Chapter Two

61 3 0
                                        

Pagkatapos ng insidente kahapon, hindi pa rin nawawala ang inis ko kay Sav dahil tinawag niya akong immature. Nasa classrom ako ngayon at kahit anong gawin kong pagpapakalma sa sarili ay hindi pa rin talaga humuhupa ang inis ko sa kanya.

"Huy, Val! Anong iniisip mo diyan? Kanina ka pa tulala." Siko ni Pia sa akin habang abala kami sa paggawa ng group activity. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"Ikaw kasi! Bakit mo sinabing 'yung kasabay kong tumawid ay siya rin 'yung tumakbo kasama natin?" reklamo ko habang isinusulat ang sagot sa papel.

Tumawa lang si Pia. "Kasi, totoo naman, eh! Aminin mo na, crush mo 'yung Sav!"

Napahinto ako sa pagsusulat at muling tiningnan si Pia. "Pia, hindi ko siya crush! Muntik lang! At isa pa, ang sungit niya kaya! At ang yabang pa!" giit ko.

"Eh bakit 'nung nagkurap-kurap ka sa kanya kahapon, parang tinamaan siya?" Nakangisi si Pia habang nakatayo na sa tabi ko, tila inaasar ako. Tinamaan? Si Sav? Eh, sinabihan nga akong mukhang tanga no'n.

"Tumigil ka nga!" Hinampas ko siya ng notebook. "Walang ganon! Hindi mo ba narinig na sinabihan niya akong mukhang tanga kahapon?"

Kahit papaano, hindi ko maikakailang may ilang bagay kay Sav na nagpaalala sa akin sa sinabi ni Pia. Ang mga titig niya, ang lakas ng karisma niya, at ang paraan ng pagsasalita niya—kakaiba ito, lalo na kapag nag-e-english siya. Ang lakas ng dating, parang gusto ko siyang titigan nang mas matagal pero mas gusto ko siyang sapakin.

“Pero alam mo ba, Val...” huminto siya saglit dahil lumapit siya sa akin. “Bagay kayo,”

“No way!” lumayo ako sa kanya na para bang nandidiri sa sinabi niya. “Kumukulo lang ang dugo ko sa kanya. Tsaka, mukhang gusto niya 'yung kasama niyang babae kahapon.”

Feeling ko talaga may gusto ni Sav 'yon. Napaka-inosente niya kasing tiningnan at halata sa kanya na matalino siya. At ako? Last section nga ako but it doesn't mean na hindi ako matalino. Masyado lang talaga akong busy dahil mas active ako sa sports at dance club.

"Uy, andiyan na si Sir. Huwag ka na magdrama d'yan," sambit ni Pia nang dumating na ang aming guro.

Tumigil kami pansamantala sa paggawa ng group work habang sinimulan na ng aming guro ang pagtuturo. Sa buong klase, wala akong ibang iniisip kundi ang paraan kung paano makakabawi kay Sav. Hindi ko hahayaang matapos ang linggong ito nang hindi ko siya napag-tripan man lang.

Pagkatapos ng klase, magkasabay kaming bumaba ni Pia papuntang canteen. Habang kumukuha kami ng pagkain, napansin ko si Sav sa kabilang lamesa, kasama ang kanyang mga kaibigan. Nakangiti siya habang may tinuturo sa isang libro.

"Grabe 'yung Sav, ang guwapo talaga kahit seryoso," bulong ni Pia.

"Ano namang guwapo do'n? Seryoso ba 'yan? Mukhang mayabang," reklamo ko.

"Eh bakit ka nakatingin?" Nakangisi ulit si Pia.

Bigla akong bumaling palayo at nagpatuloy sa pagkuha ng pagkain. Hindi ko na lang pinansin si Pia, pero alam kong totoo ang sinasabi niya. May something kay Sav na hindi ko maintindihan—na parang gusto ko siyang kilalanin, pero gusto ko ring layuan.

“Val!” bago ko nilingon si Gio na tumatawag sa'kin ay napansin ko na napatingin sa gawi namin si Sav.

“Bakit ba si Val nalang palagi mong tinatawag? Hello? Nandito 'rin ako. Kasama niya.” pag-iinarte ni Pia sa pinsan niya.

“Ano na namang kailangan mo sa'kin?” tanong ko kay Gio. Kasama ko siya sa dance club kaya naging close 'rin kami.

“Pupunta ka ba sa practice mamaya?” tanong niya.

Love Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon