Hunter POV
It's been a year simula ng maikasal kami ni Linnea at ngayon ay kabuwanan niya sa una naming anak. Hindi naging madali sa akin ang pagbubuntis niya lalo na no'ng mga nasa panahon ng paglilihi siya. Halos wala akong tulog no'n madalas ko pang dinadamay si Aiden.
Pero hindi 'yon naging hadlang para sumuko ako dahil alam ko parte 'yon ng buhay mag asawa namin at masasabi ko na buo na ang pamilyang meron ako dahil magkakaroon na kami ng anak and speaking of Aiden hindi ko alam kung anong meron sa kanila ni Ciara dahil madalas itong magkasama.
Paakyat ako ngayon sa taas dahil kanina pa sigaw ng sigaw ang asawa ko, ang nakakainis lang sa kanya ay ginagamit niya ang pagbubuntis niya para mapagtripan kaming dalawa ni Aiden palagi.
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ay nakita ko siyang nakasalampak sa gilid ng kama. "H-hunter.." mahinang sambit niya.
"What is it now baby?" I asked, madalas kasing ganito ito lalo na kapag naglalambing.
"M-manganganak na ako."
Napakunot naman ang noo ko. "Not again Linnea, stop doing that prank already. Ilang beses mo na 'yang ginawa." ani ko sa kanya.
"Bwisit ka talaga Hunter." gigil na sigaw nito.
Hindi ko na lang siya pinansin at akmang tatalikuran ito. Ilang beses niya na kasing ginawa 'yan sakin madalas sa madaling araw pa kung saan tulog na ako.
"Hunter Silveste kapag ako napaanak dito ng wala sa oras mapapatay kita! Tangina ka ang sakit na! Dalhin mo na ako sa hospital. Huhuhu." anas nito.
Mabilis naman akog napatingin ulit sa kanya at nakita kung hawak hawak nito ang kanyang tiyan at naiiyak na siya. Nalipat ang tingin ko sa paanan niya at kitang kita ko na pumutok na ang kanyang panubigan. Kaya dali dali akong lumapit sa kanya at binuhat siya.
Nakasalubong ko pa si Aiden sa sala na mukhang kakarating lang. Saan naman kaya nanggaling ang lalaking 'to.
"Anong nangyayari kay Linnea?" tanong niya.
"Get out of my way Aiden, manganganak na ang asawa ko!" wika ko.
"I'll drive you both."
Mabilis kaming sumakay sa kotse, mabuti na lang at nakaready na ang mga kakailanganin ni Linnea sa kanyang panganganak at nasa loob na ng sasakyan.
"It really hurts." impit na iyak ng asawa ko.
Kahit na hindi ako ang manganganak ay ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya sa pamamagitan ng mahigpit na pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Hold on baby, konting tiis na lang at malapit na tayo sa hospital." pagpapakalma ko sa kanya.
Hindi din nagtagal ay nakarating din kami sa hospital, naging mabilis naman ang pagkilos ng doctor at agad na dinala nila si Linnea sa delivery room.
Ilang beses akong pabalik balik ng lakad dahil sa sobrang kaba na nararamdaman para sa asawa ko.
"Calm down Hunter." anas ni Aiden.
"How can I calm down Aiden? Linnea is giving birth to our child, we know how painful it is."
"That pain is natural for a woman who will give birth Hunter, kung hindi mo binuntis si Linnea edi sana hindi siya makakaranas ng ganito."
"Hindi ka nakakatulong." bulalas ko.
Bumukas naman ang pinto ng delivery room kaya agad akong lumapit sa doctor. "How was my wife doc.?" I asked.
"Sumama po kayo sa akin sa loob Mr. Silvestre, para hindi masyadong mahirapan ang asawa niyo at may kasama siya."
Tumingin naman ako kay Aiden at tumango lang ito dahil hinihintay niya din si Ciara na dumating.
"Okay Mrs. Linnea kaya mo ito, konting push pa para mapabilis ang paglabas ni baby." paliwanag ng doctor.
Hawak hawak ko naman ang kamay ni Linnea at ramdam ko ang pagdedepende nito sa akin. Hindi ko man alam kung gaano kasakit ang manganak pero alam kung sobrang sakit nito para sa asawa ko, kung pwede lang na malipat sa akin ang sakit ay aangkinin ko na lang.
"Okay ready na misis, in a count of three iire mo lang. 1, 2,3 push."
Halos tagaktak na ang pawis ni Linnea at halos mawalan na din ito ng lakas, ramdam na ramdam ko 'yon dahil sa pagkakahawak niya sa akin, halos magkasugat na ako pero hindi ko 'yon iniinda dahil alam kung walang wala ito sa pinagdadaanan ng asawa ko ngayon.
Ilang beses pa ang ginawang pagbibilang ng doctor sa kanya. "Hayop ka talaga Hunter, hindi ka na makakaulit na gago ka!" sigaw ni Linnea.
"Huwag naman gano'n baby, isa pa lang 'yan plano ko magkaroon ng basketball team." pagbibiro ko.
"Tangina mo! Ikaw na manganak!" narinig ko naman ang pagtawa sa mga kasama namin sa loob.
"One push again Misis, nahahawakan ko na ang ulo. Iire mo lang okay? 1,2,3 push."
Rinig na rinig sa loob ng silid ang impit na pagsigaw ni Linnea kasabay ng kanyang pag ere, mayamaya pa ay nakita kung hawak hawak na ng doctor ang anak namin.
"Uwah uwah uwah." iyak nito.
"You have a gorgeous son Mr. Silvestre. Congratulations to the both of you." bati ng doctor at nagpalakpakan na ang ibang nando'n sa loob.
Tumingin ako sa asawa ko."You did a good job baby." saad ko at hinalikan siya sa pisngi.
Ngumiti naman ito sa akin kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata.
"Doc. anong nangyayari sa asawa ko?" kinakabahang tanong ko.
"Natural lang 'yan sa bagong panganak Sir, naubos kasi ang lakas niya. Magigising din siya kapag nakapag pahinga na siya." paliwanag naman nito.
Nakahinga naman ako ng maluwag, iniabot naman ng isa sa akin ang anak namin at hindi ko maiwasan ang hindi mapaluha dahil hawak hawak ko na ngayon ang anak namin. Hindi ko alam na magiging ganito pa ako kasaya sa tanang buhay ko.
Mayamaya ay kinuha na ulit sa akin ang bata dahil lilinisin at aayusin pa nila ito samantalang si Linnea naman ay ililipat na lang nila sa private room kapag nagising na.
Paglabas ko ng delivery room ay nakita ko sina Aiden at Ciara.
"Kamusta sila?" tanong ka agad sa akin ni Ciara.
"They are safe, ililipat na lang si Linnea sa private room kapag nagising na ito nakatulog kasi siya."
"And the baby?" segunda naman ni Aiden.
"Lilinisin lang ng doctor at isusunod na din do'n."
Nakahinga naman sila ng maluwag dahil sa sinabi ko, alam kung nag aalala lang sila sa asawa at anak ko. Maswerte talaga kami ni Linnea dahil may mga taong handa kaming damayan sa lahat ng oras lalo na sa mga panahon na kailangan namin.
BINABASA MO ANG
Between Love and Vengeance (COMPLETE)
RomanceSi Linnea Georgia Villareal, bata pa lang ng maulila kaya ginawa niya ang lahat para makapagtapos ng pag aaral at makahanap ng trabaho para mabuhay ang kanyang sarili. Isa lang ang hangad niya 'yon ay magkaroon ng maayos at normal na buhay, pero sa...
