Chapter 35

7.1K 199 2
                                    

"Mama wait!" Pigil ko sa mabilis na paglalakad ni Mama.

"What!" Sikmat nito sa akin.
Napabuga na lang ako nang hangin pagkakita na galit na galit na mukha ni Mama.

"Ma mainit ang ulo mo you need to cool muna at baka mahighblood ka at ang worst pa na mangyari ay naparalysed ka katulad nun napapanood natin sa TV" sabi ko dito at hinila ito papunta sa office ko saka pinaupo sa loveseat.

"Kennedy galit ako you know kung bakit kung sa tingin mo mananahimik lang ako sa isang tabi at hahayaan ko ang magaling na ama mo ang magdikta para sa iyo never yung na mangyayari!" Inis na sabi nito.

Pumunta ako sa may desk ko at
Kinuha ko ang ice tea na pinabaon sa akin ni Cathy kanina sa ice chest tapos kumuha ako ng plastic cup at nagsalin ako dito.

Hanga talaga ako sa asawa ko to think galing pa kami sa batangas and yet may spare time pa siya na ipagbaon ako nang lunch at ice tea.

"Ma oh inumin mo muna para marelax ka" sabay abot ko kay Mama ng ice tea.

"What's these?" Tanong ni Mama pagkaabot ko dito.

"Ice tea yata Ma"

"Bakit may Yata? Di ka sigurado ha Kennedy baka madumi to ha?" Napangiwi ako dito at napakamot na lang nang buhok ko.

"Ma naman malinis yan ano yata yan Chamomile tea with honey tapos may kasamang earl tea si Honey mismo naghanda nyan eh"

"Naniniguro lang ako Kennedy" sikmat ulit nito sa akin saka inumpisahan nang inumin ang ice tea na binigay ko.

Ilang sandali pa tila kumalma na ito.

"Ma...." alanganin na tawag ko dito.

"Hmm..."

"Totoo ba yun sinabi nyo kanina na half brother ko lamang si Jonas, na anak sya ni Papa sa ibang babae eto po ba yun minention nyo dati sa akin?" Maingat na tanong ko kay Mama.

".....Yes"

"I'm sorry Ma"

" At bakit ka nagso sorry?"

"Dahil sa ako po ang dahilan ng lahat nang ito kung sana di ako sinilang sa mundo na ito baka Ma may separate life kayo ni Papa, sya yun girlfriend nya nakatuluyan nya tapos po kayo baka nakahanap nang magmamahal po nang tunay sa inyo at di kayo babaliwalain" Malungkot na paliwanag ko dito

"Mahal mo naman ako di ba
Kennedy?"

"Of course Mama mahal kita!" Mabilis na sagot ko dito.

"Then it's enough di mo kailangan ng madaming tao para mahalin ka lamang pag nakaharap ka minsan tama na ang isang Anak na mamahalin ka nang tunay at walang makakaagaw para sa isang Ina and don't blame yourself" pinisil nito ang palad ko at nakangiting pinagmasdan ito.

"Gumawa kami nang mali dahil kahit nakalimot ang Papa mo at sinamantala ko naman alam namin na kailangan namin gawin ang tama at kahit anu pang mangyari di ako nagsisisi na isinilang kita look at you Mamang Mama ka na nakapangasawa ka nga nang di ko nalalaman" dagdag pa nito.

"Ma....."

"And I cannot allow anyone dare to cut your happiness even if is your father gagawin ko ang lahat kahit ang putulin ang ugnayan namin dalawa para sa yo" anito.

"Thank you Mama pero ayoko naman na humantong kayo sa ganito nang dahil sa akin if maaayos naman natin ito at makumbinse ang Papa na kalimutan na nya ang gusto nyang mangyari I hope magkaayos kayong dalawa kahit na di na mag work ang marriage nyo" ani ko dito.
Umiling ito at malungkot na ngumiti.

My Gold Digger WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon