Chapter 1

595 11 0
                                    

Nakaraan~

"Lumabas kayo!! Magpakita kayo! Hindi ko kayo titigilan hanggang 'di 'nyo ako hinaharap! Mga kampon kayo ng dimonyo! Lumaban kayo nang patas!'', sigaw ni Elsa sa bahay nang mag-inang Magda, at Ursula. Nasa ika-pitong buwan na ang tiyan nito. Palagi kase 'syang nakakaramdam na may nagkukutkot sa bubungan ng bahay nila. Kaya minabuti 'nyang sugurin ang mag-inang napabalitang may lahing asuwang. Kahanay ito ng bahay nila, lumigta lang ng isang bahay, at ito na.

Matapang si Elsa na sumugod doon, pagkat may sikat pa naman ang araw.

Wala ang kanyang asawa, at nasa trabaho ito.

Patuloy ang pambabato 'nya sa bahay ng mag-ina pero, parang wala namang tao doon.

At nang mapagod ay bumalik na 'sya sa kanilang bahay.

Nabawasan kahit pa'nu ang kanyang nararamdaman galit mula pa 'nung isang araw.

Habang naka-upo 'sya sa kanilang balkonahe ay hinihimas pa 'nya ang tiyan. Gumagalaw ang anak 'nya sa loob nito. Nararamdaman malamang ang pinagdadaanan ng ina.

Kinagabihan isang malakas na palahaw ang narinig nila. Galing ito sa bahay nang mag-inang Magda, at Ursula.

"Innaaaaaay! Bakit mo ginawa ito?! Hu hu hu hu! Ba't mo ako iniwan? Hu hu hu hu!", panangis na sigaw ni Magda.

Naglabasan ang mga tao sa kalapit na bahayan. Kabilang na si Elsa. Na noo'y wala pa ang kanyang asawa, at 'di dumarating.

"Huh, bakit? Anong nangyari?", bulungan ng mga tao.

Ang ilang kalalakihan ay umakyat na sa bahay ng mag-ina, upang tingnan kung anung nangyari kay Aling Ursula. At nagimbal sila sa nakita. Nakabitin ito sa loob ng bahay. May tali ng lubid ang leeg nito. Nangingitim na ang mukha nito, at ang mata nito ay nakatirik na kita ang lahat ng puti dito.

Pinanlamigan ng pakiramdam ang mga nakasaksi sa bangkay. Ang iba ay hindi kinaya ang nakita, kaya't madali ding nilisan ang bahay.

Ang mga nahabag naman ay pumasok nang tuluyan, inilabas sa balkonahe si Magda na panay pa rin ang iyak. At ang bangkay ni Aling Ursula ay pinatulunganan nilang maibaba.

Napa-antada naman ng krus ang mga nasa labas ng bahay. Kabilang na si Elsa.

Nang bigla itong magsisigaw.

"Waaaaaah! 'wag ang anak ko! Alisin mo 'yang kamay mo sa tiyan!''

"O, bakit Elsa? Anong nangyayari?", agap na dalo naman ng kumare niyang si Ason.

Pinalis pa muna ni Elsa ang kamay na humahawak sa 'tiyan 'nya.

"Mare, tingnan mo 'nga kung sino 'yang naka-upo sa harap ko!", sabi agad 'nya dito, na may pagka-nginig pa.

"Saan bang harap? Wala naman ah?"

"Hindi, meron eh! Ayan 'yung ulo oh?", sagot naman 'nya dito.

Bumitaw na ang kamay nito sa tiyan 'nya, at kumisap lang 'sya ng mga mata ay wala na ito.

"Namamalik-mata ka lang Mare. Halika na 'nga. Alis na tayo dito. Ihatid na kita sa inyo. Buti't namatay na ang salot!",aniya naman ni Ason sa kanya.

Hindi pa rin makalma ang pakiramdam ni Elsa.

Bakit gano'o? Sino ba ang tao na 'yun? Bakit hindi nakita ni Mare? Eh ako nakita ko 'yung ulo 'nya, nakaupo talaga sa harap ko, tapos 'yung mga kamay....? Diyos ko po, ano bang kababalaghan 'yun?

"O, Pare, nakauwi kana pala. Heto't hinatid ko na sa Mare, baka kung mapa'nu pa, eh? May naglalaro 'ata 'dyan? Pausukan mo ng ensenyo. Baka mabati 'yang anak 'nyo? At laging maglagay ng asin sa bintana, at pinto. Magsaboy din kayo sa palibot ng bahay 'nyo ng pinaghalong abo ng insenso, at asin. Para mataboy ang mga hindi nakikitang nilalang."

"Naku, ba't ano bang nanyari Mare?

Halika nga, Ma', ba't kase lumabas ka pa, eh, gabi na?! Yan na naman. Ayaw mapirmi dito sa bahay!"

"Hay, naku Pa', naman, eh, pumunta lang ako 'dun kina Ursula. Patay na pala! Nagpakamatay. Buti nga."

Natahimik naman ang asawa 'nya. Parang nabigla ito.

Hindi lingid sa asawa kase nito, na may lihim 'syang relasyon kay Ursula. Nakipagkita pa ito sa kanya, kaninang umaga, sa may batis. Masaya pa sila nitong nagtampisaw sa init na kanilang mga katawan. Akala 'nya'y naintindihan na nito ang sitwasyon 'nya, at naging kontento nalang sa kung anung atensyon ang maibibigay 'nya. Subalit nagkamali pala 'sya.

Sino ba namang hindi tatanggi, kung palay na ang 'syang lumalapit 'sa'yo. Syempre, madadarang ka talaga. Lalo na't may kagandahan din ang katawan ni Ursula. Maputi ito na parang labanos. Ang anak-anakan nitong si Magda, ay ampon 'nya lang. Mula nang mapatira sila sa barrio na 'yun, ay ilang buwan lang ang lumipas, at panay pagpaparamdam na ng babae na may gusto ito sa kanya. Tuwing madadaan siya sa harapang bahay nito ay sinasadya talaga nitong, naka-upo ito doon, at halos ang damit nito ay makita mo na ang mga itinatago dapat.

Ilang linggo din 'syang nagpigil 'nun. Natatandaan pa 'nya. Lagi sa imahinasyon 'nya ang babae. Ito ang kanyang pinagpaparausan, at pinagpapantasyahan.

Hindi pa 'nya magamit ang misis 'nya, pagkat buntis ito.

At nang magkaroon nga siya ng pagkakataon ay palihim 'nyang pinasok ang bahay nito. At prente. Ito lang ang naroon. Ang anak nito ay may pinuntahan. Nakita 'nya itong may ginagawa sa lababo. Ingat na ingat ang mga hakbang 'nya na. . . .

Anong koneksyon ng mag-ina kay Jessica?

At sino ang humawak ng tiyan ni Elsa?

ABANGAN ANG NEXT CHAPTER. . . .

"CURSE LENS"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon