Linnea POV
Nang matapos kung kumain ay nagpaalam na ako kay Nay Belen at bumalik sa kwarto ko, halos isang buwan na akong nakakulong dito at gusto ko na makaalis pero naghahanap pa ako ng tyempo kung paano ko 'yon gagawin dahil ang daming mga bantay. At isa pa namimiss ko na si Hunter, kahit hindi naman maayos ang unang pagkikita namin ay ilang beses niya na akong tinulungan at iniligtas sa kapahamakan. Minsan dinadaan ko na lang sa iyak ang lahat ng nararamdaman ko.
Habang nakaupo ako sa kama ay bumukas ang pinto at pumasok si Aiden, hindi na ako nag aksaya pang tingnan siya.
"Why are you crying? May masakit ba sa'yo? Tell me." bakas sa kanyang boses ang pag aalala.
Hindi ako nagsalita na nanatiling nakayuko lang, hindi ko naman pwedeng sabihin na dahil sa namimiss ko si Hunter kaya ako umiiyak.
"I know you miss Hunter already kahit hindi mo man 'yon sabihin ay alam ko. Let see if what will Hunter's choose. Kung talagang mahal ka niya he will sacrifice everything." anas nito na ikinatingin ko naman sa kanya.
"I like you Linnea, alam kung mahirap paniwalaan 'yon dahil sa mga ginawa ko sayo pero 'yon ang totoo. Hindi ko alam kung kailan o paano nangyari 'yon. Inaamin ko na una plano ko lang talaga na gamitin ka laban kay Hunter at hindi ko inaasahan na magkakagusto ako sayo, akala ko kapag nakasama mo ako ng matagal ay magkakaroon ka din ng feelings sa akin pero mukhang nagkakamali ako. Siguro kung nakilala lang kita sa ibang pagkakataon o kaya ay mas nauna kitang makilala kaysa sa kanya ay baka mahalin mo ako." dagdag niya pa, bakas sa kanyang boses ang lungkot at sakit.
"Aiden.." sambit ko sa kanyang pangalan.
"You don't need to say anything Linnea, it's okay. I know you love him at wala akong magagawa sa bagay na ''yon. Talo pa rin ako sa lahat ng bagay pagdating sa kanya. Kahit anong gawin ko ay hindi ko kayang manalo kay Hunter." nakita kung tumulo ang kanyang luha.
Hindi ko alam na nasasaktan ko na din pala siya ng hindi ko man lang nalalaman, akala ko talaga ay wala siyang pakialam sa akin. Pero totoo nga kaya na mahal niya ako or because of his desire.
Ang hindi mawala sa isip ko ngayon ay ang sinabi ni Aiden na mamili si Hunter, ano kaya ang hinihingi nito sa kanya?
Hunter POV
"Kamusta na ang pinapaayos ko sayo Dane?" tanong ko sa kanya.
"Nandito na lang lahat ng mga kailangan mo, pero sigurado ka na ba sa desisyon mo? Baka nagpapadalos dalos ka lang." aniya.
"Sigurado na ako Dane, wala akong ibang hinahangad kung hindi ang kaligtasan ni Linnea. I need to save her no matter what happen, kahit pa mawala sa akin ang lahat o walang matira sa akin basta mabawi ko lang siya. Ako ang dahilan kung bakit siya kinuha ni Aiden kaya kailangan ko siyang mabawi ulit sa kahit anong paraan. Hindi ako papayag na masaktan pa siya o may gawin sa kanyang masama ang lalaking 'yon." seryoson turan ko.
"Ang sa akin lag ay pag isipan mo ng mabuti muna 'yang desisyon mo at baka sakaling magbago pa ang isip mo, hindi lang si Linnea ang babae sa mundo at marami ka pang makikita. You don't need to risk everything you have just to save a woman. Ilang taon mong pinaghirapan ang kung ano man ang meron ka ngayon."
"Sigurado na ako sa desisyon ko ibibigay ko ang gusto ni Aiden kapalit ni Linnea. Kahit na ako ay hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko ito ginagawa at kung bakit ipagpapalit ko ang mga pinaghirapan ko para lang sa isang babae, pero sa ilang buwan na kasama ko siya ay masasabi ko na mahalaga siya sa akin at hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sa kanya. I will save her at all cost." wika ko at tumingin ng seryoso kay Dane. "Don't worry about it, may plano ako." dagdag ko pa.
Alam kung nag aalala lang sa akin si Dane, simula ng binuo ko ang kompanya ko at iba ko pang mag ari arian ay siya na ang kasama ko, hindi lang siya basta sekretarya sa akin dahil kaibigan ko din siya. Mayaman at may mga business din siya pero mas pinili niyang magpaka sekretarya sa akin, hindi ko nga alam kung anong trip nito sa buhay.
"Kung 'yan ang desisyon mo ay susuportahan kita. May tiwala ako sayo." huling sinabi niya bago umalis sa harap ko.
Nang makalabas siya ay agad kung tinawagan ni Aiden, kailangan kung mabawi si Linnea sa lalong madaling panahon. At isa pa kailangan ko munang makasigurado na nasa maayos na kalagayan si Linnea.
Kilalang kilala ko si Aiden at alam ko kung ano ang nasa isip niya at hinanda ko na din ang sarili ko. Kung matalino siya ay mas matalino ako. Mayamaya pa ay sinagot niya na din ang tawag ko. "Where is Linnea?" agad kung tanong sa kanya.
"She's here beside me."
"How is she?" tanong ko ulit.
"You don't need to worry, nasa mabuting kalagayan siya."
"Naayos ko na ang mga hinihingi mo, siguraduhin mo lang na susunod ka sa usapan Aiden." seryosong turan ko.
"Good to hear that, send it to me as soon as possible."
"I won't sent it to you. Gusto kung ibigay sayo ng personal kasabay no'n ay ang pagbawi ko kay Linnea." diretsong saad ko.
"Hindi ka pa rin nagbabago kahit kailan, tuso ka pa rin mag isip."
"Just be sure na tutupad ka sa usapan at ibabalik mo si Linnea dahl hindi ako nakikipag biruan sayo Aiden, ibibigay ko ang gusto mo kapalit niya." seryosong sambit ko.
"I can't believe that you will do this things because of a woman. You really love her and you're willing to lose everything just to save her. I will text you the address kung saan mo dadalhin ang mga papeles be sure na dala mo ang lahat ng hinihingi ko kung gusto mong makita si Linnea." huling sinabi niya bago ibaba ang tawag.
Napabuntong hininga na lang ako nilapag ang phone sa mesa, konti tiis na lang Linnea at mababawi din kita sa kamay ni Aiden. Hindi na ako papayag pa na makuha ka niya ulit sa akin magkamatayan man. Ako ang nagdala sa'yo sa sitwasyon na ito kaya ako din ang magliligtas sayo.
Tumayo na ako at lumabas para puntahan si Dane na kinakausap sa iba pa naming tauhan, kailangan ko magkasama kapag pumunta ako kay Aiden, alam kung tuso siya at hindi pwedeng mag isa lang ako pumunta.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 1 : Hunter's POSSESSION (COMPLETE)
RomanceSi Linnea Georgia Villareal, bata pa lang ng maulila kaya ginawa niya ang lahat para makapagtapos ng pag aaral at makahanap ng trabaho para mabuhay ang kanyang sarili. Isa lang ang hangad niya 'yon ay magkaroon ng maayos at normal na buhay, pero sa...