Chapter 41

1.7K 35 2
                                    

Chapter 41: Maa-angkin

"Woah! Arf! Arf!" ang batang boses ni Lovely saka bumitaw ng kapit sa akin.

"Careful," natatawang ani ng lalaki sa bata.

Pinadaan muna ni Lovely ang papadaang motor, bago tumakbo palapit kay Marcel na may bitbit-bitbit na tuta. Sumunod kami ni Shaina sa pagtawid.

"Ang cute po niya!"

"Yup just like you." Binigay nito ang tuta sa bata nang abutin iyon. "Gusto mo ba ng ganiyan?"

"Opo! Kaya lang... allergic ang mommy ko sa balahibo nila," may bahid ng lungkot na sinabi ni Lovely.

Ngumiti lang ng tipid si Marcel sa akin at bahagyang tumango, bago sila naunang maglakad ni Lovely. Nasa hulihan kami ni Shina.

"Kumusta na kaya si Tita Ace?"

"Nakausap ko kanina si Vinz. Nasa maayos nang kalagayan si Tita. Mamaya lang ay puwede na silang lumabas sa hospital," sabi ko.

Tumawag kasi kaninang madaling araw si Vinz sa amin ni Shaina. Inatake raw si Tita Ace ng high blood. Pinalakas naman namin ang loob ng lalaki, kaya parehong lubog ang mga mata namin ni Shaina ngayon.

Malalim na napabuntong-hininga si Shaina. "Mabuti naman. Hindi pa naman natin sila mapuntahan agad."

"'Yon na nga, eh," sabi ko. "Mabuti nang nasa maayos na si tita Ace ngayon."

Bumagal ang lakad ng dalawang nasa unahan. Si Shaina ay lumiko na sa isang kanto, patungong pantalan. Nagpatuloy na rin ang dalawa nang makalapit na ako sa kanila.

"Ano pong pangalan niya, Attorney?"

Pumantay si Marcel sa akin, ang bata at aso ay nasa unahan namin. Diretso lang ang tingin ko, kahit na sumusulyap si Marcel sa akin.

"Wala pang pangalan 'yan, 'Ly. Hindi ko pa alam kay ma'am mo kung ano ang ipapangalan."

"Bakit ako?" simpleng usal ko, mabilis lang siyang sinulyapan.

"Kasi sa'yo 'yon."

Tss. Balak niya ba talagang gawing zoo ang bahay ko? Noong mga nakaraang linggo ay may dala siyang tatlong matatabang pusa at isang ibon.

"Ikaw, Lovely? Anong gusto mong ipangalan?" tanong ko sa bata. Kumislap ang mga mata nito sa tuwa.

"Lalaki po si Arf-arf ahm.... Arfie na lang po!"

Hindi ko napigilang mapangiti. Nakikita ko ang unti-unting pagbabago ni Lovely. Hindi na siya 'yong palaging tahimik sa school. Hindi na siya 'yong iiyak nang tahimik kapag iniiwan ng ina sa school. Nagiging masigla na siya.

"Arfie, then?" si Marcel na nasa akin pa rin nakabaling. Nang hindi ko ito pinansin ay tumango tango ito at bumaling na sa bata. "Kaya lang hindi puwedeng dalhin ni ma'am si Arfie, 'Ly. Pa'no mo siya makakalaro?"

Dumaan ang lungkot sa bata, ngunit agad ding nakabawi nang tila may naisip ito.

"Pupunta na lang ako kila ma'am kapag nami-miss ko na si Arfie!"

Nabigla ako roon. Umiling ako agad. "Hindi puwede, Lovely. Kailangan muna nating magpaalam sa mama mo. 'Tsaka hindi ka puwedeng mag-isang pupunta sa bahay kasi malayo, unless kung ang mama mo mismo ang maghahatid sa'yo at magsusundo sa'yo..." mahinahong sinabi ko.

Napanguso ang bata pero napatango-tango rin. Nang tumapat na kami sa gate ng bahay nila ay inabot na niya ang tuta kay Marcel. Ginulo-gulo pa ang balahibo bago pumasok sa kanila.

Nasa likuran ko lang si Marcel, kalaro ang tuta. Sa higit isang buwan na pagpunta-punta niya ay hindi kami gaanong nag-iimikan. Hindi ko naman siya nakikitaan ng pagsuko, talagang pinu-pursue niya pa rin ako.

Chasing the Light (Mabinians Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon