Bata pa lang tayo nakikita na kita, hindi dahil sa close tayo kundi dahil kaklase ka ng pinsan ko.
Sa tuwing nagbabakasyon kami sa lugar ninyo lagi kang pumupunta sa bahay ng pinsan ko. Sinubukan kong makipagkaibigan sayo pero tahimik ka pero salamat sa larong spin the bottle napaamin ka.Ako si Riona Alvarez at ito ang kwentong pagibig ko, saan nga ba pupunta ang nararamdaman ko sa taong nagparamdam sa akin na pwede akong maging masaya pero siya din ang magpapalasap sa akin ng sakit na dudurog sa aking buong sistema.
************************************"Rio halika dito sama ka sa amin sa manggahan, at ipapakilala kita sa mga kaklase at kaibigan ko" sigaw ni Cherry.
Lumabas ako ng bahay nina cherry at sumama sa kaniya.
" Hindi ba nakakahiya che? Ok lang ba talaga" tanong ko.
"Ano ka ba? Oo naman tsaka naipagpaalam na kita kay nanay at kay lola' sagot ni che.
Habang naglalakad kami papuntang manggahan natanawan ko na may mga batang lalaki at babae na kasing edad namin ni Che na nakaupo sa nakalaylay na sangga ng puno ng mangga habang ang mga ito'y nagtatawanan.
"Uy, Rio nandito ka na pala, kailan ka pa dumating?" Bating tanong sa akin ni Jane na kapitbahay at kaklase ni Cherry.
Nginitian ko ito. "Hi, sa inyo, we just got here this morning" sagot ko.
Patay tayo Che, inglesera pala itong pinsan mo, kantyaw nila sa pinsan ko.
Bago pa nakasagot ang kakamit-kmaot na si che inunahan ko na itong sumagot " Hala sorry, ibig kong sabihin kaninang umaga lang kami dumating ni lola", "pasensiya na kayo marunong akong magtagalog nasanay lang kasi na sa bahay english kami naguusap" paliwanag ko sa mga ito.
Tumatawa silang lahat havang nagpapaliwanag ako. " Ano ka ba ok lang, ginugoodtime ka lang namin" sabi ni jane.
Pinakilala ni Jane ang mga kasama nila. Mga kapatid sabi nito sa mga kaklase at kaibigan " Si Riona pinsan ni Cherry, Riona ito sila Nino,Ivy,Joy,Maya,John at Jace.
Lahat sila bumati ng Hi, pero may isang nakabusangot at sa pagkakatanda ko Jace ang pangalan niya. Kinalabit jo si Cherry.
"Che, ayaw ata sa akin nung isa ninyong kasama tignan mo at nakabusangot" at nginuso ko ung si Jace.
Natawa naman si Jane at Che" hindi yan" sabay nilang sagot sa akin.
"Tsaka ganyan lang si Jace suplado tahimik pero mabait yan" sabi pa bi Che.
"At magkakaintindigan kayo niyan, matalino eh, kaya dont worry ok lang yan"sagot pa ni Jane.
Pagkaupo pa lang namin ni Che, biglang dumating ang kapatid ni cherry na si Arnold
"Ate che, uwi daw muna kayo ni Ate Rio, kailangan daw muna niyang matusok" sabi nito.
Tumayo na ako,at nagpaalam sa kanila. "Pasensiya na kayo mauuna na ako, bukas na lang tayo magkwentuhan,Che maiwan ka na ako na muna at si Arnold ang uuwi" sabi ko kay Che.
"Hindi sasamahan kita, para may aalalay din ke lola" o pano bukas na lang ha nakalimutan ko din pala na may kailangan pang gawin si Rio. Chat na lang tayo" pagkuway sabi ni Che
Pagkauwi namin agad kaming pumasok ni Che sa kwarto, nadatnan namin si Lola na nagaayos ng gagamitin ko
"Nandito na pala kayo, pasensiya na at kailangan pang maginject ni Rio baka bukas pwede na kayong makipagkwentuhan at mamasyal kasama ng mga kaklase at kaibigan ni Che" sabi ni lola.
"Ok lang po un la, madami pa namang bukas diba che" "ah oo naman Rio" sagot nito pero halata na kinakabahan ito dahil hawak ko ang syringe.
"Hoy, ayos ka lang ba? Natatawang tanong ko kay che, " ahm,oo naman kanito, pero Rio masakit ba yan? Tanong niya. Nginitian ko siya " "medyo sabi ko pero sanay na matagal tagal na din kasi nung magumpisa akong maginject.
May Heart failure kasi ako at isa sa gamot ko ay itinuturok sa akin, pero ok naman ako basta hindi ko gawin ang bawal at alam ko limitasyon ko, syempre healthy living din.
Pero kahit na anong pagaalaga mo sa sarili susumpungin at susumpungin pa din, kagaya ngayon.
Gabi na kaya hindi na kami nakalabas ylit, pati pinagpahinga kami ni lola dahil malayo layo din ang byahe.
Pumunta akong kusina para uminom ng tubig, ramdam ko na habol ko ang hininga ko parang hapong hapo pero hindi ko pinapahalata dahil ayoko na matakot at kaawaan ako ng mga kasama ko pagnakita nila ako paginaatake ako, ang ginagawa ko ay hinga ng malalim at kalmahin ang sarili un ang ginawa ko pero lumalabo na ang paningin ko, nang humawak ako sa pader nagdilim na ang paningin ko at nabitawan na ang tangan kong baso.
Cherry's POV
Alam kong gustong lumabas at makipagkwentuhan ni Rio pero alam ko na mas makakabuti kung magpahinga siya dahil napagod sa byahe at alam ko din sutwasyon niya. Nang matapos kaming kumain pina akyat na siya at pinagpaginga sa kwarto. Ako ay tumambay muna sa terrace, ng biglang nagvibrate ang cellphone ko, tumatawag ang barkada.
"Uy bakit?" Un agad ang simula ko ke Jane,
"Che, papunta kami dyan patambay" sabi nito.
"Sige ba, lagi naman kayo dito sa baler" sagot ko sa kaniya.
"Che may nagpapatanong, pero wag ko daw sasabihin na si Jace ang nagtatanong"tumatawang saad nito.
" O sige kunwari hindi ko alam na si Jace ang nagtatanong" sagit ko naman
"Hala tigilan niyo ako wala akong sinasabi ah" asar na tugon ni Jace.
Tawanan ang grupo.
"Gising pa daw ba ung ingleserang pinsan mo? Makakasama daw ba natin siya sa kwentuhan" tanong ni Jane.
"Hala Jane, sabihin mo ke Jace nagpapahinga na si Rio bawal mapagod un eh" ang sagot ko sa kanila
"Ha ,bakit naman" tanong ng mga ito, "basta mahabang kwento" sagot ko sa mga ito.
Dumating ang tropa sa bahay may dalang nilagang mani, juice, chitcharon at balot ang mga ito. Inutusan namin si Jace na pumunta ng kusina para kanawin ang juice.
Jace POV
Ako nanaman ang napagtripang lokohin ng tropa, pero sa totoo lang sa hindi malamang kadahilanan naasar ako kay Riona pero hinahanap ko naman siya. Ah basta ewan.
Nang makarating kami sa bahay nina che, ako ang inutusan nilang magkanaw ng juice papunta na ako sa kusina ng maaninag ko ang bulto ng isang babae, hindi niya ako makikita dahil medyo madilim ang dadaanan ko papuntang kusina. Nang makilala ko kung sino ang babae sa kusina si Riona ito, pero parang may mali sa ikinikilos niya, pinanuod ko kung ano ang gagawin nito, kumuha siya ng tubig pero parang wala itong lakas lalapitan ko na ito ng bigla niyang hinawakan ang dibdib niya habang habol ang hininga pero pinipilit niyang pakalmahin ang sarili niya. Nilapitan ko ito ng akmang tatawagin ko siya bigla na lang niyang nabitawan ang baso at nawalan ng malay, bago pa man siya bumagsak sa sahig ay nasalo ko ito agad.
![](https://img.wattpad.com/cover/326483655-288-k871584.jpg)
BINABASA MO ANG
Visions of Love: Riona (Unedited)
RomanceSeries of stories based on REAL AND REELS OF RELATIONSHIPS. -Ano nga ba ang tama? Let go or to hold on? Napapagod nga ba ang nagmamahal? Saan hahantong ang isang relasyon kung hindi ka siguro kung dalawa pa ba kayo dito o magisa mo na lang? Ipaglala...