Chapter 8

261 10 0
                                    


"Hindiiiii!" pero siya lang ang nakarinig niyon.

Halos tumirik ang mata ni Jessica sa kwarto kung nasaan ito. Nagkakagulo ang mga nurse, at doktor na sumusuri sa kalagayan nito.

Mabilis ang heartbeat niya, pero sa monitor ito ay mabagal.

Kitang-kita nang mga mata ni Jessica ang nangyaring malagim na sinapit ng kaibigan niya na si Martin.

Tinamaan ito na bakal sa tubo sa ulo, at derecho ito na tumagos sa kanyang mukha. Pipilig-pilig pa ito. Nag-stop ang truck, at nag-mamadali sana na bababa ang driver, kaso umandar na naman ito nang kusa.

Dahil hindi pa tuluyang natatanggal ang pagka-tali ang mga bakal na tubo ay kasama iyon na dinala ng truck, at si Martin ay naglambitin doon, habang nakapasak ang tubo sa kanyang ulo.

Hinabol naman iyon ni Jessica, subalit nakita niya si Janice nakatayo sa kabilang parte ng kalsada, at nakatawa ito sa kanya.

Napakaputla na ng katawan nito. Ang damit ang nakuku-lapulan ng dugo.

Palapit ito sa kanya. Napaatras siyang bigla. At tatakbo na sana pabalik sa hospital kung saan siya galing kanina, ay isang katawan naman ang kanyang binanggaan.

Pag-tingin niya rito, ay nanlaki ang mga mata niya sa takot. . . .

"Waaaaaah! 'wag kayong lalapit, please! Hu hu hu!",aniya, at sigaw.

"Ha ha ha ha!", narinig ni Jessica na may tumatawa.


Pumihit siya sa gawing kanan na tagiliran niya, at nakita niya ang isang babae. Naka-damit iyon ng ito na bestida.

Itim ang labi, at napaka-kapal nang kilay.

Ang itim sana sa mata nito ay kulay abuhin.

Nakakatakot ang mga titig nito sa kanya.

Animo'y dahil dito, kaya't gumagalaw ang mga kaluluwa ng kaibigan niya.

"ha ha ha ha ha! Malapit na ang itinakda! Maniningil na ako! Ha ha ha ha!", wika pa nito, at biglang naglaho na ito na parang bula. Maging ang kanyang mga kaibigan.

Saglit pa'y may narinig siyang tinatawag ang kanyang pangalan.

"Jessica! Jessica! Gumising kana anak, please, hu hu hu!", ang inay pala niya iyon. Humahagulhol na nang pag-iyak.

Ang Daddy naman niya ay nakita niyang nasa likuran nito, at hinahagod ang likod ng asawa.

"Ma!", malamyos na tawag niya dito.

Napalingon agad ito sa kanya, at hinaplos ang kanyang buhok.

"Anak ko, hu hu hu! Akala namin hindi kana magigising pa! Hu hu hu hu! Limang araw ka nang walang malay!", ani pa nito.

"What? A-Ang t-tagal naman!", aniya.

"Oo, anak ko. Kaya nga labis akong nag-aalala na sa'yo."

"Ma, sina Jessica, at Martin! Huhuhuhu!"

"Oo, anak. Bakit mo naman nalaman agad?", takang tanong nang kaniyang ina.

"Nakita ko sila sa aking panag-inip! Kung pa'no namatay, at may babae din akong nakikita! Hindi ko siya kilala. May mga sinasabi siya sa akin!"

"Ano? Pa'no nangyari iyon?"

"Oo, Mama! Maniwala kayo! Nakita ko silang mamatay sa malagim na paraan, at ni wala akong nagawa, hu hu hu hu!"

"Masyado ka lang nag-iisip anak! Ipanatag mo ang isip mo, at mag-dasal ka.", ani Elsa sa anak.

Pero bumaling ito ng tingin sa asawa. At may ipinahihiwatig.

Si Jessica naman ay tahimik na umiiyak, habang inaalo ng ina.

Kinakabahan ito para sa kaligtasan ng anak.

Pakiwari niya'y may hindi magandang mangyayari pa.


Sa bahay naman nina Janice ay ganap nang nakaburol ang kanyang kaibigan.

Umabot pa nang four days, bago nakita ang bangkay nito. Dahil ang mga magulang, at katulong nila ay kasamang umalis.

Nadatnan nila ang anak na naliligo sa sariking dugo. Pana'y lapnos ang balat sa likod, at ang switch ng heater ay sumabog na, dahil sa tagal nang pagkaka-on nito. Mabuti nalang, at hindi ito pinag-mulan ng sunog.

Nagtaka lang sila kung bakit may mga footsteps sa buong bahay na dugo, pero nang siyasatin nila ang paa nang anak nila ay malinis ito. At pa'nong makakalakad pa ito, ay patay na nga ito.

Bago lang kase ang mga footsteps, at basa pa iyon.

Nangangamoy na nga ang bangkay nito sa buong bahay. At nasa state of decomposing na.

Kitang-kita nila nang ayusin ito nang pagkakahiga sa dating tayo.

Puro kihis na ang kalahating katawan na may mga lapnos. May ilang mga daga na rin ang nagtatago doon, at nanginginain.

Maging ang balat nito ay nangingitim na.

Ang mas nakapagpa-takot sa kanila ay ang mata nitong dilat na dilat pa, at animo'y gumagalaw.



"CURSE LENS"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon