Chapter 27: Medyo
"Tawagan ka na lang namin next week."
"Thank you po, ma'am."
Agad na rin akong umalis nang sabihin iyon ng manager. Binigay ko na ang photo copy ng ibang requirements. Kompleto naman ang requirements ko. Sa ibang McDo ako nag-apply, hindi roon sa pinagtatrabahuhan ni Marcel noon.
Wala pa ring reply sa cellphone ko nang silipin ko ito.
May malay na si Lola nang puntahan ko. Kanina kasi ay wala pa itong malay kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para magpasa ng requirements.
Masasabi kong hindi pa rin nagbabago ang tingin sa akin ni Tiya. Matalim muna ako nitong tiningnan bago naglakad palabas ng kuwarto ni Lola.
Nilapitan ko agad si Lola. "'La, kumusta po kayo?"
Halata ang panghihina ni Lola dahil nananatili itong nakahiga. Nginitian ako kaya sinuklian ko 'yon.
"Maayos na ako, ap–" Sunod-sunod na umubo si Lola kaya nataranta agad ako. "Ayos lang ako, apo. Nangati lang ang lalamunan ko," aniya nang tatakbo na sana ako para magtawag ng doktor.
Malalim akong napabuntong-hininga. Hinagod hagod ko ang likod ni Lola.
"Kumusta ka naman? Namumutla kana, apo, ah. Dahil ba 'yan sa pagka-miss mo sa nobyo?" Tumawa pa si Lola kahit paos na ang boses. "Malayo man iyon sa'yo ay mahal na mahal ka naman no'n. Kaya 'wag mong pababayaan ang sarili mo. Hala, lagot ka talaga kay Marcel." Tumawa na naman si Lola.
Napapangiti na lang ako. Sana nga gano'n na lang ang dahilan. Sana nga gano'n na lang ang nangyayari ngayon. Miss na miss ko na ang boyfriend ko.
Nakatulog na si Lola kaya napagpasyahan ko na munang umuwi, at babalik mamayang ala una para tumulong sa ukayan.
"Nakikita mo naman ang kalagayan ng Lola mo, 'di ba?" Sulpot ni Tiya sa tabi ng pinto ng kwarto ni Lola. "Akin na ang lahat ng pera mo."
Napakurap-kurap ako. Wala namang problema sa akin iyon kung para kay Lola. Pero.... walang wala ako ngayon. Hindi ko puwedeng ibigay ang perang natitira sa'kin dahil pagkakasyahin ko 'yon sa pamasahe ko sa pagpasok. Hindi na nga ako nakakakain nang maayos.
"Pero, tiya, wala pa akong pera ngayon. Ka-a-apply ko pa lang ng trabaho... 'tsaka hindi pa rin sapat 'yon ku–"
"Ang daming sinasabi. Ibigay mo ang lahat ng sahod mo. Hindi pa iyon sapat kaya idadagdag ko sa pera ko."
"Pero, Tiya... hindi pwede kasi... may pasok pa ako. Kakailanganin ko rin ng pamasahe–"
"Problema ba 'yan? E'di tumigil ka na sa pag-aaral mo. Kahit ano pang irason mo, sa akin mo ibibigay ang masasahod mo. Para naman 'to sa Lola mo." Pagkatapos ay tinalikuran na ako at pumasok sa kwarto ni Lola.
Pagkarating ko sa treehouse ay naabutan ko si Irene, nakaupo sa unang baitang ng hagdan. Napatayo agad nang nakita ako.
"K-kumusta si Lola? Maayos na ba siya? Palalabasin na rin ba?"
Umiling lang ako at nilampasan siya. Wala ako sa wisyo dahil lunod ako sa kaiisip kung saan makakakuha ng mabilis na pera. Nahihiya na akong magsabi kay Ate Jhoy. Lalo't may mga anak din siyang pinag-aaral.
"Kumusta si Lola, Esther?" pangungumusta ni Lorence nang nagkasabay kami sa pagpasok nang nagpasukan na.
"Hindi pa rin puwedeng ilabas, eh. Malubha pa rin ang kalagayan."
"Mamaya bago umuwi dadaan ako. May gagawin ka pa ba?"
Agad akong tumango. Naalala ko ang email mula sa manager ng pinag-apply-an ko. Kung maaari raw ay pumasok na ako ngayong araw dahil kulang ang crew nila.
BINABASA MO ANG
Chasing the Light (Mabinians Series #1)
RomanceMabinians Series #1: complete Marcel