PROLOUGE

23 0 0
                                    

##. Disclaimer !!

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

11/11/22

Series #1: Finally In Dream, I'm Home


——

"Ilang buwan na ba?"

Hindi ako nakasagot kaagad sa tanong ni Avery noong tanungin nya ako ng ganoon sa halip ay pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko ng fishball at kikiam habang nakatingin sa asul na asul na kalangitan at iniisip kung saan ba ako nagkulang--de jowk. Iniisip ko lang talaga kung paano ako makakapasa ngayong sem. Sino ba naman kasing stupidong gago ang mayabang na kumuha ng pol-sci eh hindi na halos makapasa ng reqs dahil sa pag ka stress. Syempre ako 'yon astig ako eh.

Sa kabila ng pag ka astig kong 'yon, sa mga professors ko lang pala mawawala angas ko. Kainis, bakit ba naisip kong mag lawyer amp. Sino ba naman kasing ipaglalaban ko? syempre sarili ko gwapo ko kasi eh tas astig pa. Bigla tuloy may pumasok sa isipan ko na dati hindi lang yung sarili ko ang iniisip ko na ipaglalaban ko, lahat nang mga pangako ko sa kanya. Ako nalang ang mag isang tutupad ngayon, saklap 'di ba? isipin mo nangako kayo sa isa't isa na sabay nyong tutuparin yung mga pangarap nyo pero noong hindi na umayon ang tadhana sa inyong dalawa ikaw na mag isang tutupad noon.

Minsan nga nakakawalang gana ng gawin ang mga 'yon lalo na't mag isa ka nalang. Sa sobrang taas ng expectation ko na akala ko matutuloy namin yung hangganan o kahit na pa wala na kami dito sa mundo akala ko maipapagpatuloy namin ang pagmamahal na 'yon, pero minsan sa buhay may hindi talaga tayo inaasahan na mangyayari sa 'tin. At siguro mas mabuti na rin 'yon na nagpahinga na kaming dalawa ngayon sa relasyon na hindi na namin kaya.

Mas mabuti na sigurong inuna muna namin ang sarili naming dalawa. Mas mabuti na 'yon na makakapag pahinga na rin ako sa pagod na dinala noong naging relasyon namin. Noong mga panahong araw araw kaming nag aaway, noong mga panahong kailangan ko pa syang suyuin. Nakakapagod din 'yon. Yung alam mong parang ikaw nalang yung sumasalba sa relasyon nyong pabagsak na habang sya ay wala manlang inaalala.

Kung ganoon lang pala ang hantungan naming dalawa hiniling ko na sana hindi na kami pinagtagpo pa ng tadhana.

Kung saan noon palang alam ko na, pero hindi eh nakatakda talaga kaming magkagano'n, sobrang laki kasi ng kasalanan sa 'kin eh. Di nasabi kaagad kaya kami nagkagulong dalawa at ayon ang ending na lumagapak sa 'min. Nakakatuwa lang yung mga taong nagtatagal dahil meron silang tyaga.

Kasi nga 'di ba pag may tiyaga may nilaga.

Sana nagkaroon din kami ng gano'n na hindi na aabot sa puntong kailangan nya akong layasan dahil hindi na nya kayang tiisin ang ugali ko. Gusto ko lang naman kasing unawain nya ako, yun lang hinihiling ko pero hindi nya kayang gawin. Takot na takot akong mawala sya noon sa buhay ko pero ngayon na ilang buwan na ang lumipas araw araw na akong nasasanay. Araw araw ko nang tinitiis ang sakit at araw araw pinipilit ko syang kalimutan lero ang taong nagagawa ko palang ay masanay na wala sya.

Hindi ko sinabing hindi ko sya namimiss ah tintry ko lang na wag na syang masyadong isipin. Dahil panigurado naman na kinalimutan nya na rin ako at naglalaan na sya ng oras sa pagbabago ng buhay nya kung saan hindi na nya ako kasama at ibang tao na. Sobrang saklap no'n mga tsong! kaya kung mayroon man kayong mga mahal sa buhay na kailangan ng pag mamahal ibigay nyo lang dahil hindi nyo na kayang maibigay 'yon once na binitawan mo na sila o hindi mo na sila muling nakita pang humihinga.

Finally In Dream, I'm Home (BTS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon