Linnea POV
Maaga akong nagising dahil gusto kung ipagluto si Hunter ng almusal, papasok pa kasi ito sa opisina. Ilang beses ko siyang pinilit tungkol sa pakikipag kita ko kay Aiden pero hindi talaga siya pumayag, alam kung kapakanan ko lang ang iniisip niya pero hindi naman pwedeng ganito na lang kami palagi. Kaya nakapag desisyon na akong makipagkita kay Aiden ng hindi nagpapaalam kay Hunter. Alam kung mali ang bagay na ito pero ito lang ang naisip kung paraan para maayos na ang gulo. Hangga't hindi ako nakikipag kita kay Aiden ay tiyak kung hindi pa din siya titigil at isa pa baka mapilit ko din siyang makipag ayos na.
Nang matapos ko ng lutuin ang almusal ay inayos ko na ito at dinala sa kwarto, pagpasok ko ay kalalabas lang ni Hunter sa banyo. "Gising ka na pala." nakangiting saad ko.
"May meeting kasi ako ngayong umaga. What's that?"
"Dinalhan kita ng almusal kaya bilisan mo na diyan para makakain ka na." sagot ko sa kanya.
"Ikaw ang nagluto?" tumango naman ako.
"Bilisan mo na habang mainit pa ito." anas ko.
"Bakit hindi mo na lang ako sabayan sa pagkain?"
"Busog pa ako kaya mamaya na ako kakain." sagot ko sa kanya.
Hindi naman na siya nagsalita pa at kumain na lang, nakatitig lang ako sa kanya. Kahit saang anggulo ay gwapo talaga siya. Nang matapos na siya ay niligpit ko na ito habang siya naman ay nag aayos.
Tinawagan ko na si Aiden kanina kung saan kami magkikita , nakuha ko ang numero niya sa telepono ni Hunter ng matulog ito kagabi. Alam ko kasi na kahit anong pilit ko sa kanya ay hindi siya papayag kaya ako na ang gagawa ng paraan para matapos na ang problemang ito.
Mayamaya din ay nagpaalam na sa akin si Hunter na aalis na siya at ako naman ay dali daling naligo para makaalis na, wala akong dapat sayangin na oras ngayong araw. Aiden wants to play a game not to me but to Hunter. He is so childish!
Nang matapos na akong mag ayos ay nag book lang ako ng grab para pumunta sa lugar na sinabi ni Aiden. Halos kalahating oras din ang naging biyahe ko bago makarating do'n, nagbayad lang ako sa driver at bumaba na.
Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Aiden kasama ang iba niyang tauhan, mukhang naninigurado siyang mag isa lang ako pupunta.
"Mabuti naman at nandito ka na." saad niya.
"Hindi ko alam na ganito ka pala ka duwag Aiden, ako lang ang kikitain mo pero nagsama ka pa ng mga tauhan mo." panunuya ko sa kanya.
Tumawa naman siya. "Mabuti ng sigurado Linnea, malay ko bang kasama mo si Hunter o kaya mga tauhan niya."
"You know what Aiden ang dumi mong maglaro, hindi ka marunong maging fair sa kapwa mo. Hindi ka ba nahihiya sa mga ginagawa mo at pati ako na walang kasalanan ay idadamay mo? You're acting like a child. Hindi ko alam kung proud pa sayo ngayon ang mga magulang mo." pang aasar ko.
"Masyadong matabil ang dila mo Linnea, 'yan ba ang tinuturo sayo ni Hunter? Hindi na ako magtataka. Huwag kang umakto na matapang sa harap ko dahil alam kung mahina ka din. Oo at wala kang kasalanan pero simula ng maging parte ka ng buhay ni Hunter ay kasali ka na."
"Atlis ako hindi ko pinipilit ang mga bagay na hindi naman dapat. Masyado kang nagpapakain sa galit mo kahit alam mo naman na walang kasalanan si Hunter sayo. Alam mo kung buhay pa ang mga magulang mo ay paniguradong ikakahiya ka nila." madiin na wika ko.
"Shut up Linnea!" sigaw niya.
Napahalakhak naman ako. "Why Aiden? Masakit bang marinig ang katotohanan? Nakakaawa ka naman!" pang aasar ko pa lalo. Nakita ko naman na senenyasan niya ang mga tauhan niya kaya lumapit ang mga ito sa akin at hinila ako pasakay sa isang kotse. Hindi na ako nanlaban pa dahil ito naman ang plano ko, gusto kung makausap ng maayos si Aiden at baka mapakiusapan ko pa siya. Sana lang ay matapos na ang lahat ng ito.
Hunter POV
Kakarating ko lang sa bahay at kasama ko si Dane dahil may pag uusapan pa kami, nagpaalam muna ako sa kanya na aakyat lang ako para magpalit at para tingnan si Linnea kaya agad naman siyang tumango.
Pagpasok ko ay nagtataka ako dahil wala do'n si Linnea, mapadpad ang tingin ko sa isang papel na nakapatong sa maliit na mesa. Kaya kinuha ko 'yon at binasa.
Hunter,
Kung mabasa mo ang sulat na ito ay siguradong nakaalis na ako, hindi ko sinabi sayo ang plano ko dahil alam kung hindi ka papayag kahit na anong pilit ko sayo kaya nagdesisyon ako kahit alam kung magagalit ka. Please, trust me with this. Pinapangako ko sayo na walang mangyayari sa akin na masama at babalik ako sayo ng maayos. Alam kung mali na itago ko sayo ang bagay na ito pero ginusto kung gawin dahil gusto ko ng matapos ang problema natin. Ayaw kung habang buhay na magtago na lang o kaya may kinatatakutan. Hindi pwedeng hayaan na lang na walang solusyon ang problema. Marami ka ng nagawa para sa akin kaya gusto kung makabawi sayo. I'm sorry dahil alam kung mag aalala ka at masasaktan kita dahil sa desisyon kung ito. Pero nangangako ako sayo na magkikita tayong muli at sa oras na mangyari 'yon ay maayos na ang lahat at magiging masaya na tayong lahat. Hiling ko lang na sana magtiwala ka sa akin. Ingatan mo ang sarili mo habang wala pa ako, huwag mong pabayaan ang trabaho mo kagaya ng palagi kung sinasabi sayo. Mahal kita Hunter, simula pa noon hanggang ngayon.
Linnea
Napahilamos ako sa aking mukha ng mabasa ko ang sulat ni Linnea, sinasabi ko na nga ba na may iba siyang pinaplano. Ang tigas talaga ng ulo niya kahit kailan. Hindi niya iniisip ang nararamdaman ko sa oras na hindi ko siya madadatnan dito sa bahay. Siya lang ang dumating sa buhay ko na ayaw ko ng mawala kaya kahit anong mangyari ay hindi ako papayag na mapahamak siya o kaya mapunta kay Aiden. Kaya kung gawin ang lahat para sa kanya.
"Oh anong mukha 'yan?" tanong ni Dane ng makababa ako.
"Tangina talaga ni Aiden!" galit na wika ko.
Umayos naman siya ng upo. "Bakit anong nangyari?" seryosong tanong niya.
"Nakipagkita sa kanya si Linnea at hindi ko alam kung saan niya na naman ito dinala." saad ko.
"Akala ko ba ay hindi mo pinayagan si Linnea sa gusto niyang mangyari."
"Hindi ko naman talaga siya pinayagan pero dahil matigas ang ulo niya ay hindi niya na naman sinunod ang sinabi ko." inis na sambit ko.
"Kakaiba din talaga ang babaeng 'yan, sa lahat ng babae na nakalandian mo sa kanya lang ako humahanga."
"Hindi ko siya kalandian!" singhal ko sa kanya.
"Alam ko, alam kung iba siya dahil mahal mo siya. Ang ibig kung sabihin na hindi ka naging ganyan sa ibang babae, tanging sa kanya lang. Iba talaga kapag napana ni kupido. Mukhang gustong gusto talaga ni Aiden na gamitin si Linnea laban sayo.
"I doubt that" anas ko.
Napatingin naman siya sa akin. "What do you mean?"
"Noon iniisip ko na 'yan ang dahilan ni Aiden dahil alam niyang importante sa akin si Linnea kaya ginagamit niya ito para saktan ako, pero ngayon sigurado akong hindi na 'yon ang dahilan. Alam kung may gusto na siya kay Linnea." seryosong wika ko.
Napahawak naman siya sa kanyang baba na wari'y nag iisip. "Sabagay may punto ka naman, sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Linnea diba? Kung ikaw nga napalambot ng babaeng 'yon siya pa kaya. So anong plano mo ngayon?"
"Hindi ko pa alam sa ngayon pero kailangan kung mahanap ang gagong 'yon! Hindi pwedeng magtagal sa kanya si Linnea at baka ano na naman ang gawin no'n."
"Iba talaga abg nagagawa ng pag ibig." sumipol pa ang gago.
"Alam mo kapag dumating ang araw na makita mo din ang babaeng mamahalin mo sigurado kong maiintindihan mo ako." sambit ko.
"Wala akong plano Hunter, sa nakikita ko pa lang ngayon sayo na halos mabaliw ka na ay hindi ako papayag na matulad ako sayo." hindi ko na lang siya pinansin at inayos na lang ang mga dokumento na kailangan namin.
BINABASA MO ANG
Between Love and Vengeance (COMPLETE)
RomansaSi Linnea Georgia Villareal, bata pa lang ng maulila kaya ginawa niya ang lahat para makapagtapos ng pag aaral at makahanap ng trabaho para mabuhay ang kanyang sarili. Isa lang ang hangad niya 'yon ay magkaroon ng maayos at normal na buhay, pero sa...
