Dean
Nasa office ako ngayon, tinatapos ko na mga dapat kong tapusin dahil susunduin ko pa si jema dahil inaya ko siyang maglunch (dadamobs na ako baka maunahan pa eh)
Makalipas ang isang oras....
Sa wakas, natapos ko na rin. Inaayos ko na ang mga gamit ko dahil malapit na mag 12 at susunduin ko pa si jema sa coffee shop niya, nang matapos kong ayusin mga gamit ko ay agad na akong lumabas ng office ko at nagtungo sa parking lot kung nasaan ang kotse ko.
Pagkadating ko sa tapat ng kotse ko ay agad ko itong binuksan ang pumasok, pinaandar ko na ito patungo sa coffee shop ni jema.
Kakarating ko lang dito ngayon sa parking lot ng coffee shop ni jema, pababa nako ng aking sasakyan para pumasok sa coffee shop ni jema.
"Hi miss, can I ask you?" tanong ko sa isang staff dito.
"Yes po sir? ano po yon?" sabi niya sakin
"Nanjan po ba si jema?" tanong ko ulit
"Yes po sir nandito po si boss, nasa office niya po" sagot niya sakin
"Patawag naman siya miss" pabor ko sakanya
"Okay po, sir" ani niya
Jema
hinihintay ko si dean ngayon dahil sabay daw kaming magllunch nasa kalagitnaan ako ng aking ginagawa ng may biglang kumatok.
tok tok tok
"Ma'am may naghahanap po sainyo sa labas" rinig ko na sabi ng isa sa mga staff
"Who?" takang sabi ko
"Hindi ko po kilala ma'am, pero po lalaki" sagot niya
"Okay, lalabas na ako." naisip ko naman na baka si dean na iyon.
Agad naman akong nag-ayos, at nag light make up lang tsaka tumingin sa mirror. (Ganda mo pa rin jema) ani ko sa aking sarili habang nakatingin sa salamin.
Lumabas na ako ng office ko at hindi nga ako nagkakamali dahil nandiyan na si dean, agad ko naman siyang tinawag dahilan upang mapatingin siya.
"Hi Dean" wika ko.
"Hi Jema' tugon naman nito
"Sorry ah, napatagal yata ako mag-ayos hehe" ani ko
"Hindi ah, it's okay! don't worry! napangiti naman ako sa tinugon niya.
"So, can we go na?" nahihiyang sabi niya
"Let's go, gutom na rin naman ako HAHAHAHAHHA" wika ko na natatawa at natawa rin siya (cute)
Palabas na kami ng aking coffee shop para pumunta kung saan siya nagpark, ng makarating kami ron ay agad niya akong pinagbuksan ng pinto.
"Thankyou" nakangiti kong sabi
Ngumiti lang siya sakin at sabay nag winked, shettt ang cute, ani ko sa sarili ko. Sumakay na rin siya sa driver seat tsaka sinumulang magdrive.
"San pala tayo kakain dean?" tanong ko sakanya
"Siyempre sa restaurant ko" sabay tingin sakin and winked
"Wow, may business ka pa pala" sabi ko
"Of course, HAHAHAHAH" ani niya na tumatawa
"Baliw" sabi ko HAHAHAHA
nagkulitan lang kami rito habag nasa biyahe para hindi kami maboring dalawa. Hanggang sa makarating kami sa restaurant niya, pinagbuksan niya ako ng pinto(sweet). Bumaba na ako at nagulat ako sa ginawa niya bigla niya akong hawakan sa kamay. Lihim naman akong napangiti.
Pumasok na kami sa loob, agad niya naman akong pinaghila ng upuan
"Hi sir good morning po" bati sakanya ng staff niya
"Hi Joric" ani niya
"Hi po ma'am" bati niya sakin
"Hello Joric, tama ba? sagot ko na patanong
"Yes po, ma'am" magalang niyang sabi
"What do you want?" tanong sakin ni dean
"Kung ano iyo dean, ganon nalang din akin" sabi ko ng nakangiti
Dean
Habang kumakain kami ni jema, nakita ko sila bei, jho, tots and celine. Himala wala si jaycel napaisip naman ako "ano kaya ginagawa nila rito" tsk date pa naman 'to para sa'kin.
"Dean" tawag sakin ni bei, hays
"Tinignan ko naman sila" kumakaway sila at napatingin din si jema sakanila
"Oh, nandito pala kayo?" tanong ni jema
"Yes, kakain kami" sabi naman ni tots
"Kayo pala" ani ko naman
"Pwede kami makijoin" tanong ni bei, sinamaan ko naman siya ng tingin pero ang loko ay nginisian lang ako
"Sure" sabi ni jema, kaya naman wala nakong nagawa
Umorder na sila, naging maingay ang kainan namin na dapat ay kaming dalawa lang sana ni jema (tsk wrong timing talaga mga kaibigan ko kahit kailan)
"You owe me an explanation bro" bulong na sabi ni bei sakin
Inapakan ko naman yung paa niya sa ilalim ng lamesa
"Aa-araayyy!" ani niya kaya natawa ako ng marahan.
Napatingin naman sakanya ang mga kaibigan namin
"Oh bei okay ka lang ba?" takang tanong ni jho
"Masakit ba?" parang ewan na tanong ni tots kay bei, sinamaan siya ng tingin neto
"O-okay lang ako jho" sabi niya, deserve!!
"Manahimik ka tots" sabi niya naman kay tots
"Tigil niyo na nga 'yan" singit na sabi naman ni celine
"San niyo balak pumunta pagtapos natin kumain?" tanong ni bei
"Ahm san ba pwede?" tanong naman ni jema
"Bar tayo?" tanong ni tots
"Maaga pa tots" sabi ko habang natatawa
"Pwede naman 'yon" sabi niya pa
"What if magpakipas na muna tayo rito? tutal kay dean naman ito eh" sabi naman ni bea
"Sige pwede naman" ani ko
Nandito lang kami hinihintay maggabi para mag bar, isang linggo na rin ang lumipas yung huli kami nag bar. Siguro namimiss ni tots mag bar, lasinggero talaga!
YOU ARE READING
Road to forever
FanfictionTry ko lang to ah guys, hindi kasi ako marunong HAHAHAHA. Sana magustuhan niyo, sana rin isupport niyo ko! Thankyouu