Italic = Flashback.
...
Regina's POV
"Venven!" Kunwaring umiiyak ako na patakbong lumapit sakanya. Naguguluhan naman siyang nakatitig sakin sabay parang natataranta.
"What the— did someone hurt you? Where? Who? Did you got a wound?" Sunod sunod niyang tanong at pinasadahan pa ako ng tingin.
Umiling iling naman akong niyakap siya at sumiksik sa bandang leeg niya, ramdam ko namang ninigas siya sa kinakatayuan niya. "May kung ano anong ritual na sinasabi ni Jess."
Her brows got furrowed.
"What did she say again?" She seriously asked, damn ang hot.
"Sabi niya maging be careful daw ako sayo." Pag amin ko. "Tas mag build daw ako ng pader sa paligid ko," I pouted.
"Pader?"
"Sabi niya kasi! Ano bang alam ko sa paggawa ng pader. Architecture Student palang naman ako at wala pang lisensya tapos hindi naman ako ganoon kagaling para maging Civil Engineering." I pouted.
"What are you even saying?" She massaged her nose bridge, getting confused.
"Alam ko namang medyo di kalakihan dibdib ko, ang sakit ni Jess mag salita." Parang batang kong sumbong sakanya. Mahina naman siyang natawa at inilayo ang katawan sakin habang gumagala naman ang mata niya saakin.
"Your chest might not be that big," She licked her lower lips, while still staring at my body particularly on my chest. "But definitely just the right fit for my hand."
Namumula naman akong nakatingin sakanya hangang sa magtama ang tingin namin sa isa't isa. Bahagya pang sumilay ang ngiti sakanyang labi na tila nakakaramdam ako ng kakaibang init dahil sa mapupusok niyang labi.
"Every inch of your body parts is beautiful, Maui. You don't have to compete with others nor comparing yourself, because what you think is your flaws, ay para saakin ang pinaka magandang parte ng sarili mo."
Mas lalo akong namula sa sinabi niya, and the way she say those things was full of sincerity and genuine especially when she speaks in tagalog. Hindi ko na ata kaya pang pigilan ang sarili ko kung lalo akong mahuhulog sakanya.
No doubt, when you let yourself fall in love with a Fuentes ay wala ka ng kawala. Mas lalo kong naintindihan si Portia.
"P-Pasmado bibig mo Venven, kung ano ano nalang lumalabas." Pinapaypayan ko ang sarili gamit ang kamay. Ano ba yan may aircon naman dito eh.
She chuckled, getting amused. "Just say that you're blushing because of me."
"Asa ka no!" Mabilis kong sagot, bigla naman naging madilim ang pag titig niya sakin.
"Are you saying that you have another girl besides me?" Her brows knitted. "Or perhaps a boy?" She glared.
"Bakit madami ka ba?" Ngumisi ako ng mapaglaro nang umiwas siya ng tingin. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagmula ng pisngi niya.
Tumikhim naman muna siya bago magsalita. "Let's just go, they are waiting for us." Sambit niya at saka ako hinawakan sa kamay.
"Hindi ka ba maiilang kung titigan tayo ng ibang istudyante? I mean alam mo naman diba na halos pagbulungan na tayo ng mga ka-members ko?" Lumabas na kami ng office niya, sinabihan kasi kami ni Miss Cervantes na magkita nalang sa cafeteria.
Plus, hindi rin ako pwede magtagal dahil ngayong araw narin iaannounce kung sino ang nanalo at kung sino rin ang magiging coach ng representative. Nagtataka nga ako bakit halos tambayan na mga professors ang arts club.
![](https://img.wattpad.com/cover/318151735-288-k922214.jpg)
YOU ARE READING
Shades Of Agony [PSLU #3] [GL]
Storie d'amore[ A story of Regina Maureen Trinidad. ] #3 She was the painful memory that she was willing to dive in. It didn't even occured to her that she was betting everything for her until she was left with every hues of grey. Until then, she made that person...