Chapter 22

1.8K 30 0
                                        

Aiden POV

Ilang linggo na ang lumipas simula ng makasama ko ulit si Linnea at nagtataka ako dahil wala man lang akong nabalitaan kay Hunter, imposible na wala siyang gagawin para makuha ulit ang babaeng 'to o baka naman may plano siya ng hindi ko lang nalalaman.

Ginawa ko na ang lahat para makuha ang puso ni Linnea pero hanggang ngayon ay mukhang walang epekto sa kanya. Alam kung si Hunter ang mahal niya at hindi ko mapapalitan ang bagay na 'yon. Nakakatawang isipin na natalo niya na nga ako sa lahat ng bagay pati pala sa babaeng mahal ko, sabagay sila naman talaga ang unang nagkakilala at bigla lang akong pumasok sa eksena. Masakit para sa akin dahil alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat pero mukhang hindi pa rin sapat, mahirap talaga magmahal ng taong may mahal ng iba. Mahirap sumugal sa taong iba ang sinusugalan. Alam ko naman na sumama lang sa akin si Linnea para pilitin ako na hayaan na sila ni Hunter sadyang ako lang talaga ang nagmatigas, kaya niya talagang gawin ang lahat para lang sa lalaking 'yon.

Marahil ito na nga ang senyales para ibalik ko na siya sa totoong mahal niya at mahal din siya. Alam kung naging masama ako pero nagmahal lang naman ako ng babaeng kahit kailan ay hindi magiging akin dahil pagmamay ari na siya ng iba.

"Ang lalim yata ng iniisip mo iho." boses ni Nay Belen.

"Hindi naman po, may mga bagay lang ako na pinag iisapan." sagot ko naman.

"Tungkol ba 'yan kay Linnea?"

Tumango naman ako. "Nakapag isip na ako Nay, kailangan ko na siyang ibalik kay Hunter, hindi ko naman mapipilit ang isang tao na mahalin ako lalo na kung may mahal itong iba." ani ko.

Hinawakan naman nito ang balikat ko. "That's right, do the right thing Aiden. Alam mo sa sarili mo na ginawa mo na ang lahat pero hindi si Linnea ang nakatadhana sayo. May darating din na babae na kayang suklian ang pagmamahal mo. Ang pagmamahal ay hindi pinipilit o inaagaw, kusa itong darating kung nakalaan talaga para sayo."

Hindi na ako nagsalita pa at nagpaalam naman si Nay Belen na aalis muna. Bumuntong hininga muna ako ng ilang beses bago naglakad para hanapin siya. I need to talk to her. Nakita ko siyang nakatayo sa veranda habang hawak ang isang baso na may lamang gatas. Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa braso. "Linnea." tiningnan ko siya ng seryoso.

"What do you want Aiden?" tanong niya sa akin.

"You need to fix your things." saad ko.

Tinaasan niya naman ako ng kilay. "At bakit? Papauwiin mo na ako?" tanong niya.

Tumango naman ako." Narealize ko na kahit anong gawin ko ay hindi kita kayang makuha sa kanya, hindi ko siya kayang palitan sa puso mo. Mahal kita Linnea, kahit alam kung mali ay hindi ko napigilan ang sarili ko. Mahal na mahal kita that's why I'm letting you go, para makasama mo na ang totoong mahal mo at nagpapasaya sayo." saad ko.

Kita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha, marahil ay hindi niya inaasahan ang gagawin ko. Sa ilang linggo na kasama ko siya ay pinakita niya sa akin na hindi niya ako kayang mahalin. Mahirap pilitin ang taong may iba ng mahal, ayaw ko naman na maging selfish at sirain ang buhay ni Linnea dahil lang sa kagustuhan ko na makuha siya. Kung totoong mahal ko siya ay handa akong magparaya para sa ikakasaya niya.

Nagulat ako ng mabilis niya akong niyakap. "Thank you, Aiden."

"Lahat kaya kung gawin para sa kasiyahan mo Linnea at alam kung si Hunter 'yon. Pasensya ka na kung nasaktan kita dahil sa mga ginawa ko sayo. Hindi ko naman kasi akalain na mahuhulog ang loob ko sayo, ang unang plano ko lang naman ay ang paghigantihan si Hunter pero nakilala kita." saad ko.

"Alam kung hindi ka masamang tao Aiden at naiintindihan kita kasi nagmahal ka lang naman. Ganyan naman minsan ang pag ibig hindi natin namamalayan na nakakasakit na pala tayo pero wala na 'yon sa akin. Alam kung balang araw ay makikita mo din ang babaeng para sayo. Hindi ka mahirap mahalin."

Between Love and Vengeance (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon