Sa pagkakaalala ko nung nangyari ito is gabi na, so technically tulog na lahat ng mga kasama ko sa bahay.
Nung time na yan ay ako nalang talaga ang gising.
Gawain na namin noon pa man na tuwing gabi kapag matutulog na kami ay pinapatay na namin ang ilaw sa sala at kusina namin tapos ang natitirang bukas lang ang ilaw ay yung sa kwarto namin.
Nagkataon naman na katatapos ko lang magbasa ng wattpad story nun and bigla nalang ako nakaramdam ng pagkauhaw kaya naman lumabas ako ng kwarto and pagkalabas sobrang dilim pero dahil yung kwarto namin ay wala pang pinto kaya kita sa may sala yung liwanag na nagmumula sa ilaw sa may kwarto pero hindi pa din yun sapat para maaninagan ko yung buong sala.
Dumiretso pa din ako sa may ref binuksan ko ito at uminom na ng tubig saktong pagkaharap ko sa may gawing papuntang banyo may nakita akong babae na mahaba ang buhok tapos nakaupo siya.
Syempre dahil sa gulat ay bigla akong napaatras kaya tumama yung likod ko sa may pintuan ng ref at dahil sa lakas ng pagkakatama ko sa ref ayun napaiyak ako ng wala sa oras buti nalang talaga at hindi nagising sila Mama ng time na yon haha.
Nakakatawa siya pero kung ikaw mapunta sa ganung sitwasyon i swear kung may sakit ka sa puso baka bigla ka nalang atakihin sa puso kasi grabe talaga yung gulat na mararamdaman mo, iba pa yung pakiramdam na matatakot ka sa kaniya.
Pagkatapos naman ng pangyayari na yan ay hindi ko na ulit nakita yung babae.
Ang hindi ko alam kung talaga bang namalikmata lang ako that time o hindi, pero isa lang ang masasabi ko ayaw ko ng maulit yan promise.

BINABASA MO ANG
Real Creppy Stories
ParanormalThis stories is based sa mga experiences ko at ng family ko. This also contains weird dreams. Honestly lahat ng mga ito for me is weird and creepy. Highest Rank 11: experience (01 - 07 - 23) Highest Rank 10: truestory (01 - 07 - 23) Highest Rank 6:...