Wild Heaven🌹(EndPart)

867 7 0
                                    

Dinner Party

Masigla silang sinalubong ng mga magulang ni Yuri. Bata palang sya ay magaan na ang loob ng mga ito sa kanya. Lagi syang welcome sa bahay ng mga ito. Hanggang sa pinag aral pa nga sya ng mga ito hanggang hs nya. Sa kanya lang din nag tiwala ang mga ito na makipag kaibigan si Yuri. Pag sya ang kasama ni Yuri ay panatag daw ang mga ito. Bilib na bilib kasi ang mga ito sa angking nyang katalinuhan at kabaitan noon

Nag kamustahan naman sila nito. Shempre hindi maalis ang feeling na nakukunsensya dahil alam  nyang nasasaktan nya ngayon ang anak ng mga ito.

Dumating sila Yuri at Savy at agad na tumakbo si sav sa kanya. Agad syang napangiti ng makita ito.

"Tita taeh!!!"

Sigaw pa nito at yumakap sa mga hita nya kaya yumuko sya kiniss ito sa noo.

"Hello baby sav."

Bati nya dito.

"Thank you tita taeh for yesterday. I really enjoyed the ice cream and the park."

Sabi nito kaya napangiti syang muli dito.

"I enjoyed it too with you baby."

Sagot nya dito.

"Naku, mabuti naman at may oras kang igala si Savsav Taeh. Sabi ko nga dito kala Yuri at Jungkook ay wala na silang oras para sa anak nila, ilabas man lang si Savsav minsan."

Sabi ng lolo ni Sav kaya napatingin sya kay Yuri. Nakita nyang nakatitig lang ito sa kanya.

"Mabuti pa si taehyung binibigyan ng oras ang aking apo."

Sabi naman ng mama ni Yuri. Pumunta naman sa mga ito si Savy at niyakap ang abuelo at abuela nito. Nakita nyang pasimple syang inirapan ni Yuri.

"Nag kakataon lang po na libre po ako kapag tumatawag sakin si yuri at ipapasundo si Savy."

Sagot nya. Niyakag na sila nito sa hapag. Napakaraming putahe ang nandoon.

"Anong oras ba dadating si Jungkook Yuri? Hindi pa ba tapos ang meetings nya?"

Narinig nyang tanong ng papa ni Yuri. Napakagat labi naman sya dahil alam nyang papunta na si Jungkook dahil ina update sya nito mayat maya pero hindi nya iyon masabi sa mga ito.

Napatingin sa kanya si Yuri at ngumisi.

"Hindi nag aupdate sakin papa, baka sa ibang babae nag a update?!"

Sabi nito. Kinabahan naman sya dahil sa paraan ng tingin sa kanya ni Yuri.

"What do you mean sa ibang babae nag a update Yuri?"

Tanong naman ng mama nito. Kinuha nito ang wine sa harap nito at ininom iyon saka muling tumingin sa kanya.

"Hmm why don't you ask taehyung mama, papa baka alam nya kung kanino nag a update si Jungkook?"

Sabi nito na muling nakangisi. Abot abot na naman ang kaba nya ng tumingin sa kanya ang mga magulang nito na parang nag tatanong.
Naramdaman nya naman ang kamay ng mama nya na humawak sa kamay nya sa ilalim ng lamesa.

"Iha, taeh anong sinasabi ni Yuri?"

Tanong pa ng papa nito. Napalunok naman sya
Nakita nyang nakangisi parin sa kanya si yuri.

"Uhmm tito hindi ko po alam ang sinasabi nya..."

Sagot nya na halos bulong iyon pero rinig padin ng mga ito. Napatingin naman sila kay Yuri ng bigla itong tumawa.

Wild HeavenWhere stories live. Discover now