"Val! Dito!" Nabuhayan ako ng loob nang makita ko ang kaibigan kong si Pia na kumakaway sa akin ngayon. Malapit na siya sa gate ng school namin habang ako ay tatawid pa lamang.
Isang minuto nalang at late na kami sa flag ceremony. Hindi rin nagpapapasok ang guard ng mga late comers. Kaso ayun nga, hindi ako sanay tumawid mag-isa! Palagi kong kasabay si Pia at nagkataon lang na nalate ako ng gising at nauna na siya sa'kin.
"P'wedeng pasabay?" Hindi pa man pumapayag ang lalaking katabi ko ay humawak na ako sa kanyang uniform. Hindi ko na siya tiningnan at hindi rin naman siya umimik. Nagsimula na kaming tumawid at nang makalapit na ako kay Pia ay sabay kaming tumakbo papasok ng school.
"Hep! Bawal na kayong pumasok." Bagsak ang balikat namin ni Pia nang harangin kami ng guwardiya. Kainis naman! Wala bang consideration diyan?
Napaka strict niya naman!
"Manong guard naman, ilang segundo lang naman kaming late. Pagbigyan mo na kami, please?" Pakiusap ni Pia. Lumapit naman ako sa kanya upang ibulong ang nais ko.
"Takbo tayo. Runner naman tayo parehas." Bulong ko sa kanya at pasimple siyang tumango sa akin. Naghawak kamay kaming dalawa at ginawa ko ang role ko para ma divert ang atensyon ng guard.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid nang mapansin ko ang isang lalaki na estudyante rin sa paaralang 'to na umaakyat sa may bakod sa gilid ng guard house.
"Manong, may dumadaan do'n oh!" Turo ko at agad namang nilingon ng guard ang tinutukoy ko kaya hudyat iyon para tumakbo kami ni Pia.
"Hoy! Bumalik kayo dito!" Mas lalo naming binilisan ang pagtakbo nang hinabol kami ng guard. Nilingon ko ang pinaroroonan nung lalaki na umaakyat sa bakod kanina at nakita siyang masama ang tingin sa akin.
Kagaya namin, tumatakbo rin siya. Pumasok kami sa building ng elementary at tinungo ang shortcut patungo sa building ng mga high school dahil malapit lang doon ang field kung saan ginaganap ang flag ceremony every Monday.
Nakita ko na nakasunod sa amin ang lalaki kaya sinenyasan ko siya na bilisan ang pagtakbo.
Agad naming tinahak ang shortcut patungo sa high school building. Naririnig na namin ang morning prayer bago mag start ang ceremony. Nang malapit na kami sa field, payuko kaming tumakbo upang hindi mapansin ng mga guro. May ibang estudyante naman na nakapansin sa amin pero wala naman silang pakialam kaya ayos lang.
"Hay salamat!" Hinihingal na sambit ni Pia. Nakapila na kami ngayon sa pila ng section namin. Magkaklase kami ni Pia at dahil late kami, sa likod kami nakapila. Nilingon ko naman yung lalaki para malaman kung nakasunod ba siya sa'min pero nagulat ako dahil sa linya ng mga 4th year siya nakapila katabi ng amin dahil last section kami. Tapos sa star section siya!
Gwapo na matalino pa. Nice.
"What are you looking at?" Masungit na tanong nito sa'kin. Ang attitude naman nito! Inayos ko ang salamin ko gamit ang middle finger ko habang nakatingin sa kanya. Nagulat naman siya sa inasta ko kaya nginitian ko siya.
Akala niya, ah!
Inirapan lamang ako nito at ibinalik na ang tuon sa ceremony. Ganoon din ako. Mabilis lang natapos kaya pinabalik na kami sa aming mga silid. Every building ay mayroong apat na palapag at bawat palapag ay mayroong sampung classrooms. Every floor ay iba't-ibang year level. Sa first floor ay ang mga first year, sa 2nd floor naman ay mga 2nd year at sa 3rd floor ay kaming mga 3rd year at sa 4th floor naman ang mga 4th year.
Simple as that.
"Muntik na tayo do'n ah!" Saad ni Pia habang umaakyat kami ng hagdan. Natawa ako at inakbayan siya. Magkaibigan na kami since last school year. May mga kaibigan naman ako noon before ko siya nameet kaso ayun, ayaw nila kay Pia kaya ayaw na rin nila sa akin.
BINABASA MO ANG
Love Against All Odds
RomantizmIs love enough to make people stay? Or is it enough to let people go? Sometimes, love is about staying and weathering the storm together. But sometimes, the truest expression of love is letting go-setting the other person free to become who they ar...