Linnea POV
Nandito na ako ngayon sa kompaya kung saan ako nagtatrabaho, hindi ko alam pero tamad na tamad akong kumilos ngayong araw. No'ng makaalis ako sa bahay ni Hunter kanina ay wala na siya do'n. Ang sabi ng isa sa mga kasambahay ay maaga itong umalis para pumunta ng opisina. Hindi na ako nagtanong pa at kumain na lang saka umalis.
Ang totoo niyan ay pumunta ako sa opisina namin hindi para magtrabaho kung hindi ay ibigay ang resignation letter ko, ilang beses ko itong pinag isipan ng mabuti pero wala akong ibang choice dahil alam kung hindi titigil ang lalaking 'yon kapag hindi ako pumayag na magtrabaho sa kanya. Ayaw ko naman na guluhin niya ako dito sa opisina kapag patuloy pa akong pumasok dito, ayaw na ayaw kung mapag usapan o magkaroon ng eskandalo.
Kanina pa ako tulala sa table ko, kung hindi lang dahil sa kanya ay hindi ko iiwan ang trabaho ko, sobrang mahal ko ito at isa pa ito ang bumubuhay sa akin simula no'ng maulila ako kaya hindi madali sa akin na bigla na lang aalis at iiwan ang nakasanayan ko.
"Linnea, okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala. Mukhang ang lalim ng iniisip mo." biglang saad ng kaibigan kung si Ciara, hindi ko man lang napasin na nandito pala siya sa dept. namin.
Kung pwede ko lang sabihin sa kanya ang tungkol kay Hunter pati ang mga ginagawa ng lalaking 'yon pero ayaw ko na pati kaibigan ko ay madamay sa magulong buhay na pinasukan ko.
"Masakit lang ang ulo ko," maikling sagot ko at hinimas himas pa ang sentido ko.
"Ang dami mo ba naman ininom kagabi eh. Ay speaking of that sino 'yong lalaki na pumunta sa bahay at basta basta ka na lang kinuha?" tanong nito.
Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Chismosa pa naman itong kaibigan ko at hindi ito titigil kapag hindi ko sinagot ang tanong niya. "Naging kakilala ko 'yon." sagot ko.
Tumaas naman ang kilay niya. "Kailan pa? Bakit hindi ko alam?"
"Basta, huwag ka na masyadong matanong at kalimutan mo na lang 'yon." kako sa kanya.
"At isa pa pala best, tutal nandito ka na rin naman ay ikaw na lang ang magbigay nito kay Sir at para makauwi na din ako." dagdag ko.
Kinuha niya naman 'yon sa akin. "At ano naman ito aber?"
"Obvious naman Ciara na papel 'yon. Resignation paper ko." irap ko sa kanya.
Nakita ko naman na nanlaki ang kanyang mga mata. "What? Magreresign ka? Bakit?"
"May nahanap na kasi akong bagong trabaho, kagaya nga ng sinabi mo subukan ko din ang ibang trabaho." paliwanag ko.
"I know but ang bilis naman yata, samantalang nakaraan kahit ilang beses kitang pagsabihan ay ayaw mong umalis."
"Nag isip isip na din ako, mas mabuti siguro na magtry din ako ng iba pa para magkaroon ng experience." ani ko.
"Eh ano naman ang bago mong trabaho?"
"Personal Assistant sa Silvestre Company."sagot ko sa kanya.
"OMG! You mean sa Silvestre? Seryoso ka? Paano?" sunod sunod na tanong niya.
"Iyong lalaki na nagsundo sa akin sa bahay niyo ay ang CEO no'n." maiklig wika ko.
Agad niya naman akong niyugyog. "Grabe! Hindi ko kasi siya matitiga kagabi ng maayos dahil mas nag aalala ako sayo. Gosh! Hindi ko man lang nalaman agad na ang CEO ng Silvestre ang pumunta sa bahay. Ang swerte mo girl." saad niya, inirapan ko naman siya. Kung alam niya lang ang pinagdaanan ko sa lalaking 'yon ewan ko lang kung masasabi niya pa ang bagay na 'yan.
Himbis na magtagal pa ako do'n ay tumayo na ako. "Ikaw na ang bahala ha, kailangan ko na kasing umalis." saad ko.
"Mag iingat ka ha. Malaki ka naman na kaya alam mo na ang tama. Basta mag update ka sa akin palagi ha?"
"Kung makapagsalita ka akala mo naman aalis ako at pupunta ng malayong lugar, eh magkikita pa rin naman tayo. Trabaho lang ang nilipatan ko." natatawang wika ko.
Umirap naman ito. "Sinasabi ko lang Linnea girl, alam mo naman shunga ka madalas. At isa pa nagpaplano akong magtayo ng sho at tutulungan ako ni Kuya kaya baka hindi na di ako magtagal dito."
"Good for you, 'yan naman talaga ang gusto mo dati pa. Hindi ko nga alam kung bakit ka nag apply dito." anas ko.
Nagtagal pa ako do'n dahil ang kulit ng kaibigan ko at ng matapos na kaming mag usap ay nagpaalam na ako para umalis. Alam kung marami pa siyang trabaho at ayaw kung maka istorbo sa kanya. Inayos ko lang ang ilang gamit ko at umalis na, paglabas ko pa lang ng building ay may nakita akong itim na sasakyan na nakaparada. Hindi ko na sana ito papansinin pero ng tumingin ito sa akin ay nakilala ko agad kung sino ito.
Gosh! Ano ang ginagawa ng lalaking 'yan dito sa labas ng pinagtatrabahuhan ko? Kahit kailan talaga nakakainis siya! Sa tuwing naaalala ko na siya ang dahilan kung bakit unti unting nag iiba ang takbo ng buhay ko ay nabwi bwisit ako.
Bumuntong hininga na ako at nagpatuloy sa paglalakad dahil hindi ko naman alam kung bakit siya nandito. And it's not my business anymore. Nakailang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng may marahas na humila sa braso ko. "Aray! Ano ba," inis na sigaw ko.
"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.
Pinaningkitan ko naman siya ng mata. "Anong klaseng tanong 'yan? Malamang uuwi na ako, hindi mo ba nakikita?"
"Huwag mong pairalin sa akin 'yang kamalditahan mo. Sumakay ka na sa sasakyan ko." madiin na sambit nito.
"What? At bakit ko naman gagawin 'yon? Hindi mo ako utusan! At pwede ba huwag mo na akong guluhin."" matapang na saad ko.
Mabilis naman na dumilim ang kanyang mukha. "Sumakay ka na Linnea," pag uulit nito.
"Alin ba sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan Hunter?" pagpupumilit ko.
"Magkukusa kang pumasok sa sasakyan o hihintayin mo pa na ako mismo ang magpasok sayo?" seryosong anas niya.
Kaya padabog akong naglakad papunta sa kanyang sasakyan. He is manipulator!
Nang maaupo na ako at siya din pagpasok niya sa sasakyan at mabilis na nagdrive. Hindi ko mapigilan ang hindi siya titigan habang seryosong nagdadrive. Ang gwapo at ang kinis niya. Napansin ko din na ang amo ng mukha niya kapag tulog pero kapag seryoso ay nakakatakot.
Hindi ko maintindihan pero sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng takot sa isang tao at sa kanya lang 'yon. His aura shouting danger.Isinandal ko na lang ang ulo ko at ipinikit ang aking mga mata, dahil sa sakit na din ng ulo. Hindi ko alam kung bakit umiinom ako ng marami kaya ito ang napala ko.
BINABASA MO ANG
Between Love and Vengeance (COMPLETE)
Roman d'amourSi Linnea Georgia Villareal, bata pa lang ng maulila kaya ginawa niya ang lahat para makapagtapos ng pag aaral at makahanap ng trabaho para mabuhay ang kanyang sarili. Isa lang ang hangad niya 'yon ay magkaroon ng maayos at normal na buhay, pero sa...
