Kinuha niya ang libro niya sa lamesa ng matapos na ang klase nila. Tatlong buwan na rin siyang pumapasok muli sa university ni Emmet. Bs psychology ang course niya dahil iyon daw muna bago siya makapasok sa medical school para mag-aral muli ng 4 years. 12 years pa para maging isang ganap siya na psychiatrist gaya ng gusto niya.
Marami pa siyang pagdadaanan pero kakayanin niya iyon para sa pangarap niya. Napahinto siya ng makita ang street food cart sa banda sa field. Natawa siya dahil alam niya kung bakit nagkaroon ng gano'n sa loob ng university ni Emmet.
Wala kasing nagtitinda ng mga street foods sa cafeteria sa university. Masiyadong sosyal ang mga pagkain na parang pang buffet sa hotel na ang sine-serve roon. Dahil siya ang boss ni Draze at nag-c-crave ang anak nila sa manggang hilaw na sa chili garlic salt sinasawsaw ay nag hire ito ng street vendor.
Actually, hindi nga normal na street vendor at cart ang nakikita niya. Isa iyong food cart at may dalawang certified chef na nagluluto. Pero gaya nga ng request niya, puro street foods ang niluluto nito.
Marami rin natuwang estudyante at namamangha dahil may street food na sa loob ng university. Libre iyon lahat sa estudyante dahil si Draze naman ang may pakana nito.
"Madam! Mangga po ulit?" tanong sa kaniya ng isang chef.
"Opo, tiyaka ito pong fish cake pero hindi maanghang. Gusto ko po sana isawsaw sa sauce ng fish ball. Ano 'yan kuya?" Bumaling siya sa niluluto nitong noodles pero pini-prito.
"Fried noodles madam."
"Isa rin po, pakiramihan ng garlic." Kumilos ang isang chef at nilatag ang folding table at upuan sa tabi ng food truck kung saan naka-ready na ang open tent para hindi siya mainitan.
Hindi na nga nagtataka ang mga estudyante pag nakikita siya rito at kung bakit nagkaroon ng food truck sa university. Noong nalaman ba naman na buntis siya at saktong nasa school siya ay sumugod si Draze kasama ang barkada at nagsisigaw sa loob ng room.
Walang nagawa 'yong professor nila noong oras na 'yon dahil si Emmet ang pinaka-maingay sa lahat.
Sino ba naman ang papalag sa isang principal at owner ng school 'di ba?
"Pwede maki-join?"
"Jun!" bati niya rito nang makitang papalapit. Kasama nito ang iilan na ka-grupo sa soccer at binati naman siya.
"Kumusta ang buntis?" tanong nito at umupo sa isang bakanteng upuan.
"Ito laging gutom, parang doble na nga ang kain ko... ay hindi parang triple na nga!" natatawang ani niya.
"Dalawang buwan na ang tiyan mo 'di ba?" tanong nito sa kaniya. Kinuha nito ang isang tinidor na malinis at nakitusok ng mangga na nasa paper plate.
"Oh my god, it's weird," sambit nito habang hindi maipinta ang mukha. "Parang hindi bagay ang garlic sa mangga."
"Masarap kaya!"
"Because you're pregnant."
"Mag-request ka na ng pagkain kila chef oh! May fried noodles sila, hinihintay ko— ay ayan na pala!" Halos mapatalon siya sa tuwa habang nakatingin sa paper bowl na may lamang fried noodle with extra garlic.
"More garlic for buntis," he chuckled when he saw the garlic toppings.
Nagkwentuhan sila ni Jun habang kumakain. Nakisalo na rin ang mga kaibigan nito sa kanila. Mabuti na lang ay may extra chairs pa. Dahil wala na si Zyldian ay madalas niya makausap si Jun. Hindi na rin siya pinag-iinitan ng mga kababaihan sa school dahil alam ng mga ito na may asawa na siya at si Draze Moretti pa.
BINABASA MO ANG
The Mafia Boss Instant Wife
General Fiction-COMPLETED- Aurelia Celeste, also known as Ac, witnessed an accident outside the building where she works. She noticed the collision and the man fleeing suspiciously while grinning to himself clearly due to her excellent vision. She is hiding the fa...