Chapter 8

1K 28 1
                                    

Jema

Nandito lang kami sa restaurant ni dean nakatambay naghihintay maggabi para pumunta ng bar, sumandal ako sa balikat ni dean dahil nangangalay na ang ulo ko.

Nagulat naman siya sa ginawa ko, dahil ramdam ko ang pagtibok ng puso niya.

"Okay ka lang ba jema?" tanong niya

"Oo naman, nangangalay lang ulo ko" sabi ko naman

"Pahinga mo muna yang ulo mo, sandal mo lang sakin" ani naman niya

Ganon na lamang ang ginawa ko

"Yiee, sandal ka nga rin sakin celine" sabi naman ni tots

"Kotongan ka yata kita" sabi naman ni celine kaya natawa kaming lahat

"Kawawa ka naman tots, ikaw nga rin jho sandal ka nga sakin" sabi naman ni bea

"Eh kung ingudngud kaya kita" sabi naman ni jho

Natawa kaming lahat dahil napanguso si bea

"Kawawa ka naman bea at tots" sabi naman ni dean, kinurot ko naman siya sa tagiliran

"Wag mo nang asarin" wika ko

"Okay po" sabi niya, good boy naman pala

Dean

Nagulat ako sa pagsandal sa'kin ni jema hindi ko ineexpect 'yon, pero gusto ko rin syempre sandalan kaba naman ng taong gusto mo diba. Nandito pa rin kami sa restaurant ko malapit na rin namang maggabi, baka maya maya lang ay umalis na kami. Kanya kanyang sasakyan naman ang dadalhin namin pero sakin ko nalang papasakayin si jema.

8pm na ng gabi kaya aalis na kami

"Ahm jema" hawak ko sakanya

"Ahm?" sabi niya

"Sakin kana lang sumabay" tinignan ko siya at tumingin din siya sakin

"Okay" ani niya ng nakangitu kaya napangiti ako

"Let's go na guys" sabi ko sakanila, inalalayan ko naman si jema tumayo

"Yahoo, bar time." sabi ni tots

"Kamiss" dagdag ni bei

"Sabihan ko si jaycel na sumunod" sabi ni tots

"Sakto papapuntahin na rin namin si Yumi" sabi ni celine

"Ow, yung isa niyong friend 'yan?" tanong ni bei

"Oo, kakauwi lang niya kahapon galing japan" sabi ni jho

"Text niyo na si yums" sabi ni jema

"Ayon may partner na si jaycel" sabi ko na natatawa

"Okay na, natext ko na si jaycel. Susunod nalang daw siya" sabi ni tots

"Good" sabi ni bei

"Nasabihan ko na rin si yums" wika ni celine

Sumakay na kami sa mga sasakyan namin, pinagbuksan ko naman si jema

"Thankyouu" wika niya sakin habang nakangiti kaya napangiti rin ako, sumakay na rin ako sa driver seat at sinumulang magpaandar

Lumipas ang ilang minuto ay nakarating na kaming lahat sa bar, pinagbuksan ko naman si jema ng pinto ganon din ang ginawa nila bei at tots, sabay sabay na kaming pumasok sa loob at naghanap ng pwesto.

Habang hinihintay namin yung dalawa umorder na si bei ng maraming alak. Mukhang mapapalaban ako sa inuman na 'to ah.

"Inuman na guys" wika ni tots, tsk mukhang alak talaga ang isang to

Road to foreverWhere stories live. Discover now