Chapter 33

6.4K 179 5
                                    

"Umm...Kenneth?" Napalingon ako sa pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.

"Macy?!" Agad na napangiti ako at lumapit ako dito at saka mataman na pinagmasdan ito.

"Akala ko nanganak ka na? At saka dapat di ka na masyadong nagkikikilos at gumagala gala kung san san at baka mapano kayo ng pamangkin ko" sabi ko dito.

Ngumiti ito at saka marahan na hinaplos ang maumbok na tiyan.

"Don't worry Caesarian ako at ang due ko pa ay next week" sagot nito.

"Ah okay paano mauna na ako" paalam ko dito,
Tatalikod na sana ako nun hawakan nya ang braso ko.

"Wait lang Kenneth....ahm can we talk kahit sandali lang?" Pakiusap nito.

Ilang saglit na nag isip ako kung papayag ba ako o hindi.

kasi pag di ako pumayag baka isipin ni Macy bitter pa ako sa nangyari sa amin nun...

Eh nakalimutan ko na nga na Ex ko ito at naka move on na ako at masaya na ako sa piling nang Asawa kong Dyosa!

Tapos pag nakita pa kami ni Jonas mag isip pa yun nang masama....

Napakamot na lamang ako sa batok ko.
Ah bahala na nga!!!

Alanganin na tumango ako dito.

"Thank you Kenneth" anito.

Inaya ko na ito sa may lounge chair sa may lobby at pinaupo ko na ito at pumuwesto naman ako sa tapat nito.

Ayoko lang sa opisina ko kami mag usap kasi si Lemon wala tapos si Claribel.....malay ko ba dun absent na ito ng mga dalawang linggo na eh...
Not that I cared mas mainam nga yun walang magulo at nang aaway sa akin.

"So what do you want to talk about?" Tanong ko dito.

Ngumiti ito at pinagmasdan uli ako na nagpailang sa akin.

"You look handsome and manly now, and I can't stop staring at you" naiiling at nakangiti na wika nito.

"Naku baka naman di pa ikaw tapos maglihi at ako ang napaglilihan mo ha, naku magwawala yun Asawa mo pag nakamukha ko ang Pamangkin ko" dinaan ko sa biro na lang ang pagsagot dito.

"No kidding Kenneth, you look vibrant and dignified and you now oozing with sex appeal malayong malayo sa gloomy na Kenneth na kilala ko" anito.

"Nahiyang lang sa pag aasawa" sagot ko dito at marahan na tumawa.

Biglang lumungkot ang mukha nito.

"Kung di mo kaya kami nakita that night ni Jonas at di mo nakilala ang napangasawa mo tayo pa kaya o naikasal kaya tayo" napangiti ako dito at ginagap ang kamay nito.

"Maybe...Yes...Maybe not because you know that since childhood naniniwala na ako sa fairytale, sa happy ending,
sa destiny at sa may forever at akala ko talaga ikaw na yun forever ko kinundisyon ko na ang puso at utak ko na tayo hanggang sa huli, but nagkamali ako kasi may prince charming ka na at mahal nyo ang isa't isa saka bagay kayo" napaiyak ito sa sinabi ko.
Agad na pinunasan ko ng tissue ang luha nito.
"Hey, Don't get me wrong ha, I don't want to be mean and taos sa puso yung sinasabi ko, what I mean is dun sa palasyo na pinangarap ko na kasama ka mayroon ng prinsipe na naghihintay sa iyo at di ako yun at maluwag sa kalooban na tinanggap ko na di ikaw ang destiny ko at sa iba ko yun natagpuan....so don't feel guilty and be happy kasi magsisimula ka na ng panibagong chapter ng story nyo ni Jonas kasama nun munting prinsipe o prinsesa nyo so cheer up" sabi ko dito.

My Gold Digger WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon