"Sigurado ka bang mababayaran mo kami ng malaki?" tanong niya at marahan na hinaplos ang mukha nito. Katabi niya ito ngayon sa sofa.
"Of course! Para saan pa ba ang pangunguha ko ng pera sa taong bayan? Siyempre para sa mga luho ko iyon. Kaya sigurado akong mababayaran kita ng malaki. Milyon ang ibabayad ko sa inyo ni Bubbles dahil milyon ang kikitain ko sa droga na inihatid niyo sa akin. Gusto mo bilhin pa kita," ngisi nito sa kaniya at hinaplos ang legs niya.
Mabuti na lang ay ang kanan na legs nito ang hinaplos niya kung hindi ay makakapa nito ang kutsilyo at baril na nakakabit sa leg belt niya sa kaliwa.
"Kaya mo ba akong bilhin?"
"Magkano ka ba?"
"100 million." Tumawa ito sa sinabi niya at napatingin sa kaniya.
"Wala pa akong narinig na bumili ng isang babae para sa halagang iyan. Masiyadong malaki ang presyo mo," tawa nito sa kaniya. "Pwera na lang kung magaling ka talaga at maganda. Hubarin mo ang nakatakip sa mukha mo," utos nito at agad na hinawakan ang mask na suot niya.
Mabilis niya itong tinulak at dinaganan. Ngumiti naman ito na parang natuwa sa ginawa niya. Akala siguro nito ay mag-uumpisa na siyang paligayahin ito pero doon ito nagkakamali.
She tapped the ring she's wearing. Huhugutin niya na sana ang baril na nakatago sa ilalim ng dress niya nang biglang bumukas ang pinto.
Napalingon siya kaagad at sumalubong ang madilim na mukha ni Draze sa kaniya. Hindi siya kaagad nakapag-react kaya agad siyang tumalsik sa dulo ng sofa nang tulakin siya ni Mercado.
"M-moretti?" takot na sambit ni Mercado habang nakatingin kay Draze. Nakita niya ang tatlong tauhan ni Draze na tumungo sa takot na takot na si Mercado.
"Tulungan niyo ako!" sigaw pa nito.
"Fucker, your men is on the ground now, you can't ask for help because I'll make you go to hell." Napasinghap siya nang malakas na sinuntok ni Draze ang mukha nito at hinampas pa nito ang ulo gamit ang baril sa matanda, dahilan para mawalan ito ng malay.
Napatayo siya sa sofa habang hindi pa rin inaalis ang tingin niya kay Draze. Bigla siyang nanibago dahil kahit makita niya na itong galit ay parang ibang-iba ngayon.
"Are you fucking kidding me?" Halos mapatalon siya sa sigaw ni Draze habang nakatingin sa kaniya. Mabilis itong lumapit sa kaniya at hinablot ang palapulsuhan niya.
"D-draze na-nasasaktan ako," bulong niya rito. Hindi siya nito pinansin at dere-deretsong hinatak siya palabas. Doon niya nakita ang mga duguan na mga tauhan ng gobernador.
Paglabas din nila ng pasilyo ay malakas pa rin ang tugtog ng music pero wala ng tao ang naroroon na nagpa-party. Hanggang sa makalabas sila ay hindi siya kinausap ng binata.
Pinapasok siya nito sa ibang sasakyan kaya sumunod na lang siya. Umikot ito at pumasok sa driver's seat.
Walang sabi-sabi na pinaandar nito ng mabilis ang sasakyan. Nataranta naman siya at agad na sinuot ang seatbelt.
"D-draze —"
"Damnit! Are you thinking? Is it a part of our plan? Alam mo bang madidisgrasiya ka sa ginagawa mo? What if you don't have any cameras in you? What if there's a technical issue and the camera's suddenly turn of? What will you fucking do?"
Natulala siya dahil sa pagsigaw nito sa kaniya. Kita niya ang ugat nito sa noo dahil sa sobrang galit. Pinark nito sa tabi ang sasakyan at napatalon pa siya sa gulat dahil sa paghampas nito sa manubela.
"D-draze... p-pasensiya na... balak ko naman kasi na tanungin siya ng tanungin at pag nasabi niya na mismo ang mga ginagawa niya ay tatawagin ko na kayo... k-kaya nga tinap ko kaagad yung singsing na binigay mo —"
BINABASA MO ANG
The Mafia Boss Instant Wife
General Fiction-COMPLETED- Aurelia Celeste, also known as Ac, witnessed an accident outside the building where she works. She noticed the collision and the man fleeing suspiciously while grinning to himself clearly due to her excellent vision. She is hiding the fa...