YUMI'S POV
"Yumi! gising na ma-lelate ka na sa school. First day of school pa man din!"
"Wait lang po! 5 minutes!"
"YURIKO MIKA FLINT!" hallaa ka. galit na si mama. kailangan ko nang bumangon . ganyan yan kapag galit na, tinatawag nako sa buo kong pangalan, kaya kung ako sayo. dapat mo nang sundin yan.
"opo! opo! babangon na!" no choice. kahit gaano ko kagustong matulog pa eh kailangan ko nang bumangon. mahirap na.
oh wait! nagpakilala na ba ako ng ayos? haha. sige mag kukwento ako habang nag p-prepair para sa school.
Ako nga pala si Yuriko Mika Flint, graduating student sa Ortox University. only daughter ako. may kuya ako, pero as of now, nasa States siya para bantayan ang iba naming business. 15 years old ako. 4th year highschool sa Orton University. Akala ng iba. porke mayaman kami, eh maluho na. na-ah! kahit naman mayaman kami, marunong parin akong magtipid. as much as possible nga eh di ako masyadong gagastos. saka lang naman ako gagastos kapag yung mga importanteng bagay ang bibilhin ko. kumbaga, ako yung taong simpleg mayaman. oh ayan! haha. may alam na kayo about sakin .
Pababa nako ng hagdan nang may naamoy akong mabango. hmmmmm. sarap! dumiretso nako ng kusina. naabutan ko dun si mama na kumakain na. kasama niya si papa.
"Good Morning Ma! Good Morning Pa!" sabay halik sa mga pisngi nila saka na umupo.
"Good Morning princess" sabi ni mama at papa habang nakangiti. ngumiti lang din ako habang kumukuha ng mga pagkain. bacon, my favourite.
*ding-dong!*
Nagulat ako nung may nag doorbell. halla ka. baka si Max na yan. yung kababata ko. at hindi nga ako nagkakamali.
"Good Morning tito at tita" yan si Max Lopez. kababata ko yan. since elem kasi magkasama na kami. not to mention pareho kaming nag ta top. minsan top 1 siya, tapos ako top 2 . minsan naman ako ang top 1, tapos siya naman ang top 2 . ganyan lang ang buhay namin. salitan kumabaga sa pwesto. haha
"Sige ma! pa! alis na po kami ni Max" sabay halik sa mga pisngi nila. at umalis na kami. sumakay kami sa kotse niya. haha. minsan nga napag kakamalan pa nilang magkasintahan na daw kami, kasi ang perfect daw namin, parehong matalino. tapos palagi din kaming magkasama, since pareho lang naman kami ng section. pareho kaming nasa section A.
Pagdating namin sa school, dumiretso na kami sa school grounds kasi for sure orientation nanaman to for the freshman students.
"Yumi!" napalingon ako sa tumawag sakin. ahh. sila Athena Smith at Kate Lee. my bestfriends. sinalubong agad nila ako ng yakap
"Hi girl! we've missed you" tapos lumingon sila kay Max "Hi Max"