Pito: Coping Up

10 5 0
                                    

Hindi na ulit nagpakita sa akin si Jace, hindi din ako makaalis sa unit ko dahil nasasayangan ako una dahil sayang ang pinaghirapan ng mga magulang ko, pangalawa maganda at safe ang lugar, pangatlo malapit sa school hindi naman siguro magkikuta ang landas naming tatlo.

Mabilis na lumipas ang buwan at araw, nagumpisa na akong magOJT dahil doble pagod dahil doble ang requirements doble ang oras para sa OJT pero kahit pagod mas ok sa akin yun para pag dating ko sa unit ko kain at tulog na lang ako hanggat maari ayaw jo kasing magdala ng school works dito sa bahay kaya tinatapos jo sa library, sa coffee shop o kahit saan ang mga paper works ko para pagdating sa unit ko kain at tulog na ako o minsan wala ng kain.Pero hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko ayaw kong magkasakit ulit

Minsan nadudulas si Che na magkwento tungol kay Jace, na hindi close si Jelay sa pamilya ni Jace dahil una ako ang gusto ng pamilya nila at pangalawa at main reason may kakaibang ugali daw si Jelay. Minsan nga daw nakita niya at narinig na magaway ang dalawa parang battered boyfriend si Jace at grabe ang bunganga ni Jelay bumubula sa mura. Hinayaan ko na lang ito. Sabi nga daw ng tropa para daw kumuha si Jace ng batong ipinukpok sa sarili niya.

Hindi ako nakakapuntang makapasyal dahil busy sa school pero ngayon weekends pupunta ako sa bahay nina Jace dahil nahihiya ako si lola kasi tumawag sa akin at nagsabi na pinapaimbitahan ako ng parents ni Jace dahil anniversary ng mga ito, tumanggi ako pero nagulat ako kinagabihan dahil dinalaw ako nina tito at tita para imbitahan kaya hindi ako nakatanggi.

Nakasuot lang ako ng simpleng maong dress at rubber shoes dahil mas komportable ako sa ganitong suot lalo na at magmamaneho pa ako. Papasok na ako sa subdivision ng makatanggap ako ng tawag mula sa mommy ni Jace.

"Tita" sagot ko.

"Nasaan ka na anak" tanong nito, napangiti ako.

"Tita malapit na po ako, nakikita ko na po kayo" sabi ko dito.

"Huwag mong sbihing sayo itong paparating na hammer" gulat na sabi nito

"Sige po tita, hindi ko po sasabihin na ako ang nagmamaneho ng sasakyan" asar ko sa kaniya at natawa ito.

Tamang magpapark ako ng sasakyan sa tapat ng gate nila ng lumabas sa bahay si Jace at yumakap ito sa likod ng mama niya. Nahihiya akong bumaba pero biglang pumunta si tita sa gawi ng pinto ng driver at kinatok niya ako, kaya wla akong magawa at binuksan ko ang pinto

"Ikaw nga ang nagdrive" sigaw ni tita.

"Hala siya oh, nakakita ng magandang driver" nakangiting biro ko sa kaniya.

Agad niya akong inalalayan pababa at niyakap, " uy namiss niya ako, clingy mo tita" biro ko pa sa kaniya.

"Eh namiss kita tsaka love kaya kita" naka pout na sagot niya. Natawa ako sa itsura nito at niyakap ko siya ng mahigpit , happy anniversary po at ako din sobrang miss ko kayo at yumakap ulit ako sa kaniya. Nakarinig kami ng tumikhim sa gilid at sabay kaming napatingin sa taong yun alam kong si Jace iton pero nagulat pa din ako sa presensiya niya at sa paraan ng pagtingin niya. Napayuko ako huminga ng malalim. Ako na ang unang bumati sa kaniya.

" Hi Jace" bati ko.

"Hi lo.. hi Rio" ganting bati niya Inakay ako ni tita papasok pero naalala ko ang dala ko.

"Wait tita may kukunin lang po ako" sabi ko.

"Ano yun? Tanong nito

"Secret" biro ko

"Nakakainis naman" sabi nito

"Sige na nga, dala ko po favorite niyo ni tito, at ako ang may gawa" pagmamalaking sinabi ko at binuksan ang backseat ng sasakyan. nagulat si tita na tunimgin sa akin.

Visions of Love: Riona (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon