May isang manlalakbay, kutong maliit !
Na sa buhok ay pasabit-sabit.
Bawat lakad niya'y may kating kapalit,
Resulta nito'y ekspresyong mapait.Oh kutong maliit ! magpahuli ka naman !
Nang di na mahirapan, ulo kong nilalakbayan.
Wag ka nang makulit, kutong maliit !
Pag ika'y nahuli, kamatayan sayo'y sasapit.Ah ! may naisip na ako kung ano ang sayo'y papain,
Sege lang, sege lang ! magpakabusog ka kakakain ..
Dahil ako'y pupunta lang ng tindahan at bibili ng suyod,
Pagkatapos nito'y ako na ay manunuyod.Sa wakas ! kutong maliit, nahuli rin kita !
Sa ulo ko ngayo'y wala ka ng mahihita.
Matagal mo rin akong pinahirapan at pinaghintay,
Kaya patawarin mo ako, ako na sayo ngayon ay bibitay.Wag ka nang magpaawa effect ! lecheng kuto ka !
Dahil pasensya ko'y ubos na at sagad-sagad pa.
Tsik ! Patawad kutong maliit, ika'y pinatay ko na,
Kesa naman ako'y mangati dahil binubuhay kita.
BINABASA MO ANG
"Mga bagay-bagay sa MUNDO"
PoetrySadyang napakalaki ng mundo. 🌍 Maraming ang bagay ang naririto Na siyang magsisilbing paksa ko At siya namang mababasa mo. Masayang pagbabasa kaibigan. 👓❤