Prologue

35 2 1
                                    

8 years ago

Eto nanaman ako nagtatago sa gilid ng garden at pinapanood siya mag laro ng bola nya minsan naiisip ko na mag give up nalang pero sayang kase ang dami ko nang nagawa ngayon pa ba ko susuko may panibago nanaman akong sulat na ginawa para sa kanya lumapit ako sa kanya at magkaharap na kame...

"raven" bati ko sa kanya

"ano nanaman ang kelangan mo bata?" sambit nya na may pagka irita

inabot ko sa kanya ang sulat na ginawa ko.

"hanggang ngayon pala hindi mo padin ako kilala pero ayos lang sana ngayon basahin mo na yung sulat na ginawa ko para sayo ah! pinagpuyatan ko kasi yan eh mahalaga yan para sakin"

"hahahahahaha" tawa nya "ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag ka nang magsayang ng oras saken kase hindi talaga kita gusto ang panget panget mo kaya!! tapos ang lagkit lagkit pa ng buhok mo muka kang tindera ng isda!"

nangingilid na ang mga luha sa mata ko pero pinipigilan ko itong bumagsak pero kahit anong pagpipigil ko wala padin tuluyan na tong bumagsak na parang nag uunahan pa sa pag bagsak kaya dali dali ako tumakbo palalayo ang gusto ko lang maka layo sa malayong malayo malayo sa kanya.

ilang linggo na din akong hindi pumapasok sa school ang sakit sakit padin. hanggang ngayon tandang tanda ko padin yung mga sinabi nya.. paulit ulit sa utak ko.

"ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag ka nang magsayang ng oras saken kase hindi talaga kita gusto ang panget panget mo kaya!! tapos ang lagkit lagkit pa ng buhok mo muka kang tindera ng isda!"

hanggang ngayon tanda ko pa din kahit ilang linggo na ang nagdaan..

makaka move on din ako

makakaganti din ako

this time hindi na ako yung iiyak

hindi ko na kayo hahayaang saktan pa ko

hindi na ko masasaktan
ayoko na
pagod na ko...

pagod na pagod.

*end of flashback*

naalala ko nanaman yon. ilang taon na ang nakalipas madami nang nagbago ngayon..

Ako si Tamara Hudson, Queen Bee ng Kingdom High. Lahat ng gusto ko nakukuha ko. LAHAT. Lahat ng gusto kong paglaruan paglalaruan ko. wala sa vocabulary ko ang salitang love. kinalimutan ko na yon matagal na.

Bago pa ko maging senti nag drive na ko papasok sa school.

naglalakad na ko sa hallway..

"OMG!! ANG GWAPO NYA"
"SANA CLASSMATE KO SYA!!"
"ANONG SECTION NYA!!"
"ILOVEYOU FRITZ RAVEN PALLEJO!!"

at parang tumigil ang ikot ng mundo ko at bigla akong napalingon sa lalakeng nasa harap ko

"hi miss beautiful" sambit nya
nginitian ko sya ngiting hindi nya gugustuhing makita pa. napakunot naman ang noo nya at nagsalita ulit..

"omgee bagay sila" "oo nga sana sila na lang" "hindi pa na iinlove ang queen bee" dinig ko sa paligid

"i'm Fritz Rav-- " hindi ko na sya pinatapos at nagsalita na ako.

"Not interested" napatulala naman sya kaya naglakad na ako papalayo..

ang laki ng pinagbago nya. pero mas malaki ang pinagbago ko .. dahil sa kanya. napangiti nalang ako dahil sa tingin ko eto na ang tamang panahon para saken..

Raven ..

be ready..

papasok na ko sa room dirediretso ako at umupo sa pinaka dulo. dito na lang kase ang vacant eh. pumasok na din ang prof namin at nagsalita

"goodmorning students meet your new classmate mr. fritz"

at pumasok sya at nanlaki ang mata ko. at napangiti ng nakakaloko..

nagsalita sya "hi i'm fritz raven"

ang tipid nya magsalita ay naghanap na sya ng bakanteng upuan sakto naman sa tabi ko. good idea..

hindi na talaga nya ko naaalala. pero mas okay na yon mas maayos ang plano ko.

natapos ang second subject at nag ring na ang bell kaya naman nag ayos na ko ng gamit para pumunta sa canteen..

bigla nya kong nilapitan..
oo sya.. si raven nakatitig lang sya saken bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko. wrong move. ngumiti ako ng bahagya at mas lalo pa syang lumapit saakin. nilapit nya ang mga labi nya sa tenga ko

"oops got ya" ngumisi ako at kumunot ang noo nya. this time ako naman ang lumapit sa kanya at sinabing

"okay then?"

"ma fa fall ka saken sa ayaw at sa gusto mo one of these days you'll die for my attention" nanlaki ang mata ko

"try me" sambit ko.

She's a game changerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon