A/N: dahil loves ko kayo, sige habol tayo ng mahaba habang update
Natapos kaming kumain ng samgyup at pabalik na ulit sa school sasakay na sana ako sa motor ni Aiko ng may lumapit sa amin
"Hi" bumati ito at lumapit sa akin
"Anong kailangan mo Rylle?" seryosong Tanong ko
"Can we talk?" Naiilang na ani nya
"We're already talking" sagot ko
"I'm busy so if you don't mind aalis na kami" tinalikuran ko na sya pero hinawakan nya ako sa braso
"Please kahit saglit Lang" pangungulit nito na Hindi pa rin ako binibitawan
"Axerylle bitaw" nagbabanta na ang boses ko at tinitignan ko na sya ng masama
"Kausapin mo muna ako" matigas din na sagot nya na Hindi pa rin binibitawan ang braso ko
Nagulat kami ng biglang hampasin ng malakas ni Aiko ang braso ni Rylle para maka bitaw sa akin
"She already told you na ayaw nya, you're actually harassing her. Gusto mo tumawag ako ng police?" Galit na ani Aiko
"Ms. Kung sino ka man you're out of this" singhal na ni Rylle
"She's my girlfriend so obviously I'm not out of here" Mataray na sagot ni Aiko at nagulat naman si Rylle.
Hindi makapaniwala ang hitsura ni Rylle dahil sa sinabi ni Aiko kaya hinawakan ko sa bewang ito
Napansin Kong humahagikhik Lang yung tatlo at Hindi man Lang kami tinutulungan
"You - you're a" Hindi matuloy ni Rylle yung sasabihin nya kaya nag salita na ako ulit
"Please stop pestering me Rylle, Hindi ka pa ba nag sasawa? Ilang beses na Rylle paulit ulit na kitang na reject. I don't like you, ayoko Sayo, at Hindi kita magugustuhan so please stop" mahinahon pero nakikiusap na ako
"If that's what you really want, fine. But always remember this, I will still admiring you from a far" napansin Kong parang naiiyak na sya
Tumalikod na sya sa amin kaya naka hinga na ako ng maluwag pero halos manigas na ako sa kinatatayuan ko ng humarap ulit ito at mabilis akong nilapitan at hinalikan sa labi
"What the fuck" natulala na Lang ako sa nangyayari
Hinila ni Maia si Rylle at sinampal pero mas nagulat ako ng sipain ni Aiko ang sandata ng binata napangiwi pa ako ng mamilipit ito sa sakit
"Let's go" nag ma madaling sumakay na sila sa mga motor nila ako na ang nag drive ngayon at pinaharurot ang motor ni Aiko
"Thank you for saving me" naka ngiting pagpapasalamat ko Kay Aiko ng makarating kami ulit sa school
"Wala yun, lagi mo rin naman ako pinag tatanggol" sagot nya na lumapit pa sakin
She kissed me sa pisngi
"Here, wipe your lips" tila nandidiri pa syang inabot sa akin yung tissue
"Ang lakas ng tama Sayo nung lalaking yun. Hindi ka na tinantanan simula nung first year tayo" naka ngiwing Sabi ni Ezra
"Maganda eh" pagyayabang ko
Tumawa naman si Aiko at Allister habang parang nandidiri naman si Maia at Ezra
"Woah, hangin" nag kunwari pang ginaw na ginaw si Maia
"Tara na nga malelate tayo nyan" inis na Lang sa saad ko at nauna ng maglakad
Pagdating sa room ay pasalampak Lang akong naupo at nilabas yun phone ko
"Para tayong kwento ni Juan Tamad: ako si Juan at ikaw yung bunga. Hinihintay Kong mahulog ka sa akin" sent
BINABASA MO ANG
I'm not straight anymore because of you (HIATUS)
RomanceWhen you're really feeling some kind of way about someone, it can be even harder to come up with the words to express how you feel. You know when you've got that head over heels, can't eat, can't sleep, over the fence, out of the park, World Series...