Tuwing umaga ito ang bumubungad
Pag ikaw sa daan ay naglakad-lakad.
Malas mo pag paa mo dito'y pumasada
Amg tinaguriang hari ng kalasada.
May iba't ibang uri ng kulay ang hari ng daan,
May dilaw at kahel minsan pa nga'y luntian
Kasama ang tropa ng langaw na padapo-dapo
Habang ikaw na paraan ay papalo-palo.
Ang hirap dumaan pag mga hari ay nagtipon
Talon dito, talon doon, iwas dito, iwas doon.
Keri lang maging tanga na iskapo ng iskapo,
Konting ingat friend baka ika'y mapaupo :D
Hindi naman mahirap ang sila'y alisin
Konting buhos ng tubig saka mo walisin
Pero sadyang may mga amo na di responsable
Kaya alaga nila echos ng echos sa kalye.
Kaya ang pag-iingat ay labisan mo,
Kung ayaw mong sa hari ng daan ika'y buminggo.
BINABASA MO ANG
"Mga bagay-bagay sa MUNDO"
PoetrySadyang napakalaki ng mundo. 🌍 Maraming ang bagay ang naririto Na siyang magsisilbing paksa ko At siya namang mababasa mo. Masayang pagbabasa kaibigan. 👓❤