nya
Lumiko kami sa isang kanto at doon pa Lang nya medyo binagalan ng sobrang slight yung takbo namin
Ramdam ko na ang pag tulo ng luha ko sa takot. Kaskasera ako pero mahal ko pa ang buhay ko
Maya maya Lang ay nasa highway na ulit kami at sakto na Lang yung bilis namin
Para akong nawalan ng kaluluwa sa bilis namin kanina. Para kaming nakipag patintero Kay kamatayan
Maya maya ay pumasok sya sa isang memorial park at ipinarada sa tabi ng malaking puno
"What the hell Aiko, hinahabol mo na ba si kamatayan?" Sigaw ko dito at ramdam ko pa rin yung panginginig ko
"My bad" tumatawang yumakap tito sa bewang ko
Pinilit Kong pinakalma yung sarili ko at tsaka humawak sa kamay nya ng mag umpisa na itong mag lakad
Pumunta kami sa isang malaking museleo, para na itong isang bahay pang malaking pamilya sa laki nito
"Good afternoon mommy, daddy, lil sister" shock was written on my face ng marealize Kung kaninong puntod itong nasa harapan namin
"Good afternoon po, Aesaiko's family" nag bow pa ako as a sign of respect
"Upo ka" lumapit naman ako sa sofa sa bandang kanan
I check the whole place. Pag pasok sa door ay bubungad sa tapat ang tatlong malaking picture frame ng parents at sister nya, tapos dito sa right side ay May mahabang sofa at dalawang couch meron ding May katamtamang flat screen TV. Sa kaliwa ay May stair paakyat sa second floor at sa bandang Kaliwa pa ay ang pinto papuntang kitchen
Tumingala ako at napansin yun ng kasama ko"Sa 2nd floor ay may dalawang room at Comfort room, then yung rooftop" nakangiti na ito sa akin
Pinanood ko syang lumuhod at nag ba bow, habang nakapikit at magkalapat ang dalawang kamay nya. I think Japanese culture yun, Japanese kasi ang mommy nya at Filipino ang daddy nya
"Mom, dad, sis. I want you to meet my girlfriend Morphine Ishia" lumingon pa sya sa akin
"Sorry Kung wala akong pasalubong sa inyo ngayon bukod sa babae, hehehe. Babawi po ako sa susunod tapos isasama ko si kuya"
Nakita Kong tumulo yung luha nya. Gusto ko sana syang lapitan pero Hindi ko ginawa dahil nakaluhod pa rin sya sa carpet pinanood ko na Lang sya
"Wag nyo po kami isipin ni kuya, we're doing fine. Lil sis isang taon na Lang ga graduate na ako sa Pangarap mong course" humagulgol na nga sya.
Ibig sabihin yung bunso nila yung may gustong mag CPA
"I'm doing great mom, dad. Matataas yung grades ko tapos sumasayaw na ako ulit. Sana pinapanood nyo ako from there."
Natahimik sya at nag punas ng luha
"Mommy alam mo ba, na meet ko yung mommy ni Shia, mabait naman po sya sa akin. Nadagdagan na rin po yung friends ko, sorry daddy Kung uminom ako the last time. Galit po ba kayo sa akin? Kasi hindi ako nakakabisita? Hayaan nyo po sa susunod lagi na po akong pupunta dito"
Hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko yung pangungulila nya sa ginagawa nyang pag kausap sa mga yumao nyang pamilya
"I'm enjoying my life, mom dad. Hindi na ako pasaway. Daddy wag ka magagalit kung ginagamit ko pa rin yung mga equipment nyo ni kuya sa gym, Ainsley, don't worry lagi kong nililinis yung room mo, alam ko kasi na ayaw ko ng alikabok"
Natahimik na naman sya at naka titig Lang sa mga katawan
"Mommy, daddy aakyat po muna kami sa Taas. makikipahinga Lang po kami saglit" nag bow ito ulit tsaka naka ngiting lumapit sa akin at inakay ako paakyat
"I didn't know na may kapatid ka pa pala na mas bata" saad ko ng makapasok kami sa isang room
"Mas bata sya ng dalawang taon, 18 birthday nya nung araw na nakipag break sa akin ng ex ko, Hindi ko pa sya dinala dito pero sa kanya ako umiiyak that time kasi masakit na Hindi man Lang sya umabot sa 18th birthday nya, maaga suang kinuha ni god. She's only 16 nung na aksidente silang tatlo"
Agad ko syang niyakap ng umiyak na naman sya
Hindi ba wrong timing na pumunta kami dito after nya ako sagutin? Pakiramdam ko tuloy pinapaiyak ko sya sa araw na naging kami
"Dalawang taon ko ng sinisisi yung sarili ko sa pagkamatay nila. Nag bakasyon kami that time kaming tatlong magkakapatid Lang sa Batangas 2 days kami dun, pero nag madali akong umuwi dahil may biglaang contest ako nung pang 2nd day dapat namin at nag pasama ako Kay kuya umuwi. Dahil motor ang mabilis nag pahatid ako Kay kuya kahit kinausap na ako nila daddy na wag na tumuloy at wag iwanan si Ley pero tumakas kami ni kuya Sabi nya babalik na Lang sya agad, nalaman nila daddy agad dahil nag sumbong si ley. Pumunta sila mommy sa kanya pero nung pabalik na sila dito sa Manila ay inabutan sila ng ulan. Nawalan ng control si daddy kaya sila nahulog sa bangin"
Grabe na ang hagulgol nya ngayon
"Hindi mo naman kasalanan yun, alam ng parents at kapatid mo na Hindi mo ginusto yung nangyari at walang May alam na aabutan sila ng sama ng panahon. Alam Kong Hindi ka sinisisi ng pamilya mo. Kaya stop blaming yourself. Set them free love. Sasaya sila Kung nasaan man sila Kung ititigil mo na ang paninisi sa sarili mo" niyakap ko Lang day ng mahigpit
Maya maya Lang ay naramdaman ko na sa leeg ko ang mabigat at mainit nitong pag hinga. Tulog na sya
Umayos ako ng higa at ginawa Kong unan nya ang braso ko. Malaya Kong tinitigan yung mukha nya. Namumula pa rin yung mata nya
"Kanina iniisip ko na bakit mo ako dinala dito right after mo akong sagutin? Pero ngayon thankful pa ako kasi mas nakilala kita at thankful ako kasi nagtiwala ka sa akin at ngayon alam ko ng ako ang safe place mo, I love you" hinalikan ko sya sa noo at pumikit na rin
Naalimpungatan ako ng maramdaman Kong may malambot na dumadampi sa leeg ko
"Hey" bahagya akong bumangon ng makitang si Aiko ang gumagawa
"Uwi na tayo, late na oh" nakangiti na sya ulit
Bumangon na kami at tsaka agad na bumaba
"Guys, aalis na muna kami ha. Babalik po ako dito. Thank you for letting us stay for a while. I love you" nag bow pa sya na ginawa ko at tsaka kami lumabas.
Maingat nyang sinarado yung museleo ng pamilya nya
Mag ka hawak kamay kaming naglakad pabalik sa motor ko
A/N: pakiramdam ko ang random ng chapter na to. Wala na akong maisip 😂
BINABASA MO ANG
I'm not straight anymore because of you (HIATUS)
RomanceWhen you're really feeling some kind of way about someone, it can be even harder to come up with the words to express how you feel. You know when you've got that head over heels, can't eat, can't sleep, over the fence, out of the park, World Series...