Chapter 13

2.4K 35 0
                                        

Linnea POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha, nakalimutan yata itong isara kagabi. Dahan dahan akong tumayo para hindi magising ang katabi ko at inayos ang kurtina para makapagpahinga pa ng matagal si Hunter, alam kung pagod siya. Pagkatapos kung gawin 'yon ay bumaba na ako para kumuha ng almusal, dadalhan ko na lang ito mamaya sa kwarto para do'n na siya kumain. Pagbaba ko ay naabutan ko ang katulong na nag aayos ng hapag kainan.

"Good morning Ma'am Linnea, gising na pala kayo. Tulog pa po ba si Sir? Kung tulog pa mauna na po kayong kumain dahil nahanda na naman namin lahat." wika ng isa.

"Tama ka Linnea, tiyak na mamaya pa ang gising ng batang 'yon." segunda naman ng isang matanda na mukhang pinakamatagal ng naninilbihan dkay Hunter.

"Sabayan niyo na po akong kumain." nakangiting turan ko, nakita ko naman na nagtinginan sila sabay na umiling.

"Kung iniisip niyo na baka magalit si Hunter ay huwag kayong mag alala dahil ako ang bahala sa kanya." saad ko.

"Hindi naman sa gano'n iha, hindi naman magagalit si Sir dahil madalas din naman namin siya nakakasabay kumain. Hindi lang kami sanay na ikaw ang kasabay namin." pag amin ng isa.

Natawa naman ako. "Akala ko naman po kung ano 'yon. Sige na sabayan niyo na ako para hindi naman ako magmukhang lonely na kumakain dito." kako at sinang ayunan naman nila.

Marami pa kaming napagkwentuhan na hindi ko namalayan na halos mag iisang oras na pala kaming nasa hapag kainan at nagdadaldalan lang. Pagkatapos kung kumain ay nagpatulong ako sa kanila para ayusin ang almusal ni Hunter dahil dadalhin ko na lang ito sa kwarto, siguro naman ay gising na ito ngayong oras dahil kung hindi ay gigisingin ko pa rin siya. Masama sa kalusugan ang malipasan ng gutom.

Pagkatapos kung kumain ay nagpaalam na ako sa kanila na babalik na ako sa kwarto para dalhin ang pagkain ng amo nila. Nang nasa tapat na ako ng pinto ay narinig kung may kausap si Hunter sa kanyang telepono kaya hindi na muna ako tumuloy dahil ayaw ko naman makaistorbo.

"Kailangan mong makuha ang lahat ng impormasyon ng gagong Aiden na 'yan, hindi ko mapapalampas ang ginawa niya kay Linnea. Alamin mo ang lahat lalo na kung ano ang mga pinagkakaabalahan niya." rinig kung saad ni Hunter sa kausap, hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti dahil sa narinig, he cares.

Nang wala na akong marinig na nagsasalita galing sa loob saka na ako nagpasya na pumasok at nakita ko siyang nakaupo sa kama habang hinihilot ang kanyang sentido.

"Kanina ka pa ba gising?" tanong niya sa akin.

Tumango naman ako at naglakad palapit sa kanya, ipinatong ko muna ang dala kung tray sa maliit na mesa malapit sa kama. "Dinala ko na ang almusal mo. Kumain ka na, masama ang nalilipasan ng gutom" saad ko at tumango naman siya.

FASTFORWARD

Tatlong linggo na simula ang nangyaring pagkuha sa akin ng nagngangalang Aiden, hindi naging madali sa akin ang lahat dahil minsan ay napapanaginipan ko pa din ang nangyari, mabuti na lang at nandyan palagi si Hunter sa tabi ko. Kapag naman pumasok sa opisina ito ay naiiwan ako sa bahay pero ayos lang sa akin dahil nakakausap ko naman ang mga katulong dito at kapag naman pumupunta ako sa bahay nila Ciara para bisitahin siya ay may kasama na akong mga tauhan ni Hunter para na din daw sa kaligtasan ko.

At ngayon ay kasama ko si Ciara, napag alam ko kasi na nagpatayo siya ng kanyang sariling business, kung tutuusin nga ay hindi naman na kailangan ng kaibigan ko ang magtrabaho dahil mayaman naman na sila. Nandito kami ngayon sa Cafe niya at masayang nag uusap.

Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Hunter. Tiningnan naman ako ni Ciara na may nakakalokong ngiti kaya pinandilatan ko siya ng mata.

"Bakit ka nandito?" tanong ko ng makalapit ito sa amin.

"Anong tanong 'yan? Wala naman nakalagay na bawal ako sa lugar na ito at isa pa sinusundo na kita." sagot naman nito sa akin.

Napataas naman ang kilay ko. "Sa pagkakaalam ko hindi pa oras ng uwian ng mga nagtatrabaho sa isang kompanya."

"At nakakalimutan mo din na ako ang boss at uuwi ako kung kailan ko gusto." pabalang naman na sagot ni Hunter sa akin. Kahit kailan talaga ayaw magpatalo ng demonyong ito.

"Hep hep! Huwag kayong mag away dito sa Cafe ko at baka wala ng bumili. Umuwi na nga kayo at do'n kayo sa bahay niyo magharutan. Ang sakit nio sa mata!" pang aasar na naman ng kaibigan ko.

Mabilis ko naman siyang kinurot sa tagiliran dahilan para mapadaing siya. "Manahimik ka Ciara, anong tingin mo sa amin naghaharutan?" Singhal ko sa kanya.

"Mauna na kami Ciara, iuuwi ko na muna ang kaibigan mo bago pa uminit ang ulo nito." singit ni Hunteer at hinila na ako palabas.

Nakita ko pang kumaway ang kaibigan ko pero hindi pa rin mawala sa kanyang labi ang ngisi. Minsan talaga ang sarap sabunutan ng babaeng 'yon.

"Ano ba ang kailangan mo at nagmamadali ka?" sigaw ko sa kanya ng makarating kami sa bahay, kanina ko pa kasi napapansin na para siyang nagmamadali.

Himbis na sagutin niya ako at basta niya na lang akong hinalikan habang hinuhubad niya ang suot kung damit. Hindi naman na ako umangal dahil nagustuhan ko na din naman ang mga ginagawa niya sa akin.

Mabilis ang naging galaw niya hanggang sa tuluyan niya na akong maihiga sa kama at hinalikan ang bawat parte ng aking katawan ng biglang tumunog ang phone niya pero parang wala lang itong naririnig at patuloy lang sa ginagawa nito sa akin.

"S-stop it Hunter, may tumatawag sa'yo sagutin mo muna at baka importante 'yan." pagpigil sa kanya nito.

"Ikaw na ang sumagot o mas mabuti pang patayin mo na lang at ayaw ko ng istorbo." sagot naman nito.

Pilit kung inabot ang kanyang phone at sinagot ito kahit wala dito ang atensyon ko kung hindi sa ginagawa ni Hunter sa katawan ko.

"H-hello?" bungad niya pagsagot ng tawag at pinipigil na hindi ako mapaungol dahil nakakahiya sa tumatawag.

"Hello, sino ba 'to?" pag uulit ko pero wala pa rin akong narinig na sagot mula sa kabilang linya.

"End the call now Linnea, kung sino man 'yan ay hayaan mo na. Makapaghihintay naman 'yan pero itong gagawin natin ay hindi." bulalas ni Hunter.

Hinampas ko naman siya sa malikat. "Shut up you jerk at baka may makarinig sa'yo."

Bumaling ulit ako kausap sa phone. "Hello, kung wala kang balak magsalita ibababa ko na 'to. Tumawag ka na lang ulit bukas kung may kailangan ka kay Hunter." saad ko at pinindot ang end.

"Sinabi ko naman sayo na huwag mo na lang sagutin." wika ni Hunter ng maibaba ng dalaga ang tawag.

"Malay mo naman kasi na importante 'yon. Hindi mo lang kasi maipagpaliban 'yang kamanyakan mo." sambit ko kay Hunter.

"Kung ikaw lang naman ang mamanyakin ko ay ayos lang, kahit na araw araw o minu-minuto pa." sagot naman nito.

Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil hinalikan niya na naman ako hanggang sa ipinasok niya na ang kanyang pagkalalaki sa pagkababae ko.

Aiden POV

Inihagis ko sa dingding ang phone ko matapos kung tawagan si Hunter, hindi ko inaakala na si Linnea ang sasagot sa tawag ko. Pero kahit gano'n pa man ay nakaramdam ako ng saya ng marinig ko ulit ang boses niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit simula ng makita ko si Linnea ay hindi na ito mawala sa isipan ko, kaya nakakaramdaman din ako ng inis sa sarili ko dahil hindi dapat ako makaramdam ng kakaiba sa babaeng 'yon dahil baka masira lang ang plano ko.

Si Linnea ay isa sa mga gagamitin ko laban kay Hunter kaya hindi pwedeng magpadala ako sa kung ano man ang nararamdaman ko, kailangan kung makuha ang babaeng 'yon dahil kitang kita ko kung gaano ito kahalaga kay Hunter at sigurado akong masasaktan ito oras na may mangyaring masama sa babae. Hindi ako pwede magpadala sa tukso.

Ayaw kung masira ang plano ko na matagal ng pinaghandaan at ngayon na magkaharap na kami ni Hunter ay ayaw kung matalo, pero mukhang nag iiba ang ihip ng hangin kung dati ay gusto ko lang maghiganti at masaktan siya ngayon parang gusto ko na din angkinin si Linnea.

I will do everything to get her, kahit ano gagawin ko para makuha ko lang siya kay Hunter!

Between Love and Vengeance (COMPLETE)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon