Good day everyone i'm back!! So nandito ulit ako para maghandog ulit ng panibagong horror story sa inyo.
This story is based sa experience ni Papa nung time na nagtatrabaho pa siya sa Manila at need niya palaging magabang ng masasakyan na bus tuwing madaling araw.
Sa kwento ni Papa nagising sila ni Mama ng maaga kaya naghanda na siya ng mga gagamitin niya sa trabaho tapos kumain na rin siya ng almusal pagkatapos ay sabi niya kay Mama na lalabas na raw siya kasi mag-aabang pa siya ng bus.
Usually kasi sinasamahan siya ni Mama magabang ng masasakyan na bus pero that time kasi ay halos kalilibing lang nung kapitbahay namin (itago nalang natin sa pangalang daryl) kaya takot si Mama na lumabas ng bahay kasi kapag babalik na siya ng bahay ay magisa nalang siya.
Kaya naman ang ginawa ni Papa ay siya nalang magisa ang lumabas ng bahay para magabang ng masasakyan niya.
Tumawid na siya sa kabilang parte ng kalsada para magabang ng bus ng bigla nalang humangin ng malakas tapos biglang napatingin si Papa sa may bahay nila Daryl (yung bahay kasi nila Daryl ay nasa tabi lang ng kalsada kaya talagang tanaw yun tapos malapit lang din siya sa pinapasukan naming eskinita para makarating sa bahay namin.) tapos nakita ni Papa na may nakatayong malaking tao roon.
Tinitigan daw ni Papa ng maigi yung tao na nakatayo tapos nakumpirma niya na si Daryl yun kaya sa takot niya ay tumawid ulit siya pabalik tapos patakbo siyang pumasok sa eskinita papuntang bahay namin.
Kumatok siya sa pinto at buti nalang gising pa rin si Mama nung time na yan kaya nabukdan kaagad yung pinto at nakapasok na si Papa.
Pagkapasok ay kinuwento ni Papa yung nangyari kaya ang sabi ni Mama sa kaniya ay huwag na muna siyang pumasok kaya ayun hindi na muna pumasok si Papa.

BINABASA MO ANG
Real Creppy Stories
ParanormalThis stories is based sa mga experiences ko at ng family ko. This also contains weird dreams. Honestly lahat ng mga ito for me is weird and creepy. Highest Rank 11: experience (01 - 07 - 23) Highest Rank 10: truestory (01 - 07 - 23) Highest Rank 6:...