Chapter 11: (PRE-FINALE)

242 8 0
                                    


"Jessica, anak! Kakain na tayo ng hapunan. Halika na!", tawag ni Elsa sa labas ng pinto nito.

Nagtaka pa siya kung bakit naka-lock iyon.

Hindi naman nagla-lock ng pinto ang anak niya kahit kailan.

"Jessica, buksan mo ang pinto! Anong nangyayari sa'yo? Bakit naka-lock ang pinto mo?",muling tawag niya sa anak.

Sa pagkakataon na iyon ay nababahala na siya, at kinukutuban ng masama.

"Tok tok tok tok!", sunod-sunod pa niyang katok.

Subalait walang nagbukas na anak sa kanya.

Nagmamadali siyang umalis sa may pinto, at bumababa. Kukunin niya ang duplicate key sa drawer sa may kusina.

Wala pa naman ang kaniyang asawa, at nasa opisina pa ito.

"O, Diyos ko, 'wag naman sana, po!", piping dasal niya.

Pabalik na siya sa kwarto ng anak nang makarinig siya ng mga nabasag na gamit sa loob nito.

Lalo siyang kinabahan.

Binilisan pa niya ang paghakbang.

At nang magkarating ay sinusian agad niya ang lock na pinto nito.

Pinihit agad ang seradura para mabuksan.

Subalit nagimbal lang siya sa nabungaran.

Basag ang ilang mga gamit sa kwarto.

Puno ng sariwang dugo ang bawat bahagi ng dingding.

At ang higit na nagpagimbal sa kanya'y ang kamay nang kanyang anak na may hawak na isang pares ng mga mata.

Napatutop si Elsa ng bibig.

Ibinaling niya ang paningin sa anak, at kitang-kita ng kanyang sariling mga mata ang kinalalagyan ng mata nito.

Bakante iyon. Ibig sabihin...

"O, hindiii! Anak ko, huhuhuhu! Bakit mo ginawa ito. Huhuhuhu! Anong problema mo anak? Bakit 'di ka nagsabi kay Mama?! Huhuhuhuhu!", panangis ni Elsa sa bangkay ng anak.

Niyakap pa rin niya ito, kahit malamig na ang katawan.

Sobrang hinagpis ang kanyang nadama.

Hindi niya akalaing, magagawa ito ng kanyang anak.

Sa kabilang kamay nito ay ang kutsilyong hawak.

Iyon ang ginamit nito.


Kasalukuyan namang papasok nang bahay nila si Nestor. Kadarating lang nito, at nadinig niya ang malakas na pagpalahaw nang kanyang asawa sa itaas.

Nagmamadali niyang tinungo iyon. Nagimbal din ito sa nakita.

Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari sa anak niya.

Nanlalambot ang tuhod niyang pumasok sa kwarto nito.

"Jessica! Anak ko!",mahinang usal niya sa sarili.

Naramdaman naman ni Elsa ang prisensya ng asawa sa kanyang likuran.

Binalingan niya ito, at yumakap dito.

Humihingi ng suporta, at lakas.

"Pa' ang anak natin! Huhuhuhu! Iniwan na niya tayo. Huhuhu!", panangis niyang sumbong sa asawa.

Tulala pa rin naman si Nestor, at hindi makapag-salita.

Nakaharap siya sa bangkay ng anak, at ang asawa niya ay nakatalikod dito na yakap siya.

Napaang pa siya nang makita ang kalunos-lunos na itsura nito, subalit nabigla siya.

Kusang gumalaw ang kamay nitong may hawak na kutsilyo.Tumayo, at derechon sanang sasaksakin sa likod ang asawa niya.

Ngunit napigilan agad niya ito.

"Ma'! Umiwas ka!",aniya

"malakas ito, unti-unting natatalo ang kanyang pagkakahawak dito.

"anak, 'wag mo gawin 'yan! Mga magulang mo kami!", sigaw ni Elsa sa nakatayong bangkay nang anak niya.

"Bwahahahaha, mga inutil! Nagbalik na ako Nestor! Ito na ang araw nang aking paniningil!", ani Bangkay nang anak nila.

Hindi iyon boses ni Jessica, kundi boses ni... Ursula!

"Ursula?!", gimbal na sigaw ni Elsa sa bangkay ng anak niya.

"Bakit ka maniningil? Anong kasalanan namin sa'yo?!",patuloy pa niya.

Tumingin itong muli sa kanya, na parang may mga mata.

"Ikaw, wala! Pero ang asawa mo, malaki!!!", anito.

Nagulumihan si Elsa sa mga nangyayari.

Nagtatanung na tumingin siya sa kanyang asawa, habang nakikipag-buno ito sa bangkay ng kanilang anak, na si Ursula ang may gamit.



"CURSE LENS"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon