Chapter VIII

433 5 0
                                    

Marahang minulat ni Janine ang kanyang mga mata habang inaagpang ang paningin sa liwanag na bumabalot sa kwarto. Nang tuluyan na niyang naimulat ang kanyang mga mata ay dumako ang mga ito sa hubad na katawang kayakap niya. Marahan niyang inangat ang kanyang kanang kamay at saka maingat na hinaplos sa kanyang mga daliri ang makisig na dibdib nito.

Napakainit ng katawan nito. Kung minsan nga ay nakalilimutan niya ng isa itong robot. Napatingala siya sa kanyang kayakap at saktong nagtama ang kanilang paningin.

"Good morning," pagaw na bati ni Joseph at saka na niyapos nang mahigpit si Janine. Napapikit itong muli.

Napangiti naman si Janine. "Good morning."

Halos magtatatlong linggo na nang unang matulog si Joseph sa kama ni Janine. Simula noon ay rito na ito natutulog. Hindi na rin iba kay Janine ang hubad na katawan ni Joseph dahil halos araw-araw sila kung magsiping. Makakatulog na lamang sila sa pagod at magigising na hubad at magkayakap.

Simula nang una silang nagtalik ay palagi na itong nasusundan. Kung minsan ay pagkabalik na pagkabalik pa lamang sa trabaho ni Janine ay nagsusunggaban na agad ang mga ito. Halos bawat sulok ng apartment ay naging lugar na nila upang magtalik. Kahit si Janine ay nagugulat sa sarili dahil tila siya naging isang walang taros na hayop sa tuwing makikita si Joseph.

Kung minsan nga ay hindi siya makapaniwalang nagagawa niya ang iba't ibang klase ng posisyon sa iba't ibang lugar ng kwarto. May mga panahong nakapatong na lamang siya sa tabi ng lababo, kung minsan ay sa upuan o sofa, o may mga panahong naka-angat na lamang siya habang nakasandal sa pintuan o pader habang binabayo siya ni Joseph. Kung minsan din ay nagtatalik sila sa banyo, sa sahig, o kung saan na lamang sila madatnan ng libido. Pero mas madalas pa rin silang magtalik sa kama. Dahil dito rin sila nagkakaroon nang malalim na pag-uusap.

Sa ilang linggo nilang magkasama ay si Joseph na ang napagsasabihan niya ng mga hinaing, problema o kahit ano pa mang nasa isip niya na hindi niya nasasabi sa nobyo. Hindi rin naman kasi lahat ay nasasabi niya kay Gia. Abala rin naman kasi ito sa trabaho bilang isang may-ari ng malaking kompanya. Si Francis naman ay abala rin at minsan lamang siya kung tawagan nito. Kapag nandirito rin naman ito ay pakiramdam ni Janine ay lumalabas lamang sa kabilang tainga ni Francis ang mga hinanaing niya. Ngayon lamang siya nagkaroon ng kasama na komportable siyang sabihin ang lahat ng nasa isip niya na walang paano o pero.

Hindi lang din isang magandang tagapakinig si Joseph para sa kanya. Napakagaling din nito makipag-usap at napakarunong ng mga sagot nito. Kung minsan nga ay naiisip niya ang totoong Joseph dito dahil sa paraan nito ng pananalita.

Hindi naman maitatanggi ni Janine na may mga panahon na tinuturing niyang totoo ito. Kabaliwan man sa iba, pero hindi na niya maipagkakaila na nagkakagusto na siya sa kasama niyang robot. Ito lang ang nagbigay sa kanya ng kasiyahan at kakaibang pakiramdam na hindi maibigay sa kanya ni Francis. Mga pakiramdam na matagal niyang pinilit kalimutan.

Naisip na nga niya kung minsan na makipaghiwalay kay Francis. Pero minsan din ay napapaisip siya kung magiging masaya ba siya sa desisyon niya. Handa ba siyang saktan si Francis? Handa ba siyang saktan ang nag-iisang taong nagtiyaga sa kanya kapalit ng isang robot?

"Joseph," ani ni Janine.

Napa-ungot naman si Joseph.

"May lakad ako mamaya. May highschool reunion kami," paalam ni Janine.

Natahimik naman si Joseph. Halos nakalimutan niya na ang tungkol dito. Bago kasi siya magpanggap na isang AI ay nakatanggap din siya ng inbitasyon para sa kanilang high school reunion. Hindi nga niya mawari kung bakit nakatanggap pa rin siya ng inbitasyon gayong hindi naman siya nakapagtapos sa eskwelahan na iyon. Wala rin naman siyang lakas ng loob na pumunta roon kaya kinalimutan niya na ang tungkol doon. At sa sitwasyon ngayon ay mas lalong hindi siya makadadalo.

My Guilty Pleasure (R-18) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon