Prologue

196 5 2
                                    

Kagaya ng trending sa Tiktok.

What if...

What if bumalik yung greatest what if ko? Ano nga bang gagawin ko?

I honestly don't know. Hindi pa naman bumabalik kaya hindi ko pa dapat problemahin. Kahit naman paghandaan ko kung anong reaksyon o kung anong sasabihin ko, kapag nasa harapan ko na siya... makakalimutan ko lahat ng pinaghandaan ko.

Pero, siya nga ba yung greatest what if ko? Siguro. Kasi marami naman talaga akong what if's sa buhay, at isa na siya ro'n. 

“Thank you for calling customer service. How may I help you?”

And this is my life. My decisions led me here. 

Ang unang what if ko, what if hindi ako huminto sa pag aaral? Successful na rin kaya ako kagaya ng mga ka batch ko? 

“Hindi ka ba talaga aattend sa reunion?” My best friend since high school asked. Her name is Pia. Successful na siya. Isa siyang financial manager sa isang firm sa Dubai. Umuwi lang siya ng Pinas ngayon dahil sa upcoming reunion ng batch namin no'ng high school. 

At wala akong balak na pumunta. 

Ayokong mainggit. I'm a hypocrite. Aminado ako. Sinasabi ko na masaya ako sa achievements nila pero sa totoo lang, inggit na inggit ako. 

“May duty ako niyan.” I reasoned out. Ayoko talagang pumunta. Marangal ang trabaho ko, malaki rin ang kita pero hindi kasing laki ng kinikita ni Pia. At sa halos pitong taon ko sa BPO industry, wala akong naipon para sa sarili ko. Bukod sa resibo at bills. 

“Pwede ka namang mag file ng leave.” Suhestyon niya at umiling lamang ako. 

“Kailangan kong magtrabaho, Pia.” Giit ko pa. Bumuntong hininga siya. Magsasalita na sana siya nang dumating na ang pagkain namin. Kaagad akong natakam sa amoy at itsura ng pagkain na inilalapag ng waiter sa lamesa namin. 

Nagpasalamat kami sa waiter at umalis na ito para bumalik sa pwesto niya.

“You look so tired, Val. Ayaw mo bang magresign sa trabaho mo at sumama sa'kin sa Dubai?” Natigil ako sa paglalagay ng pagkain sa plato ko dahil sa sinabi niya. 

“Ano namang gagawin ko sa Dubai? Wala akong degree kagaya mo. Remember?” Saad ko at kinagatan ang fried chicken na kinuha ko. Kagagaling ko lang sa duty at gutom na gutom na talaga ako. Sinundo ko pa kasi ang isang 'to sa airport. 

“Ayaw mo bang ipagpatuloy ang pag aaral mo? Sayang naman, Val. Isang sem nalang.” Aniya. Hindi ko kaagad siya nasagot dahil abala ako sa pagkain. Nilunok ko muna ang pasta na nginunguya ko bago siya sagutin. 

“Matagal na akong nag stop, Pia. Sa tingin mo tanda ko pa yung mga pinag aralan natin no'n?” I said, as a matter of fact. That was seven years ago! Limot ko na 'yon! Sa sobrang dami ba naman ng nangyari sa akin at sa pamilya ko. 

“I know, Val. I'm just worried about you. Don't you have dreams?” 

“I had, Pia. Pero ang mga taong kagaya ko ay walang karapatang mangarap ng mataas. Nagmumukha lang akong ambisyosa.” Pabirong saad ko kahit na totoo iyon. 

Ang pangalawang what if ko, what if mayaman ang pamilya namin? Siguro hindi ko na kakailanganin na huminto sa pag-aaral. Siguro iba ang sitwasyon ko ngayon. Siguro kinuha ko ang kursong pangarap ko noon pa man. At siguro... siguro hindi ko na kinakailangang lumayo. 

May pangarap ako. Mataas at imposibleng makamit. Totoo namang libreng mangarap, pero ang hirap hirap mangarap ng mataas. Alam mo 'yon, parang langit sa bituin ang pangarap ko, nanjan nga pero ang hirap namang abutin. 

Love Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon