Chapter 35: Sinarado
"Anak...." si Mama na bahid ng labis na pag-aalala.
Kuyom ang kamay ko habang malamig na nakatingin kay Marcel. Hindi nito inaalis ang tingin sa akin kahit gaano na kasama ang tingin ko sa kaniya.
Pagkabihis ko kaninang madaling araw ay nakatulog ako agad. Alas dyes na ako nagising at ito ang nabungaran ko. Naka-pajama pa ako at sando lang.
"Pumasok kana, Marcel," nag-aalala pa ring sinabi ni Mama sa lalaki.
"Tita..." Hindi malaman ng lalaki kung susunod ba sa sinabi ni Mama dahil nagpapalipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Mama.
"Anak," tawag na naman ni Mama sa akin.
Inismiran ko lang si Marcel at tumalikod na pabalik sa loob ng bahay. Hindi na ako lumingon hanggang sa narinig na pinapasok na ni Mama si Marcel.
Napadaan ako sa salamin sa sala kaya nakita ko ang repleksyon ko. Bigla ay uminit ang buong mukha ko dahil sa hitsura. Gulo-gulo ang buhok at halata ang dibdib dahil wala akong suot na bra. Bitin pa ang sando kaya nakikita ang pusod ko.
Dali-dali akong umakyat sa hagdan bago pa maabutan nila Mama sa sala. Hindi ko naman kasi akalain na narito ang lalaking iyon. Nawala rin sa isip ko ang klase ng suot ko.
At bakit ba ako mahihiya sa nakita ng lalaking iyon! Tss! Ano namang pakialam niya sa suot ko.
"Mariela anak?" Katok ni Mama sa pinto ng kwarto ko. "Nakahanda na ang pagkain. Lumabas kana kakain na tayo."
Pagkatali ko sa buhok ay pinagmasdan ko pa ang sarili sa salamin. Nakapaghilamos na ako at nakapagpalit na rin ng maayos na damit.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago lumapit sa pinto at binuksan iyon.
Ngumiti si Mama, may bahid pa rin ng pagsusumamo.
"Kaninang pagkagising ko ng alas singko, naroon na si Marcel sa labas," ani Mama.
Hindi ba siya umalis kanina pagdating ko?
Tinatagan ko ang sarili at iniwasan na isipin pa ang tungkol kanina. Ano naman kung hindi siya umuwi kanina sa bahay nila? Labas na ako roon.
Nauna na si Mama sa pagpasok sa kusina, nakasunod naman ako. Ramdam ko agad ang titig ng isa ngunit hindi ko iyon sinulyapan man lang. Dumiretso ako sa kitchen cabinet para kumuha ng kape at magtimpla.
"Dalawahing timpla mo na, anak. Tig isa kayo ni Marcel," ani Mama.
Kumuha na lang ako ng isa pang baso at nagtimpla. Palapit ako sa lamesa nang nagtungo naman si Mama sa kusina para kunin ang ininit na sinigang.
Sa gitna ng lamesa ko binitang ang isang tasa ng kape, hindi sa malapit sa lalaki. Baliwala lang akong umupo sa upuang nasa katapat niya habang siya ay hindi ako nilulubayan ng tingin. Hinila niya ang isang tasa ng kape palapit sa kaniya at ang bandehadong may siopao ay maingat na tinulak palapit sa akin.
Kunwari ay hindi ko iyon napansin. Sa brochure na nakuha sa ibabaw ng lamesa lang ako nakatingin habang hinihintay si Mama.
"I brought these... for you," mahinang usal ni Marcel.
Sumulyap lang ako sa siopao at mabilis lang siyang tiningnan, at tumango, bago binalik ang tingin sa brochure.
"Heto na, kumain na tayo." Nilapag ni Mama ang umuusok pang sinigang na hipon sa lamesa.
Ang fried rice ni Mama ay nasa malapit kay Marcel kaya tumayo pa ako para maabot iyon, ngunit si Marcel na rin ang nagtulak ng bandihado palapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Chasing the Light (Mabinians Series #1)
RomanceMabinians Series #1: complete Marcel