CHAPTER 4

13 1 0
                                    


Nandito ako sa school ngayon. Kakapasok ko lang actually.


"Hi Yuumii!" Bati sakin nina Athena at Kate.


"Hi Athena! Hi Kate!" Sabay na kaming pumasok sa loob ng school kaso naghiwahiwalay din kami kasi may kailangan pa daw silang daanan sa library.


Pansin ko lang, lately di na kami nag papansinan. Siguro medyo busy lang kasi syempre paparating nanaman ang next activity ng school tapos ako pa ang President tapos nag reready din sila para sa performance ng each section. Dibale, babawi nalang ako saknila next time.


Saktong papunta nako ng classrom kasi malapit narin naman nang mag time kaso nakasalubong ko si Lance.


"Yo Yumi!"


"Bakit?"


"Wala lang. Nga pala, sabay ka samin mamaya mag recess ha? Kailangan kasi nating pag usapan yung about sa next activity ng school para less hassle na"


"Sure"


"Osige alis nako ciao!"


Umalis nako at naglakad nanaman papuntang classrom kaso may naalala ako kaya napatigil ako saglit.


"Samin?" Gulong tanong ko sa sarili ko kaya lang isinantabi ko nalang. Baka yung ibang officers lang.


- RECESS TIME -


Lumabas nako ng classroom kasabay ko sina Kate, Athena at Max.


Sakto namang nakita ko sa labas ng classroom si Lance.


"Lance!" Tawag ko sakanya sabay lapit "Ito nga pala sina Kate, Athena at Max, mga kaibigan ko. Sabay daw sila satin. Ayos lang ba?"


"Hi Lance! My name's Athena Smith" sabay kaway.


"Hi Lance! The name's Kate Mendoza! But you can call me baby, munchkin, cupcake, sugar, honey, sweety. kahit ano ayos lang. hehe." sabi niya sabay kindat kay Lance.


Natawa nalang kami sakanya. Loko talaga neto.


"Hey dude! I'm Max Lopez" sabay abot ng kamay niya at nakipagkamay kay Lance.


"Nice meeting you all. So, tara na?"


"Sure" sabay naming sabi.


Habang naglalakad kami papuntang Cafeteria, Lumapit sakin yung dalawa.


"Hey girl! ang handsome naman niya. san mo nabingwit? pwedeng akin nalang?" sabi ni Kate sabay cling nung kamay niya sa kanang braso ko.

Miss Peacemaker meets Mister TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon