--Taehyung's
"Okay lang naman yuri, kaya ko naman gawan ng paraan."
Sab nya sa bestfriend nyang si Yuri nang alukin sya nitong ito ang mag babayad ng tuition nya next sem dahil graduating na sila.
"Ano ka ba? Kung kani kanino ka nanaman lalapit nyan. Wala naman problema, ang dami kong savings. Sobra sobra kasi yung binibigay nila mama at papa sakin so parang spare money ko nalang talaga yung papahiram ko sayo."
Sagot nito.
"Pero ang dami ko nang utang sayo..."
Lumapit ito sa kanya at kinuha ang dalawang kamay nya.
"What friends are for taeh? Saka laki naman ng help mo sakin lalo na kapag tatakas ako sa bahay at mag clubbing. Sinasabi ko lang kala mama at papa na overnight ako sa inyo payag na agad. Ang lakas mo kasi sa kanila eh."
Sabi pa nito. Ngumiti sya at naiiling nalang. Nahihiya man sya ay kailangan nya na rin tanggapin ang alok na tulong nito.
"Sige, pero promise babayaran ko talaga lahat ng mga utang ko sayo as soon as makapag trabaho ako. Graduating naman na tayo nila jungkook kaya malapit na kong mag ka work."
Sagot nya dito.
"Wag mo na isipin iyon ano ka ba. Teka speaking of that bunny, nasaan na sya? Kanina pa tayo nag hihintay dito ah."
"Uhmmm may dinaan lang syang project kay prof park."
Sagot nya naman dito kaya napatingin ito sa kanya.
"Teka bakit alam mo lagi kung nasaan yung mokong na iyon? Parang sayo lang nagsasabi iyon ah. Bestfriends pa ba tayong tatlo or kayong dalawa nalang?"
Parang nag tatampo pang sabi nito. Nanlaki naman ang mata nya.
"A-ano ka ba, hindi naman. Nag kataon lang na nasalubong ko sya kanina kaya sinabi nyang malelate sya konti."
Tumango naman ito at naniwala sa sinabi nya.
"Okay. Eh baka malate na tayo sa movie na panonoorin natin. Teka nga txt ko sya."
Sabi pa nito kaya napatingin din sya sa cp nya. May msg naman doon si Jungkook
Kookie> Baby, papunta na ko dyan. I love you.
Napangiti sya ng makita ang msg nito.
"Oh ngini ngiti mo dyan hmm?"
Napatingin naman sya kay yuri sabihin iyon. Agad syang umiling at binawi ang ngiti.
"Ah wala sabi kasi ni mama, paborito ko daw ulam ang iluluto nya. Alam mo naman na paborito ko lahat ng luto nya diba?"
"Ay oo, swerte mo talaga kay tita napagluluto ka ng mga gusto mong food."
Sabi naman nito.
"Ano ka ba, pinag luluto ka din naman ni mama ng paborito mo ah kayo ni kookie, spoiled din kayo kay mama."
"Ay oo nga pala. The best talaga mama mo taeh"
Sabi pa nito.
"Hey, lika na?!"
Sabay naman silang napatingin kay jungkook ng mag salita ito.
"Hoy ikaw, tinitxt kita di ka sumasagot ah?!"
Sabi dito ni yuri.
"Ah sorry, nasa bag ko kasi cp ko. Ano tara na?"
Tumingin naman ito sa kanya ng makahulugan kaya namula sya at napangiti dito.