Chapter 20

1.4K 26 1
                                    

Chapter 20: Ang Ipon

Nag-update si Marcel with picture, nakarating na siya ng manila. Nag-call pa nang narating ang condo. Higit alas sais na 'yon ng umaga. Hindi ko na pinatagal pa ang call at tinapos ko na agad dahil bahid na ang pagod kay Marcel.

Alas otso na ng gabi nang tumawag ulit si Marcel. Hinang-hina sa gutom kaya nagpa-order na lang. Hindi ako kumain ng hapunan hangga't hindi tumatawag si Marcel. Kaya ngayon ay kumakain kami nang naka-video call.

Gulo-gulo pa ang buhok ni Marcel at walang suot na damit. Sa background ni Marcel ay halatang nasa mamahaling condo siya.

"Binigay lang 'to sa'kin ng Ninong ko," aniya, ang condo ang tinutukoy. "Then 'yong anak niyang panganay na kuya-kuya ko, reregaluhan din ako. Nakapasa raw ako, eh."

"E'di mabuti," sabi ko nang nasa kinakain ang tingin.

"Mariela," tawag nito na agad kong ikinabaling sa kaniya.

He was looking at me like I was a beautiful painting in his eyes, puno ng paghanga ang mga mata.

Nagtaas ako ng dalawang kilay, "Hmm... bakit?"

"Ang ganda mo po. Sobrang ganda mo, Love."

Mabuti na lang ay gabi na at sa cellphone lang kami nagkakakitaan. Hindi niya mahahalata ang pamumula ng mukha ko.

Umiwas agad ako ng tingin, ang nginunguya ay para nang na-stuck sa lalamunan.

"Kumain ka na nga nang kumain diyan, pogi."

"Shit! Pa'no na 'ko makakain nang maayos niyan!" parang baliw na sabi nito. "Hindi naman masamang kumain nang nakangiti, 'no?"

Nginiwian ko ito na ikinatawa niya.

Nagliligpit si Marcel ng pinagkainan niya nang mabanggit ang tungkol sa wallet. Naisauli na raw ni Samson.

"'Wag na 'wag mo 'yong ire-research sa Facebook," ani pa nito.

"Pinanganak ka talagang–"

"Nakahubad." Humalakhak ito.

"Matulog kana nga, Mr. Almonte. Kailangan mo pa magpahinga, ako may pasok pa. Bye."

"Opo, Mrs. Almonte. Mag-aral ka nang mabuti, kahit hindi mo galingan ikaw pa rin ang top one sa akin. Bye. I love you."

Kahit ang iba kong kaklase ay pansin ang pamimintog ng pisngi ko, ang cute ko raw. Hindi naman ako gano'n kataba, pero nahahalata sa pamimintog ng pisngi ko.

"Alagang Marcel 'yan," panunukso pa ng iba.

"Balita namin nasa Manila na si Marcel, ah? Daming chiks doon!"

Hindi ko na lang pinansin ang ito. Uwian nang nagkasabay kami ni Paula. Ang lakas-lakas pa ng boses na nakikipagkwentuhan sa mga kaklaseng nakasabay niya sa paglabas sa room nila.

"Oh, bakit ganiyan ang hitsura mo?" tanong nito.

Nilingon ko si Paula, "Anong hitsura?"

"Nakasimangot. Bakit? May problema ba kayo ni Marcel? Nag-iba na ba ang pakikitungo niya sa'yo? May nagbabago na ba?" sunod-sunod nitong tinanong.

Umiling ako, "Hindi, ah. Wala."

"Sure ka? Gusto mo milktea at siopao?" Ngumising aso ito.

Nakagat ko ang ibabang labi at napatango. Bigla akong nagutom.

"Utang 'to ni Marcel sa'kin, ah. Sisingiling ko 'yon pagbumisita. 60 pesos lahat 'yan, times 5. 500 ang babayaran ng boyfriend mo," sabi ni Paula nang iabot sa akin ang binili niya para sa'kin.

Chasing the Light (Mabinians Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon