Mayroon akong bugtong,
Iyo sanang masagot.
"Masaya ang nawalan,
Malungkot ang nakapulot."Aling hangin ang biglang ibinubuga,
Na bigla ring iniiwasan ng iba ?
Kapag ito'y umabot sa iyong ilong,
Tsak sa pagsimangot ka hahantong.Hanging galing sa pinakaloob,
Ang amoy ay kaytagal nakulob.
Na kapag iyong inilabas,
Sa mga katabi mo'y hahampas.Saan kaya galing ang kanyang tapang?
Dahil sa suntok niya'y tulog ka, malamang.
Mahirap to pigilan lalo na kung biglaan,
Malas mo pa kung may kasamang laman.Oh hanging sobrang makapangyarihan,
Kaylaking hiwaga sa amin ang tinuran.
Bugtong ko'y iyo na sanang masagot,
Para sa susunod, sa kanya'y di ka malagot.
BINABASA MO ANG
"Mga bagay-bagay sa MUNDO"
PoetrySadyang napakalaki ng mundo. 🌍 Maraming ang bagay ang naririto Na siyang magsisilbing paksa ko At siya namang mababasa mo. Masayang pagbabasa kaibigan. 👓❤