Tahimik kaming naglalakad palabas ng campus, at obviously, hindi ko alam kung saan naka-park ang motor niya.
"Stay here," aniya nang makarating kami sa gilid ng pedestrian lane. Marahan niyang binitawan ang braso ko at tiningnan ako. "Kukunin ko lang 'yung motor ko," dagdag pa niya.
Tumango lang ako at pinanood siyang tumawid sa kabilang kalsada. Sa tapat ng school namin ay may commercial building at fast-food chain. Doon pala siya nag-park sa parking lot ng building.
Habang naghihintay ako sa gilid ng pedestrian lane, hindi ko maiwasang mapaisip. Tahimik na ang paligid, at tanging ilaw mula sa mga poste at mga sasakyan ang nagbibigay-liwanag sa kalye. Muli kong tiningnan si Sav na kausap ang guard sa parking lot. Mukhang close sila ng guard dahil tinapik pa siya nito sa balikat at sinuklian niya ng ngiti.
Ang guwapo niya.
I couldn't help but feel a little nervous. Hindi naman kami talaga close ni Sav, pero heto kami ngayon—parang sobrang lapit. It felt strange, but not in a bad way. There was something about the quiet way he handled things that made me feel... safe?
Napatingin ako sa paligid. Konti na lang ang mga estudyanteng dumadaan, at karamihan ay nagmamadaling makauwi. Normal lang naman na may mag-alala sa akin—sina Pia at Gio—pero iba ang dating nito. Bakit si Sav?
Maya-maya, nakita ko na siyang naglalakad pabalik, dala na ang helmet at ang motor niya. Huminto siya sa harap ko at iniabot ang isang helmet.
"Here. Wear this," sabi niya habang iniaabot ito sa akin.
"Thanks," sagot ko, bahagyang kinukuha ang helmet. Naramdaman ko ang pagtama ng kamay namin saglit, and I tried not to think too much of it.
"Buti may dala kang extra helmet," saad ko habang sinusuot ang helmet na ibinigay niya.
"I borrowed it."
Nanghiram pa talaga siya ng helmet para sa'kin. Ibang klase na talaga 'to. Kinikilig na ako sa kanya.
"Ready?" tanong niya habang inaayos ang sarili sa motor.
Tumango ako at sumakay sa likod niya, tinatry na huwag maging masyadong conscious. Habang nasa likod niya, hindi ko alam kung saan ako hahawak. Sa balikat ba? Sa bewang?
"You can hold onto me if you want," bigla niyang sabi, na parang nabasa ang iniisip ko. "Or sa handle dito," dagdag niya, itinuturo ang maliit na bakal sa likod ng motor.
"Oh, okay," mabilis kong sagot, piniling hawakan na lang ang handle. Ayokong maging masyadong awkward.
Pag-andar ng motor, naramdaman ko ang malamig na hangin na tumama sa mukha ko. Tahimik lang kami pareho habang naglalakbay papunta sa amin. Hindi ko alam kung bakit, pero parang ang tagal ng biyahe kahit hindi naman talaga ganoon kalayo.
I felt a mix of emotions——excitement, nervousness, and something I couldn't quite place. Maybe this was just a ride for him, but for me, it felt like the start of something I didn't see coming.
I bit my lower lip, trying to prevent myself from smiling. Please lang heart, 'wag ka masyadong kumalabog jan at baka marinig ni Sav.
"Okay ka lang diyan?" tanong niya nang bahagyang lumingon.
"Uh, oo, okay lang," mabilis kong sagot. Sana hindi niya napansin na parang wala na akong mapaglagyan ng kaba at kilig ko.
Pagkatapos ng ilang minuto, umabot kami sa kanto malapit sa bahay namin. Pinigilan ko ang sarili kong magpasalamat ng sobrang haba——ayokong maging awkward pa.
"Salamat, Sav," sabi ko habang inaalis ang helmet. "Libre na kita bukas ng lunch."
Sana pumayag siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/327106308-288-k413154.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Against All Odds
RomanceIs love enough to make people stay? Or is it enough to let people go? Sometimes, love is about staying and weathering the storm together. But sometimes, the truest expression of love is letting go-setting the other person free to become who they ar...