Chapter 5

9.7K 226 1
                                    

Kanina pa sumasakit ang ulo ko dito sa office.Kundi ba naman tambak ang trabaho ko.Yun Sekretarya ko kasi pinalipat ni Mom kay Jonas.

"Tita san ka pupunta bakit nililigpit mo yun mga gamit mo sa mesa." Tita na ang tawag ko sa sekretarya ko dahil matagal na sya sa kumpanya.Sekretarya pa siya ni papa hanggang napunta sya kay Jonas nun napromote si Jonas napunta naman sya sa akin, dahil nga si Macy ang rinequest nito.

"Ang papa mo sabi nya kay Jonas na muna ako"

"Bakit po anong nangyari?" Nung makasal na kasi sina Jonas at Macy tumigil na ang huli sa pagtatrabaho dahil maselan ang pagbubuntis nito.

"Pinagresign ni Mama mo yung secretary nang kapatid mo" sabi nito.

"What, why naman maganda naman ang performance ng secretary nito ah" nasabi ko na lang nakakagulat na si Mom ang nag utos kay tita lilhia kasi di ba dapat si dad ang mag utos nito sa secretarial pool.

"Hay naku ewan ko sa mama mo,pano mauna na ako ha" pinabuhat na nito sa boy yun box na pinaglagyan ni tita ng mga gamit nya.

"Wait tita samahan na kita magrerequest na rin ako ng kapalit nyo sa secretarial pool".Pagkadating namin sa floor kung saan ako pupunta nagpaalam na ako kay tita kasi sa susunod na floor pa siya.

"Hello tita" bati ko sa head nila kasi nakalakhan ko na sila kaya kilala ko na silang lahat.

"Tita yun secretary ko po napunta kay Jonas sino na po ang kapalit nya" tanong ko rito.

"Naku hijo ang bilin ng mama mo wag ka raw padalhan ng kapalit ni lilhia kasi may nakuha ka na raw na kapalit" sagot nito.

"Eh tita ngayon ko lang nalaman na lilipat si tita lilhia kay Jonas pano ako makakahanap ng kapalit agad," nakangiting wika ko.

Naku si Mommy talaga malamang iniinis ako nito dahil sa nangyari last week.

"Ganon ba hijo, pero walang available na tao ngayon pasensya na" hingi nito ng paumanhin.

"Okay lang po tita" nagpaalam na ako dito.

Sunod ko naman pinuntahan si Dad.

"Tita si Dad po" tanong ko sa secretary ni Daddy.

"Nasa loob pasok ka na" sagot nito.Nagpasalamat na ako dito at tumuloy na sa Office nga ito.

"Dad" tawag ko rito. Nag angat ito ng tingin.

"Bakit napunta ka rito hijo" tanong pa nito, umupo na ako sa upuan sa harap ng mesa nito.

"Dad alam mo ba na pinalipat ni Mom si tita lilhia kay Jonas" tanong ko rito.

"Ah yun ba?" Natawa si dad. "Mukha kasing pinaglilihian ni Macy yun dating sekretarya ni Jonas kaya laging inaaway kaya yun nagresign na lang daw sabi ng Mommy mo"

"No dad, sabi ni tita lilhia pinagresign daw ito ni Mommy" umiiling iling na salungat ko kay Dad.

"Pero sabi ng Mama mo--- "naputol ang sasabihin nito nang pumasok na si Mommy.

"Edmund, nag aaya si balae na mag dinner raw tayo sa bahay nila" humalik ito sa pisngi ng papa ko at inirapan ako. Sabi na eh mukhang may ginawang kalokohan si mommy.

"Minerva buti nandito ka, itong si kenneth eh wala raw secretary pinapunta mo raw pala kay jonas"

"Mas kailangan ni Jonas si lilhia kaysa dyan sa suwail mong anak" nakataas ang kilay na sagot nito kay papa.

"Pero ,Mom okay lang naman sa akin yon, kaya lang wala naman itong kapalit pa"

Kahit kasi si papa ang Chairman ng board of directors kay Mama pa rin ang kalahati ng kumpanya dahil nun nagpakasal tong dalawa nagmerge din ang mga kumpanya nila kaya pag gusto ni mama na manggulo sa office walang problema dito.

"Wala akong pakialam sa'yo tutal wala ka naman pakialam sa akin, maghanap ka ng sekretarya mo wag ka nang magrequest pa sa secretarial pool wala kang makukuha" nakasikmat na wika nito.

"Minerva" awat rito ni dad

"Mom" angal ko. Si Mama talaga alam na alam ang kahinaan ko.Alam nya di ako organise sa mga schedule ko pati na mga meeting ko isama mo pa na pag focus ako sa ginagawa ko nakakalimutan ko ang lahat, pati nga kumain minsan di ko na naaalala pa. Buti sana kung palaging di busy si Cathy sa trabaho dinadalhan na nya ako ng pagkain o kaya binibilin nya na kay tita lilhia na ibili ako ng pagkain. Natatandaan ko pa nga dati nun bago pa lang akong nagtatrabaho dito ay muntik na akong magka ulcer dahil sa kagustuhan kong magpaimpress sa mga magulang ko.

"Bahala kang maghanap ng secretary mo sinabi ko na sa HR na wag magpost ng job vacancy dahil ikaw na ang bahala don" hinila na nito si dad at lumabas na sila.

At isang linggo nang wala akong secretary kaya tambak na ang mga papeles na pipirmahan ko dahil irereview ko pa isa - isa.

"Honey ko "napaangat ang tingin ko sa dumating."bakit wala si tita sa pwesto nya" ani Cathy. Lumapit ito at hinalikan ako sa labi ko.

"Na kay Jonas sya hon, pinalipat muna ni dad kasi nawalan sya ng sekretarya" tinignan nya ang mga nakakalat na papel sa mesa ko.

"Meaning ikaw lang mag isa rito at gumagawa ng lahat ng to" isa isang inayos ni Cathy ang mga nakakalat na papel at sinalansan.

"Nagrequest ka na ba ng kapalit?" Tanong pa nito.

"Wala pa silang available" nasabi ko na lang baka malungkot pa si Cathy pag nalaman nya na si mama ang dahilan kung bakit ako nawalan ng secretary.

"Gustuhin mang kitang tulungan dito pero wala akong masyadong alam tungkol dito"

"Okay lang nakakahiya pa nga pag tinulungan mo ako, parang abuso na yon"

"Tatawagan ko si Avery di naman busy yon, para matulungan ka di ako mapalagay na nakikita kang tambak ang trabaho, nakakakain ka pa ba nyan o nakakapagpahinga naku baka mastress ka pa magkasakit ka pa sa puso nyan, naku ha ayokong mabiyuda ng maaga" tuloy tuloy na saad nito.

Shit ang puso ko! Lumakas ang tibok sa sinabi nya lalo tuloy ako humahanga sa kanya nito. Ang swerte ko talaga sa kanya.

"hon wag na lang nakakahiya kay Avery" tutol ko.

"No hon tatawagan ko si Avery kasi magaling sya sa paperworks wala lang sa hitsura nya pero business ad ang tinapos nun at saka magpapatulong rin tayong maghanap ng kapalit ni tita lilhia" sansala nito at tinawagan nya na si Avery.

My Gold Digger WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon