-Jungkook's
Pag dating nya sa bahay ay nanonood ng tv si Yuri at ang anak nilang si Savy.
"Hey baby."
Bati nya sa anak at hinalikan ito sa pisngi. Nanlaki naman ang mata nito ng makita sya.
"Daddy!!!"
Sigaw nito saka niyakap sya. Niyakap nya ito pabalik at napatingin sya kay Yuri. Nakangiti lang ito sa kanya. Ngumiti din sya dito
"Hi honey. kamusta ang cebu?"
Bati at tanong nito. Tumango naman sya
"Ganon pa din. Maganda."
Sagot nya. Bumalik naman sa pwesto ang anak nya sa sofa.
"Dad do you have something for me?"
"Oh yes baby."
Sagot nya dito. Maya maya naman ay pumasok na sya sa kwarto nila ni Yuri. Kasunod nya ito sa likod nya pag sara nito ng pinto ay niyakap sya nito sa likod kaya natigilan sya.
"I miss you honey."
Sabi pa nito. Eversince naging mag asawa sila nito ay honey na ang tawag sa kanya nito pero kahit kailan ay di nya nagawang ibalik dito ang tawag na iyon. Tinanggal nya naman ang pagkakayakap nito sa kanya saka humarap dito.
"Yuri i need to talk to you."
Siryosong sabi nya dito pero ngumiti lang ito sa kanya at muli syang niyakap.
"Hon, can you talk to me later i really miss you eh."
Sabi nito saka nag tangkang yakapin at halikan sya. Hinawakan nya naman ang pulsuhan nito
"Yuri, makinig ka i have to talk to you right now."
Mariing sabi nya dito. Natigilan ito saka napangisi sa kanya. Yung ngisi nitong iyon ang laging nakakapag paisip sa kanya. Parang nag iibang tao ito.
"Okay, tell me what you have to tell me..."
Sagot nito saka umupo sa kama nila. Tinitigan nya naman ito.
"I'm sorry."
Sambit nya.
"For what?"
"Sorry Yuri, hindi ko na kayang ituloy tong pag sasama naten. Umpisa palang alam nating dalawa na mali ito. Alam mong umpisa palang kung sino nang nag mamay ari ng puso ko."
Mahina pero malinaw na sabi nya dito. Nagkuyom ito ng kamay.
"So, tungkol pa rin ba kay taehyung to?"
Tanong nito. Nag katitigan sila nito. Tumango sya.
"It's always been her and will always be her Yuri, habang buhay."
Natigilan sya ng bigla itong tumawa. Parang ibang tao ito sa panginin nya.
"Ganon ba, sya parin hanggang ngayon? Pero sorry kahit sya parin wala na rin namang kwenta yun kook. Kasal na tayo at kahit ano pang sabihin at maramdaman mo nakatali ka na sakin. Hindi hindi na magiging kayo kahit kailan."
Sabi nito. Sya naman ang nag kuyom ng kamao.
"I wanna file an annulment Yuri."
Sabi nya dito. Sumiryoso ang muka nito.
"And what made you think na papayag akong mag hiwalay tayo?"
Nangunot noo sya. Magiging mahirap yata ito higit pa sa inaakala nya.