CHAPTER 3

16 1 0
                                    

SCHOOL


Papunta nakong SSG Room dahil sa emergency meeting na pinatawag ng adviser namin ng org.


Ipapakilala daw yung bagong Vice President since yung nanalo last votation eh lumipat na ng school. Pumunta daw ng ibang bansa. Nubayan! Tatakbo takbo pa kasi iiwan din naman pala ang obligasyon dito. Edi san iba nalang ang lumaban.


Malapit nako sa room. Pagpasok ko nandito na lahat ng officers pati si sir Lorence. Siya yung adviser ng SSG.


"Hi Pres" bati nila sakin. Ngumiti lang ako sa kanila at dumiretso na da upuan ko.


Yes! Lahat kami dito ay may designated chairs. Ang sosyal nga ng school na to eh. Bukod sa Sound Proof ang room na to dahil nga secret lang ng nasa Org ang mga details about sa meetings namin, naka aircon pa kami tapos naka long table pa kami then swivel chairs pa. Oha! San ka pa! Ang ganda nga eh para ka talagang nasa loob ng company.


"Okay guys! Pinatawag ko kayong lahat dito para ipakilala ang bago nating Vice President. Since alam niyo naman ang reson kung bakit diba?"


"Yes Sir!" Sabay naming lahat na sumagot.


Tumayo si sir at lumabas. Lahat dito ay nag bubulungan.


"Sino kaya yung bagong VP?"


"Wala man lang clue si sir kung sino"


"Sana gwapo!"


"Sana chix yung vice natin hahaha"


Lahat napatigil sa bulungan nung bumukas ang pintuan.


"Ok guys. Let me introduce to you"


Mas bumukas pa ang pintuan at nagulat ako kung sino ang iniluwa nito.


"Mister Lance Gabriel Lee, our new Vice President"


Nakangiti siyang naglakad at dumiretso sa tabi ko since dun naman talaga ang upuan ng Vice President.


Gulat parin ang ekspresyon ko hanggang sa makaupo siya.


"P-paano?"


"Rineview namin lahat ng records ng mga students at siya ang napili namin since matalino siya, then palagi din siyang nag ta top sa dati nilang school at ang grades niya ay hindi bumababa sa 85. Actually meron pa kaso nung tinanong namin kung interesado siya eh ayaw naman daw kaya siya Lance nalang"


Ohh. It does make sense kaso di ako makapaniwala na matalino pala siya. I mean, hindi kasi halata sakanya. Ang cool!


"Surprised?"


"Oo eh. Haha di ko akalain na sobrang talino mo pala."

Miss Peacemaker meets Mister TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon