- Cassie -
"eto na yon, the time I leave my home... jusme college sa ibang bansa nababaliw na ba ako???" napa singhal ako "oo, jusko nasisiraan na nga talaga ako" pabalik-balik akong naglalakad sa loob ng kwarto habang nangongolekta, at nag-iimpake ng mga dadalhin ko sa America. Patuloy ko na kinakausap sarili ko at kwine-question mga desisyon ko. Natigil lang ako ng biglang tumunog ang laptop ko at lumabas ang pangalan ni Cayla sa screen, agad ko naman sinagot at bumungad agad ang mukha ni Cayla "Cassie?! jusko di ka parin tapos mag-impake??? bukas na flight mo" mabilis na sabi ni Cayla. "Ha? patapos na wala na nga nakakalat na gamit eh" sagot ko naman habang kinokolekta at pinagsisiksikan lahat ng gamit at wala na pake kung magusot at di maayos ang pagkakalagay. "Hayst ewan ko sayo sige mag-ayos ka na" sagot ni Cayla na halatang di naniniwala, napatigil ako at biglang napaharap kay Cayla "Cay ewan ko kung kaya kong umalis na hindi nagpapaalam kay Van..." nakatulalang sabi ko. Napahawak ako sa mukha habang si Cayla hindi alam kung ano ang isasagot. Matapos ang ilang minuto ng katahimikan nagsalita si Cayla "puntahan mo Cas..." napaangat ako ng tingin "puntahan mo, alam kong gusto mo siya at mas masasaktan ka lang kung aalis ka ng walang paalam, tapos ka na din naman mag-impake. Gamitin mo na yung natitirang oras para makasama si Ivan" dugtong niya.
Tumayo ako at nag-ayos ng mabilisan sabay kumaway at pinatay ang tawag. Agad ko naman tinawagan si Ivan. Hindi pa natatapos ang pangalawang ring ay sumagot na siya. "Cas! namiss kita kamusta???" gulat na natutuwang sagot at bati ni Ivan, ang di niya alam eto na ang huling usapan at sama namin... "Van, usap tayo? kita tayo sa tindahan... medyo umm seryosong usapan kasi toh..." nagpipigil ng luha na sabi ko. Agad namana na pumayag si Ivan na makipag-kita. Kinakabahan nga lang ang tono ng boses niya pagkasagot, wag kang mag-alala Van kasi ako din kinakabahan kung tama ba tong gagawin ko.
Eto naghihintay na ako ngayon sa tindahan, mas malapit lang talaga ako kaya ako ang nauna. Ilang minuto ang nakalipas nakita kong paparating na si Ivan, naka itim na shorts, asul na damit, at puting sapatos... simple lang. Nginitian ko siya ng masakit, ati binalik niya naman ang ngiti. "Oh kamusta na? bakit namumula mata mo? may umaway ba sayo? may sumakit ba sayo?" sunod-sunod na tanong niya habang hawak ang magkabilaang pisngi ko at pinagmamasadan mukha ko. Agad ko naman pinalo ang kamay niya at tinulak siya ng mahina "Ano ba napaka lapit mo, baka may makakita satin" inis/iritang sabi ko. "Luh ngayon na nga lang tayo nagsama ulit tapos ganyan?" nagpapa-cute na sabi ni Ivan, yinakap ako at kung ano-ano na ang sinabi "jusme teka nga di ko pa nga nasasabi lahat ng sasabihin ko tapos ganyan ka agad???" pumipiglas na sabi ko.
Naglalakad na kami habang si Ivan nakayakap parin "Vannn bitawwww" reklamo ko. "Ayaw koooo sabihin mo sasabihin mo habang ganto" sagot ni Van. Naglakad kami papuntang ministop para bumili ng Ice Cream, ang lagi naming ginagawa tuwing magkasama kami... "so umm aalis na ako bukas" sabi ko habang nakatingin sa gilid. Hindi ko kayang tumingin sakanya at baka di ko mapigilan luha ko, "kelan ka babalik? mabilis ka lang ba?" tanong ni Ivan. "Van, hindi eh.. doon na ako" sagot ko di na napipigilan ang pag patak ng luha. Lumingon ako kay Ivan at nakitang namumula na ang mata "HOY BAKIT KA UMIIYAK!" sigaw ko sakanya, agad din naman akong tumayo at lumipat sa tabi niya para yakapin siya "Hoy wag kang umiyak madami ka naman mga kaibigan eh madami kang mapupuntahan" sabi ko habang nakayap at hinaplos ang likod niya, ramdam ko ang mga patak ng luha niya sa balikat ko. Naririnig ko din ang mahihinang hikbi niya. "Ayoko don, di naman ikaw sila. hindi naman nila ako iniintindi katulad pag ikaw" naiintindihan ko naman kung bakit masama ang loob ni Ivan pero kailangan eh.
"ano oras flight mo? magkikita pa ba tayo bukas?" mahinang tanong ni Ivan. "Baka hindi na.. magpapakabuti ka ha? wag ka makikipag-away kahit kanino. Hayaan mo sila" pag papaalala ko. Late na nung umuwi kami pasado alas dose, di na namin namalayan ang oras. Hinatid ako ni Van sa bahay at bago ako pumasok ay humarap ako kay Ivan at yumakap ng mahigpit di na napipigilan ang patuloy nag pag patak ng luha. Yumakap pabalik si Ivan at nagsimulang umiyak din, mukha kaming tanga pero sa puntong toh wala na akong pake. Bumitaw ako at pinunasan ang mga luha ni Ivan "Tama na kaya mo toh, pagpatuloy mo mga panagarap mo ah?" nagbitaw ako ng mahinang tawa. Tumango lang si Ivan at di na makapag-salita "tama na kakaiyak Van.. sige na bye mag-iingat ka lagi" ngumiti siya at naglakad na palayo. Pag pasok ko sa kwarto ay di ko na napigilan at sunod-sunod na pumatak luha ko.
ESTÁS LEYENDO
Complicated
Ficción GeneralThe question is will this story be written in tagalog/filipino or english okie? Naguguluhan din ako its sounds cringey but I also don't know how to word it properly but I wanna keep it as close as the original story it's based on.