Chapter II

813 7 0
                                    

Napatungga si Francis sa bote ng alak at saka na napasandal sa sofa. Dalawang babae naman sa magkabilang gilid niya ang sumandal din sa mga braso niya.

"'Di ba, anong sabi ko? Hindi ka ulit makaka-score ngayon," pang-aasar ni Clarence habang nakaakbay ito sa babae sa tabi niya.

"Pambihira naman oh, akala ko makaka score ka na eh. Natalo pa tuloy," ani naman ni Carl at saka na naglabas ito ng pitaka mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Kumuha ito ng isang libo at saka na inabot ito sa kamay ni Clarence na naka-abang na ang palad sa kanya.

"Sabi ko naman sa'yo, pre. 'Wag ka ng pumatol diyan sa pakulo ni Clarence. Nabawasan ka pa tuloy ng isang libo," komento naman ni Toni at saka na napailing.

Natawa naman ang kaibigan nilang si Joshua na nakikinig lamang sa mga kaibigan.

Nasa VIP room sila ngayon ng isang bar. Dumeretso rito si Francis matapos niyang ihatid si Janine sa apartment nito. Ang usapan kasi nilang magkakaibigan ay kapag walang nangyari ngayong gabi kina Francis at Janine ay dapat siyang dumeretso sa bar na ito kung saan parokyano na sila. Lagi silang nagkikita rito at nagdadala palagi ng mga babae sina Clarence at Karl upang aliwin sila. Si Clarence ay may asawa na pero nambababae pa rin ito. Si Carl naman ay may kasintahan pero kagaya ni Clarence ay mahilig din itong mambabae. Si Toni naman sa kabilang banda ay may kasintahan din pero tapat ito at hindi tumutulad sa dalawa. Samantalang si Joshua naman ang nag iisang walang kasintahan o asawa sa kanilang lahat at hindi rin mahilig mambabae. Kagaya ni Toni ay sumasama lamang ito sa mga kaibigan pero hindi nila pinapansin ang mga babaeng kasama nila.

"Kaya naman ayan, nagdala ako ng mga chicks para sa'yo. Mamili ka na lang. Ako na bahala sa motel. Sagot ko na," ani ni Clarence.

Napangisi naman si Francis at saka na napatingin sa mga babaeng katabi niya. "Bakit pa ako mamimili? Kung pwede ko naman silang pagsabayin?"

Napahampas naman nang marahan sa kanya ang mga babaeng katabi niya.

"Iyan ang gusto ko sa 'yo eh," bungisngis ni Karl. "Pero bakit ka nga ba kasi nagtitiyaga riyan kay Janine kung 'di naman niya mapunan ang mga pangangailangan nating mga lalake?" dugtong nito sabay akbay sa katabi niyang babae.

"Oo nga. 'Di ka naman santo kagaya nitong si Joshua na balak ata magpari," sabay turo ni Clarence kay Joshua.

Natawa naman si Joshua. "Or hindi ka naman kagaya ni Toni na hindi titikim ng iba," komento nito sabay turo naman kay Toni.

Inabot muna ni Francis ang alak na nakapatong sa lamesa at saka na tumungga muli ito.

"Kasi ang kagaya niya ang kailangan ko," sagot nito at saka muling napasandal. "She's decent. I need someone like her para maisip ng parents ko na nagbago na 'ko. Kailangan ko siya para ipagkatiwala na ng parents ko ang properties nila sa akin."

Napailing naman si Clarence. "Oo, gets naman namin na disente siya. Pero meron naman sigurong ibang babae riyan na disente pero magaling sa kama. Hindi kagaya niya na hindi mapunan ang responsibilidad niya sa ating mga lalake," ismid nito.

"'Tsaka, pre. Hindi ka ba nagtataka bakit hindi niya kayang makipag-sex sa 'yo? Baka naman 'di ka talaga mahal no'n," komento naman ni Carl.

"Takot lang siya sa sex itself," depensa ni Francis. "We'll get there soon."

"Sus. Ilang beses mo nang sinabi iyan e. 'Di na kami naniniwala," salungat ni Carl at saka na niyakap ang babae sa tabi niya. "Basta ako, napapaligaya ng jowa ko at mapapaligaya nitong katabi ko." Ngumisi ito at saka na hinalikan sa leeg ang babae.

My Guilty Pleasure (R-18) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon