" Salagimsim "

237 10 3
                                    

***********************

"OH BESTY, mag iingat ka doon ha? Magtext ka kaagad pag andon ka na. Siguraduhin mo, tsaka full charged ba yang cp mo? Mahaba 'yung byahe kaya wag mong paglaruan yang cp mo baka malowbat, para na rin matext at matawagan kita habang nasa byahe ka pa. Yung mga dala mong gamit, tignan mo baka ma-" sabi ko habang isa isang inaabot yung mga bag na dala niya.

"Ano ka ba besty daig mo pa si mama sa pagbibilin ee, kaya nga hindi ko na pinasama yon sa paghahatid sa'min dito sa terminal para walang o.a sa pagbibilin, pinalitan mo naman... Relax lang besty... tsaka hello, kasama ko 'tong dalawang pinsan kong taga doon sa probinsya ng lolo at lola ko noh!" putol ni Sherish sa sasabihin ko pa sana. Sinulyapan ko ang dalawang pinsan nitong si Obet at Fina na nakabungisngis sa akin.

Si Sherish, childhood bestfriend ko. Bata pa lang kami magkaibigan na kaming matalik, magkalaro, sabay nag aral, magkaklase mula elementary hanggang high school at ngayong nakapagtapos na kami ng sekondarya sabay naman kaming papasok sa iisang college school, magkaiba nga lang ng kurso, BSED ang sakin, Tourism naman ang kay Sherish.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Sherish. " Ang careless mo naman kasi, nag aalala lang. Alam mo namang hindi ako makakasama, walang magbabantay sayo."

Totoo careless nga ito, madalas itong maaksidente gaya na lang noong bata pa kami. Nasagasaan si Sherish ng bike. Buti na lang at bike lang yun at hindi naman ito ganun napinsala. Madalas din itong madapa, matapilok at mahulog kung saan saan. Hindi ko nga alam kung lampa lang talaga ito o sadyang lapitin lang ng aksidente.

"Uhhhhhh..." malambing na ungot ni Sherish sabay yakap sa akin. "Ang sweet at ang maalaga mo talaga... bata pa lang tayo besty, hindi ka talaga nagbago...Pero besty, hindi na ko bata ok... kaya ko na. Promise mag iingat na ako lagi, nakakahiya na sayo... lagi mo na lang akong iniisip, inaalagaan kaya this time i'll take care of myself na para hindi ka na mag alala. Mag iingat na talaga ako." mahaba nitong litanya.

Pinalis ko yung luhang pumatak sa pisgi ni Sherish. Ang iyakin talaga nito. Konting touching words lang naiyak na.

"That's good, alam mo namang tinuturing na kitang kapatid ee. Aasahan ko yang sinabi mo ha... Sige na sumakay ka na, nauna na yung dalawang pinsan mo sa loob. Mag iingat ha..." sabi ko at tinulak tulak na si Sherish pasakay. Baka magkaiyakan pa kami dito ee.

Umakyat na si besty pero tumigil ito sa huling baitang ng hagdan ng bus paakyat at humarap sa akin. Ngayon nakatingala ako sa kanya at nakatungo naman siya sa akin. Kagat kagat nito ang labi at parang hindi mapakali.

"Besty... parang ayoko ng umalis..."

Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Joke lang hehe..." sabay peace sign ito.

Napatawa ako. "Baliw ka, sige na babae ka at aalis na daw kayo." Narinig kong sinigaw kasi ng kundoktor na aalis na nga yung bus kung saan lulan ang magpipinsan.

"Jean... thank you sa lahat ha. The best kang kaibigan at kapatid. Kung mamatay na ako... at mabubuhay muli sa ibang panahon... sana ikaw ulit ang maging bestfriend ko...." aniya ng nakangiti. "Bye besty!!!"

Natulala ako sa sinabi ni Sherish, hindi ko kasi inaasahan na magsasalita ito ng ganun. Bigla tuloy akong kinabahan. Pakiramdam ko parang may di magandang mangyayari.

Bago pa ako nakahuma ay nagsara na ang pinto ng bus at nagsimula ng umarangkada ito. Natignan ko na lng ang papaalis na bus kung saan lulan ang magpipinsan. Siguro nagdadrama lang si Sherish kanina. Hay... loka loka talaga 'yun.

"Lord, sana safe po silang makarating sa pupuntahan nila, gabayan mo po sila at ilayo sa anumang kapahamakan... amen." Dasal ko sa isip ko bago ako tumalikod at magsimulang maglakad.

One Shot Horror Stories (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon