Chapter 26

1.5K 19 0
                                    

Linnea POV

Nagising ako ng masakit ang ulo ko, ito na nga ba ang sinasabi ko eh kapag nasobrahan ako ng alak nagkakaroon ako ng hangover.

"Good morning." nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Hunter sa gilid ko.

Nanlaki naman agad ang mga mata ko. "What are you doing here?" I asked.

Natawa naman ito. "This is my room Linnea, natural lang na nandito ako." sagot naman nito

"Oh mygod!" bulalas ko at tinakpan ang mukha ko dahil sa hiya ng maalala ko ang nangyari kagabi at ang pinaggagawa ko.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Hunter. "You don't need to be ashamed. Honestly you are really good in bed. Hindi ko alam na nagiging wild ka pala kapag nalalasing" pang aasar nito kaya hinampas ko naman siya ng unan.

"Bwisit ka talagang lalaki ka, ipaalala daw ba 'yon" reklamo ko.

"Bakit naman? Totoo naman ang sinasabi ko, dapat pala palagi kitang lasingin para ikaw ang magyaya." halakhak pa nito.

"Nakakainis ka! Hmp." tumayo na ako para maligo, pero ang tarantado ay hinila ang kumot kaya nabalandra ang katawan ko.

"Ibalik mo nga 'yan sa akin." anas ko.

"Why? Mas maganda ang view kapag wala ito."

"Gago!" sigaaw ko at tumawa lang siya.

"You want this? Go get it. Baka mamaya pag nakita mo kung ano ang tinatakpan nito ay ibalik mo din sa akin ulit ang kumot." pang aasar niya.

Bigla ko naman naintindihan ang ibig niyang sabihin dahil wala din itong saplot. Kaya inis akong nag martsa papuntang banyo. Inis na inis ako sa pang aasar ni Hunter, ang aga aga ay ako na naman ang nakita niya.

Natural Linnea, ikaw ang kasama niya sa kwarto - kontra ng isip ko.

Naligo na lang ako para mawala ang sakit ng ulo ko. Siguro ako na kapag hindi pa ako umalis sa harap niya ay puro pang aasar lang ang gawin no'n sa akin. Gusto kung sampalin ang sarili ko dahil nagpakalasing ako. Nakakahiya talaga ako kapag gano'n, hindi ko alam kung anong ginawa ko pero sigurado ako na kung ano man ang nangyari sa amin ni Hunter ay kagustuhan ko 'yon o baka ako pa nga ang nag aya sa kanya. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang mukhang ihaharap ko sa kanya, hindi naman ito ang first time na may nangyari sa amin pero iba ngayon dahil alam kung naging pasaway ako kagabi.

Hunter POV

Nang makapasok si Linnea sa banyo ay agad din akong bumangon at nagsuot ng damit pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba para kumuha ng kape, naabutan ko si Aiden na nanonood ng tv.

"Ang aga mo yata magising." tanong ko sa kanya.

"Hindi naman kasi ako nalasing kaya maaga akong gumising, pinilit kung matulog ulit pero ayaw na talaga ng mata ko." sagot niya sa akin.

"Aiden, can you help me?" saad ko.

"Tungkol saan naman?

Bumuntong hininga naman ako. "Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko, gusto kung pakasalan si Linnea." wika ko.

Hindi nakaligtas sa akin ang marahan niyang pagtawa kaya pinandilatan ko siya ng mga mata. Hindi ko na tuloy alam kung tama ba na siya ang hingan ko ng tulong, sana pala ay si Dane na lang.

"You mean you want to propose? Hindi ko alam na ang isang Hunter Silvestre ay nahihirapan mag isip kung paano yayayain ng kasal ang isang babae. Mukhang bago 'yon ah, powedeng pang headline."

"I'm serious Aiden." inis na turan ko.

Agad niya naman itinaas ang kanyang mga kamay. "Chill lang, ang init naman agad ng ulo mo. Mamaya hindi ka niyang papakasalan."

"Not a good joke. Wala ka talagang kwentang kausap." naiiritang wika ko.

"Kailangan mo lang naman ipakita at iparamdam sa kanya na totoo ang atensyon mo sa kanya at mahal mo siya."


"Yow fucker! Anong meron?" sabay kaming napatingin sa kararating lang na si Dane.

"May problema kasi 'tong gago." saad ni Aiden.

"Ano naman 'yon? Kailan pa nagkaproblema 'yan?" sinabi naman sa kanya ni Aiden ang tungkol sa tanong ko.

"Hindi ko na itatanong kung sino ang babae dahil alam ko naman na, saksi ako sa pagpapakabaliw mo sa kanya at alam ko na una pa lang na seryoso ka do'n." wika ni Dane.

"Finally may nakapagpalambot na din sa puso niya." nakangising sambit ni Aiden.

"Tigilan niyo nga akong dalawa, hindi nakakatulong ang mga pinagsasabi niyo." singhal ko sa kanila.

"So anong plano mo ngayon? Kailan ka magpopropose?" tanong ni Dane.

"Iyan nga ang pinoproblema niya pre, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya at kung paano ito ipaplano." si Aiden na ang sumagot.

"Hindi naman kasi pwedeng buntisin mo siya, ang labas no'n napilitan ka lang pakasalan siya dahil sa bata kaya hindi malabo na 'yon ang maisip niya." saad ni Dane na agad ko naman sinang ayunan, ayaw ko naman na buntisin siya dahil hindi pa namin napag uusapan ang bagay na 'yon.

"May plano ako." singit naman ni Aiden kaya napatingin ako sa kanya.

"What is it?" tanong ko.

Sinabi niya naman sa amin ang kanyang naisip, no'ng una ay nagdadalawang isip pa ako pero kalaunan ay pumayag na din. Siguraduhin lang talaga ni Aiden na papayag si Linnea dahil kapag hindi ay siya ang una kung ililibing ng buhay.

"Sigurado ka ba na gagana 'yang plano mo?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman, anong akala mo sa akin palpak? Sigurado naman akong mapapasagot mo siya, imposibleng hindi eh halata naman na mahal ka din niya."

"Siguraduhin mo lang talaga Aiden dahil mapapatay talaga kita kapag nagalit siya sa akin." saad ko.

"Mas maganda nga ito kasi para kakaiba naman na proposal at isa pa ikaw si Hunter Silvestre hindi ka naman mahilig sa romantic o sweet na galawan. Mas maganda nga itong scene."

"Paano ba 'yan pre, kailangan mo na yata magdasal na maging successful ang lahat. Hindi ka nga natuluyan ng ibang tao pero sigurado akong kay Hunter matutuluyan ka na talaga." natatawang anas naman ni Dane.

"Tumutulong na nga ako diba? Mas maganda naman kasi talaga ang plano ko, ang unique pa nito. Hindi tulad ng ibang proposal na paulit ulit na lang ang scenario kaya nakakasama na."

Hindi na lang ako umangal dahil pumayag naman na din ako, may tiwala naman ako kay Aiden kahit na gago siya. Alam ko naman na hindi niya ipapahamak si Linnea.

Billionaire's Series 1 : Hunter's POSSESSION (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon