Untitled Part 9

239 8 0
                                    

Chapter 9

Halos madurog ang damdamin ng mga magulang ni Janice. Hindi nila inaasahan ang ganito.

Nag-iisa pa naman nilang anak ito, ngunit bakit gano'n ang nangyari.

Pina-autopsy nila ang bangkay nito, at lumabas na walang foul play na naganap.

Lahat ay aksidente.

Ang hindi lang nila maipaliwanag ay kung paano pa ito nakapag-lakad sa buong bahay, gayong patay na ito.

Sa bahay naman ng kaibigan niyang si Martin ay malakas na sigaw, at pag-iyak ng kanyang ina ang maririnig.

"Marrrtiiin, anak ko! Huhuhuhu! Bakit iniwan mo kami agad, anak, huhuhuhuhu! Pa'no na si Mama, huhuhuhu!", ani pa nito sa pagitan ng pag-iyak.

Sarado ang kabaong nito, dahil beyond recognition ang hitisura nito.

Halos madurog pa ang ulo nito, at naputol pa ang binti nito sa lakas ng impact, nang bumangga ang katawan nito sa yero.

Nahila pa ito sa truck kung saan nakatusok ang ulo nito sa isang tubo na sakay niyon.

Lumikha ng napakalaking aksidente sa lansangan ang pagkamatay nang kaniyang anak.

Halos mabaliw ito nang makita ang bangkay nang anak sa morgue.

Ang asawa naman nito ay commatose sa pagamutan.

Kung alin nalang ang kanyang aasikasuhin, sa kanyang mag-ama.

Buti nalang, at pinuntahan siya ng mga kapatid niya. Kahit pa'nu may umalalay dito.

Sa isang iglap nawalan siya nang anak.

Marami pa sana sila nitong pangarap.

Subalit wala na. Isang malaking dagok iyon sa pamilya. At hindi niya alam kung kailan niya matatanggap ang lahat.

Kamuntik pa ang kanyang asawa.

. . . . . . . . .

Makalipas ang ilang araw na pamamalagi ni Jessica sa pagamutan. Napagpasyahan na nang mga magulang niya na iuwi siya. Tuluyan naman nang gumaling siya. Bagamat minsan ay may mga nakikita pa rin siya sa kang paningin, ay hindi na gaanong grabe.

Nang makauwi, ay derecho siya sa kanyang kwarto.

Nag-bihis, at agad na tinawagan ang mga magulang ng kaibigan niyang si Janice.

Makikibalita siya sa mga ito.

Nagri-ring pa ang kabilang linya.

Ni walang sumasagot.

"tsk, tsk! Bakit wala sila tito?", tanung niya sa sarili.

Nag-try ulit siya sa pangalawang pagkakataon.

"Naga-ring naman ah? Bakit walang tao, du'n?", aniya pa sa sarili.

Naka-walong ring na'y ni walang sumasagot dito.

Ibaba na sana niya nang marinig niyang umangat ang linya sa kabila. Ibig sabihin may dumampot ng auditibo dito.


"Hellow!",aniya.

Katahimikan...

Naririnig niya ang pag-hinga sa kabilang linya. Subalit, hindi ito nagsasalita.

"Hellow, tito' andiyan ba kayo? Please sagutin nyo naman. Kamusta po ang libing ng kaibigan ko. Pa—", naputol ang iba pa niyang sasabihin nang pag-bagsakan siya nito ng telepono.

Umugong iyon sa kanyang tenga.

"Aray!", mahinang usal niya, dahil parang sumanog sa kanyang pandinig ang malakas na pagkaka-bagsak nito.

"Anong problema no'n? Bakit para silang galit?", bulong pa niya sa sarili.

Subalit sa bahay ng kaibigan niya'y walang katao-tao, dahil nasa sementeryo ang mag-asawa, pati na ang katulong.

Sinong sasagot doon.

Isang nakabibinging sigaw ang pumailan-lang sa katahimikan ng bahay.

Sa loob lang iyon maririnig, na wari'y nang-galing sa ilalim ng hukay.

. . . . . . . . .

Biglang humangin ng malakas sa loob ng kwarto ni Jessica. Naalarma siya sa nangyayari. Bumibilis na naman ang pintig ng kaniyang puso, at saglit pa'y nag-iba ang kanyang paligid.

Wala na siya sa kaniyang kwarto, kundi nasa sementeryo.

Anung ginagawa niya bigla doon!

Parang may kumu-kontrol na naman ng mga paa niya na maglakad.

Sa 'di kalayuan ay nakita niyang may inililibing.

At napatda siya sa. . . .


"CURSE LENS"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon