Chapter 29

6.5K 168 2
                                    

"Kuya Kenneth here oh" maang na inabot ko ang mga papel na hawak ni Lemon.

"What's this?" Takang tanong ko dito.

"The Revised Business Proposal" Revised?
Kumunot ang noo ko sa sinagot ni Lemon.

"Ate Cathy order me to review the proposal that failed and revised it and do nescesary changes and do what I think is right and not damage the reputation of company you know and after I was done give it to you daw" mahabang paliwanag ni Lemon.
Tila di pa rin mag sink in sa utak ko ang sinabi ni Lemon.
Si Honey?

"Oh...Lemon thank you really...ahm why? How?" Di ko pa rin ma gets talaga ako na ang slowpoke.

"Welcome, at saka kay Ate Cathy ka magtanong ng why at how pinabago at pinaayos lang nya yang proposal daming error halos parang nilantad na nyan ang current status ng finances ng kumpanya kahit ako hirap na hirap eh inabot kaya ako ng magdamag dyan kaya magbebeauty rest muna ako" yun lang at nahiga na ito sa sofa at naglagay na eye mask sa mga mata nito.

"Ah okay pahinga ka muna" yun lang ang nasabi ko at tinignan ko na ang ginawang proposal.
Ilang sandali pa ay halos napapanganga na ako kasi parang di naman ito nirevised kundi parang new proposal na.
Wow naman ang galing talaga ni Lemon!
Napatigil ako sa pagbabasa ng tumunog yun cellphone ko.

"Hello?" Di na ako nag abalang tignan pa ang pangalan ng tumatawag busy ako dito sa pagbabasa sa mga papeles.

"Kennedy go to the my office now" maawtoridad na utos ng nasa kabilang linya.
Kumunot ang noo ko at tinignan ang pangalan na nakaregister sa CP ko.

"Pa?" Si Papa at di sya gumamit ng telephone kaya dinoble check ko pa.

"I'm waiting" yun lang at pinagpatayan na nya ako ng cellphone.
Naiiling na inayos ko ang mesa ko at maingat na tumayo para di ko magising si Lemon.

-----------------------------

Pagpunta ko dun ay agad na pumasok na ako at di na nag abalang kumatok pa.
Nakita ko si Papa na may kausap na matandang lalaki at may kasama syang siguro ay anak na babae,
malaki kasi ang pagkakahawig nilang dalawa.

"Dad?" Mahinang tawag ko dito.
Agad na lumingon ito sa akin pagkaraan ay nag excuse ito sa mga kausap nito.
Agad na nagtama ang mga mata namin ng dalagang kasama nila pero sa pagtataka ko ay namumulang nagbawi ito ng tingin mula sa akin.
Problema nun?
Pero katulad ng dati pinagwalang pakialam ko na lang.

"Kennedy mabuti naman at nandito ka na" agad na sabi ni Papa sa akin at mahinang tinapik ako sa balikat.

"Bakit po ba, may kailangan ba kayo Papa?" Takang tanong ko dito pero giniya nya na ako papalapit sa mga kausap nya.

"Kumpadre, here is your inaanak si Kennedy" nakangiting pakilala nito sa akin.
Nakatawang pinasadahan ako ng tingin ng kausap na lalaki ni Papa at maya maya pa ay niyakap ako nito at pagkaraan ay tinapik tapik ang magkabilang balikat ko.

"Aba'y ang laki na nang pinagbago nito ah ang mamasel na oh" pinisil pisil pa nito ang mga biceps ko. "Samantalang dati ay tingting na tingting pa at uhugin nun huling nakita ko itong inaanak ko"
May panunudyong wika pa nito.
Namumulang nagyuko ako ng tingin.

"Naku naman kumpadre aba'y hanggang ngayon pa pala'y mahiyain pa rin pala itong inaanak ko no?" Natatawang puna nito at ginulo pa ang nakagel na buhok ko.
Ano ako bata at kailangan pa na guluhin mo ang buhok ko? Anang isip ko.

"Naku kumpadre sinabi mo pa hala maupo muna tayo at nang makapag kwentuhan tayo nang maayos" ani ni Papa at pumunta na kami sa may sofa na kinaroroonan ng dalagang kasama nang Ninong ko raw,
Uupo na sana ako sa tabi ni Papa nang bulungan nya ako.

My Gold Digger WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon